Chapter 8 : Bar

10.1K 181 7
                                    

Lyvhie's POV

Hindi ko alam kung bakit pa ko nananatili dito kasama ang dalawa. Pareho silang nakaupo sa pahabang upuan habang ako naman ay nasa single couch at simpleng pinagmamasdan ang mga ito.

Kulang nalang pati langgam ay langgamin na rin sa kasweetan nilang dalawa. Sa totoo nyan kanina ko pa gustong lumayas sa harapan nilang dalawa dahil parang wala ako dito kung maglampungan ang mga ito. Hindi sa bitter ako pero dapat ilugar naman sana nila tong mga pinaggagawa nila.

"Kiss me" bulong ni Aria pero rinig ko pa rin. Napaarko tuloy ang isang kilay ko ng hindi lumilingon sa kanila. Ipinokus ko kasi ang atensyon sa nakabukas na telebisyon para kahit papaano'y mawaglit sa isipan ko ang landian ng mga ito.

Nagsalubong ang kilay ko nang makarinig ng impit na pag-ungol. Dali dali tuloy akong napalingon sa direksyon nila at ganun nalang ang panlalaki ng mata nang makitang hinahalikan nga talaga ni Andy si Aria.

Parang gusto kong hilain si Andy palayo kay Aria pero bigla akong natigilan nang mapagtantong wala pala akong karapatan. Agad akong tumalikod sa mga ito at mabilis na pumanhik sa kwarto dahil sumasakit ang mata at damdamin ko sa nakikita. Hindi man lang ba inisip ni Andy kung anong mararamdaman ko? Wala na ba talaga siyang kahit katiting na respeto sa'kin? Hindi ba nila naisip na may ibang tao silang kasama?

Sa nasaksihang iyon, napagtanto kong landian lang talaga ang habol sa'kin ni Andy. Para akong nanlumo ng maisip na ginawa lang pala ako nitong panakip butas. Akala ko kasi may ibig sabihin ang mga bagay na ginagawa nito sa'kin, yung pagiging sweet at caring niya pero isang pag-arte lang pala. Walang katotohanan at puro kasinungalingan..

Naiinis ako sakanya! Naiinis na naman ako sakanya!

Mabigat ang loob kong pabagsak na iniupo ang sarili sa gilid ng kama. Agad din akong napasapo sa mukha gamit ang dalawang palad ko. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa mga oras na ito. Wala naman akong dapat na ikagalit o ikaganito sa mga nangyayari.

Oo, ilang buwan palang kami magkakilala ni Andy pero pinapagulo na nito ang isipa't damdamin ko. Litong lito na ko sa sarili ko! Gulong gulo na ko!

Hindi ko kasi alam kung bakit ako humatong sa ganito. Hindi ko alam kung bakit talaga ako ikinasal sakanya. Kung bakit ba ko itinali ng maaga at sa tao pa talagang hindi man lang ako maisip, maski yung nararamdaman ko. Nalilito ako pero tingin ko kasi unti unti ng namumuo ang pagkagusto ko kay Andy na mukha namang wala ring kakahantungan.

Siya na rin kasi mismo ang nagtaboy sa'kin nung una palang di ba? Ayaw niya sa tulad ko. Pinangalandakan niya na rin sa'kin na hindi siya kailanman magkakagusto sa tulad ko. Nakakainis na may tao ng nagmamay-ari na sakanya. Nakakainis talaga! Pilit kong pinupunasan ang mga luhang walang paawat sa pagtulo sa pisngi ko.

"Ano ba?! Bakit kasi ako umiiyak?!" patuloy kong punas sa luha habang humihikbi na rin.

"Nakakainis! Tumigil ka na kasi!" tila sermon ko pa sa mga luhang ayaw talagang tumigil sa pagpatak.

"Lyvhie para kang tanga! Ano ba kasi!" ulit ko pa bago naisipang dumapa.

Ang bigat bigat ng dibdib ko. Hindi ko malaman kung lalagnatin ba ako sa sama ng nararamdaman ko. Natigil lang yata ang mga mata sa pagluha ng gupuin ako ng antok. Nagising ako sa mahihinang pagtapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ay magandang mukha ni Andy ang bumungad sakin. Agad akong napaupo dahilan para magkauntugan kami.

"Ouch!"

"Ah!"

Pareho kaming napasapo ng noo at sabay ding nagkatinginan. Nang mahimasmasan ay agad akong tumayo para magtungo sa banyo at hindi na pinansin pa ang pagtawag nito sa pangalan ko. Naiinis pa rin ako sakanya! Kung gagawin lang pala ako nitong panakip butas at babalewalain lang din ang kasal namin edi sana hindi niya nalang ako pinakasalan. Paglabas ng banyo ay agad akong nag-ayos dahil sa tingin ko mas makakabuti sa aking malayo muna dito para kahit papaano'y mawala sa isipan ko ang ginawa nila ni Aria kanina.

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now