Chapter 18 : Why so sweet?

5.8K 122 31
                                    

Lyvhie's POV

"Andy! Oh God, please stop backhugging me!" inis kong hiyaw habang pilit na inaalis ang kamay nitong nakapulupot sa tiyan ko.


"No..." tutol nito tsaka pa mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Oh please! Naiinis na talaga ako sakanya. Sama mo pa itong patuloy niyang pagsinghot sa leeg ko. Nakikiliti na ko kanina paaa!


"But Andy... Nakikita mo naman sigurong nagbibihis ako, ni hindi na ako matapos tapos ng dahil sayo!" inis pa akong nagpapadyak. Hindi naman ito umimik dahilan para mas lalo pa akong ma-frustrate.


"Kanina pa ako tapos maligo, tapos male-late na rin ako for school! Aish! You're so annoying! Bitaw na kasi!" halos mabaliw ko na ring hiyaw sakanya pero hindi talaga siya nagpapatinag.

Ang siste tuloy ay hinayaan ko nalang ito at nagstay kami sa ganoong posisyon ng hindi ko malaman kung ilang oras ba ang lumipas.


"Okay. I'm fully charged now. Pwede ka ng pumasok" bitaw niya sa akin tsaka ngiting ngiti akong iniwan dito sa kwarto.


What the heck was that?!


Imbis na patulan ay minabuti ko na lamang na magbihis para makahabol sa hindi ko rin alam kung pang ilang sub ko ngayong umaga. Thanks to Andy tsk!


"Honey!" pigil sa akin ni Andy ng makita akong palabas ng bahay. Ayoko man ay nagawa ko pa rin siyang lingunin. Mataray ko siyang tinaasan ng kilay. Gusto kong malaman niyang inis na inis ako sakanya ngayon.


"What do you want this time? Please make it quick, male-late na naman ako..." you know what? she's really annoying! Ni gusto ko na naman siyang hampasin ngayon sa sobrang inis ko sakanya.

"Hatid kita" yun lang tsaka na niya ako hinala sa sasakyan niya.


Sandali akong natigilan ng hawakan nito ang kamay ko habang nagmamaneho na siya. Pinagsiklop niya pa iyon dahilan para magrigudon na naman tong puso ko. Abnormal talaga potek! Inis pa ko eh!






Pakiramdam ko ri'y bigla nalang ding uminit ang magkabilang pisngi ko dahilan naman para mapatingin ako sa labas ng bintana. Neknek niya namang ipapakita ko to sakanya. Galit pa ko sakanya no!


"Lyvhie..." oh kitams! tapos ngayon tatawagin niya ako sa pangalan ko!  Ha! Manigas siya dyan!


Sinubukan ko naman bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya lang iyong hinigpitan. Mariin tuloy akong napapikit habang nanatili pa ring nakaharap sa bintana ang mukha ko. Kalma lang Lyvhie. Kalma ka lang. Mahirap na baka sumabog ako dito sa pinaghalong inis at kilig, baka kasi mahampas ko siya ng bag ko't madisgrasya pa kami.


"Hon naman..." hmp! Hindi niya ako madadaan sa hon, hon niyang yan no!


"Love..." urgh! Ano ba kasi! Bahala siya dyan!

"Babygirl? Daddy's sorry for what she did awhile ago" doon naman ako natigilan. What the fuck is she talking about?!

Anong Babygirl? Anong D-daddy?! Iww! Ano bakit kasi parang ang ano, ang dumi pakinggan?

'Sus greenminded ka lang talaga nakuu...' tuya naman ng isipan ko.



Anong greenminded?! Epal ka talaga kahit kailan. Ni hindi ka naman kasali! Paepaaal!



Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now