Chapter 29 : Sweet but weird

4.5K 115 25
                                    

Lyvhie's POV

Pasimple akong napakagat labi ng masulyapan ang magkasugpong naming kamay ni Andy habang nagmamaneho na ito para ihatid ako ng Maynila.

Sa totoo lang kanina niya pa yan hawak at ayaw bitawan kahit pa nung nagdrive thru kami't napagasolina kanina. Ni sinubuan ko pa nga siya ng pagkain dahil ayaw niya talaga alisin ang kamay sa akin. Ang weird niya pero nakakakilig, nakakatuwa, nakakabaliw.

Napansin ko namang huminto na kami. Naidungaw ko tuloy ang paningin sa labas at nakitang nasa tapat na pala kami ng bahay. Medyo madilim pa rin dahil alas-dos pa rin naman ng madaling araw.


Inayos ko sa pagkakasukbit ang shoulder bag ko bago lumingon kay Andy na simpleng nakatingin lang pala sa akin. Ngumiti ako tsaka inilapit ang mukha para dampian siya ng halik sa labi.


"Thank you~" pauna kong sambit tsaka nakangiting hinalikan naman ang pisngi niya pero wala pa rin talaga pagbabago sa mukha nito. Nakatitig pa rin talaga sa akin na para bang may malalim namang iniisip.


"Andy?" kuha ko sa atensyon nito na siyang tagumpay ko namang nagawa. Mukhang nabalik na kasi ito sa wisyo't napaayos na din ng upo.


"What?"

"Kako thank you atsaka bitaw na para makalabas na ako" kasabay ng mahina kong pag-alog sa kamay naming magkahawak pa rin ngayon.


Pero imbis na bitawan ay mas lalo niya lang iyong hinigpitan. Kunit noo tuloy akong napa-angat ng tingin sakanya.


"Sit here..." tapik nito ng lap niya dahilan para umarko ang isang kilay ko.

Okay? Gusto niyang umupo ako sa lap niya pero nasa loob kami ng kotse niya. Like how can I do that?

"Ang weird mo. Sige na, bitaw na. Inaantok na ko eh" muli kong bawi sa kamay pero ang higpit talaga. Gosh. Ano bang trip niya ngayon?


"Please kahit sandali lang" sumamo pa nito dahilan para nawi-weirduhan ko siyang pinakatitigan. What's wrong with her? Ang weird kasi talaga niya...


Para wala nang bangayan ay umupo na nga ako sa lap niya paharap sakanya. Di naman ako nahirapan dahil malaki naman tong sasakyan niya. Hindi pa rin talaga niya binibitawan ang kamay ko. Iniyakap lang nito ang kaliwa nitong kamay sa bewang ko habang yung free hand ko naman, yung kanan ko'y iniyakap naman sa batok niya.


Ilang minuto din kaming nagtitigan bago na nga ako yumakap sakanya't isiniksik ang mukha sa balikat nito.


"Ang weird mo..." bulong ko pero wala akong narinig na kahit anong reaction mula sakanya. Pinili ko na lamang na pumikit at mangiti ngiting pinakinggan nalang din ang sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nalamang nagagawa ko pala to kay Andy.


"Stay lang tayo sa ganito? May pictorial ka pa mamaya. Kailangan mo ng bumyahe ngayon para umabot ka–"


"Shh.." pigil nito sa akin sa pagsasalita. Napatikom tuloy ako ng wala sa oras.


"But Andy..." muli kong sambit matapos ng sandaling katahimikan.

Magti-three na kasi ng madaling araw eh 8 ng umaga ang start ng pictorial niya. 6 hours din kasi ang naging byahe mula dito hanggang doon. Nalaman ko yung oras kasi sandali kong sinipat ang glow in the dark kong wristwatch.

Wala naman siyang naging tugon ngunit inilayo na ako nito sakanya ng bahagya. Ngayon tuloy ay nagkakatitigan na naman kami ng natural tired eyes niya. Pakiramdam ko talaga sa mga ganitong senaryo'y tinititigan nito ang kaibuturan ko.


Linapit nito ang mukha sa akin dahilan para kumabog naman ng malakas ang puso ko't maduling din sa lapit ng mukha naming dalawa.


"Mine" yun lang tsaka na niya sinakop ang labi ko. Masuyong halik lamang iyon na agad ko namang tinugunan. Sandali lang din ang tinagal nun tsaka na rin ako inalalayin ni Andy na makababa sa sasakyan niya. Hinatid niya rin ako sa loob, buhat ang isang bag na naglalaman ng gamit at damit na ginamit ko sa isla.


"Take care okay? Tinawagan ko na rin si Jade para samahan ka dito ng tatlong araw. Ayo..." sandaling umiwas ito ng tingin sa akin "Ayoko lang ng mag-isa ka dito sa bahay habang wala ako"


Gusto ko sanang pisilin ang matangos nitong ilong dahil sa kacute'an niya ngunit mas pinili ko nalang na ngumiti rito.


"Thank you. Ingat ka din dun lalo na sa pagmamaneho pero kaya mo ba? Wala ka pang tulog babylove..." lumapit ako sakanya tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Napangiti naman siya. Ang cute~


"Don't worry kaya ko naman. Sige na. Akyat ka na para makatulog ka na rin. You look sleepy na honey oh, go na. Alis na rin naman ako. Goodnight~" tsaka niya ako hinagkan sa noo na siya namang ikinapikit ko.


"Goodnight. Drive safe okay?" tumango naman muna ito na sinundan naman ng marahang pagkaway bago na nga siya tuluyang lumabas ng pinto.



Agad naman akong napanguso at para pang maiiyak na rin dahil ayoko talaga tuwing di ko siya makakasama ng matagal.

Kagat labi naman akong pumihit patalikod para umakyat na sana sa taas ng muli kong marinig ang pagbukas ng pinto. Pagharap ko'y nakita ko si Andy na hawak ang spare key niya't mabilis na naglakad patungo sa akin.


Agad niya akong hinapit sa bewang kasabay nang paghalik nito sa labi ko. Masuyo ng una hanggang sa naging mapusok na. Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa shirt niya sa dibdib.


Nanatili pa rin akong nakapikit ng maglayo ang mga labi naming dalawa. Pagmulat ko'y nakangiting mukha ni Andy ang bumungad sakin, di ko na rin tuloy napigilang hindi mapangiti.


"Parang gusto ko nalang ireschedule yung pictorial ko because of you. Ugh you're so cute!" tsaka niya pinanggigilang pisilin ang ilong ko na siyang ikinahagikgik ko naman.


"Loko. Bat di ka pa umaalis?" natatawa kong turan habang inaayos ang kwelyo ng pink polo niya. Hinayaan ko lang din siya sa pagyakap sa bewang ko.


"Isn't it obvious?" tsk Andy. Lagi nalang tanong ang sagot mo sa mga tanong ko.

Inis ko tuloy siyang inikutan ng mata. Tumawa lang naman siya tsaka na ako hinila sa couch. Ibinagsak nito ang sarili doon kasama ako. Ako tuloy ngayon ang nakadagan sakanya. Yung lagi niyang posisyon tuwing matutulog kami. Nabaliktad lang.

Niyakap niya ako tsaka marahanng dinadampian ng halik ang ulo ko. Iniangat ko naman ang mukha ko para makita siya.


"Di ka pa aalis?" takang tanong ko.


"Bakit gusto mo ba akong umalis?" Boom! Lyvhie ano ka ngayon?


Sandali akong natigilan at napatitig sa kaniya. Imbis na sumagot ay niyakap ko nalang ulit ito tsaka siniksik ang mukha sa leeg niya. Bigla yata akong namula dun. Hala nakakainis na naman tong si Andy. Wala man lang preno preno? Abante agad? Sulong agad? Sisid aga–oh wait! That sounds dirty uhm teka that's not what I mean uhh okay shut up na nga lang ako!


Natawa naman ito ng marahan ng hindi siya nakakuha ng tugon mula sa akin dahilan para bahagya akong mapapikit ng mariin. Ewan pero nakaramdam ako ng hiya sa part na yun. Hindi ko din maintindihan kung bakit ang hirap para sa aking sagutin and tanong niyang iyon. Obvious din naman ang magiging sagot ko dun, ofcourse I don't want her to go. Gusto ko lang dito siya sa tabi ko... forever.


"N-no" nahihiya ko pa ring sagot sakanya. Muli na naman siyang natawa dahilan para mapakapit ako ng madiin sa damit niya. Napapadalas yata ang pagtawa niya ngayon, ang weird lang talaga.


"Then I'll stay here with you" gusto ko namang mapatili dahil dun. Gigil ko tuloy na kinagat ang labi para iwasang di mailabas ang tinatago kong emosyon. Kinikilig ako.






-----------------------

Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading. Lovelots💘

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now