Chapter 27 : Let's play

4.4K 104 9
                                    


Lyvhie's POV

5 hours ago...

"Andy picture tayo!" sulpot ko sa kung saan rason para matigilan ang lahat ng nandito at nawe-weirduhang napatingin sa gawi ko. Napangiwi naman ako sa kahihiyan.

Sa totoo nyan, naririto kami nina Andy at ng Team niya sa isang private beach para sa solo photoshoot nito. Siya na naman kasi ang cover girl ng Summer Magazine nextmonth, na siya naman talagang patok sa kahit na sino dito sa Pinas.

Actually five days pa siya dito at nagpumilit lang akong sumama. At dahil maganda ako kaya hindi na siya nakatanggi pa, dejoke lang haha.

Dinahilan ko na lang din sa kanyang gusto ko lang ii-spend 'tong weekends ko with her. Okay lang naman sa akin kung medyo busy siya, naiintindihan ko naman yun. Pwede ko namang i-explore mag-isa ang sarili ko dito.

Pwede naman akong maligo sa dagat kung gusto ko o kaya naman mamasyal. Napag-alaman ko kasing pagmamay-ari ng pinsan nitong si Amber ang private beach na to. Dalawang araw lang ako dito at babalik din ulit ng Maynila bukas para pumasok.

"Uhm... Sorry" nahihiyang nagpeace sign naman ako tsaka na naglakad palapit kay Andy na inaayusan ngayon ng buhok.

Taka itong nag-angat ng tingin sa akin mula sa phone niya. Ngumiti lang naman ako ng pagkatamis tamis.

"But Ly–"

"Please... isa lang~" pacute ko dahilan para mangiti-ngiting napailing ang ilang staff dito.

"Uhm okay" ngiti nito sa akin tsaka na rin inayos ang pagkakaupo.

Lumawak naman ang ngiti ko sa labi ng pagbigyan ako nito. I knew it! She can't resist me! Ganyan talaga pag-maganda! Dejoke lang talaga haha.

Nakisuyo naman ako sa isang staff na kuhanan kami ng picture ni Andy gamit ang phone ko. Umupo ako sa kandungan ni Andy na siyang ikinagitla nito. Napangisi naman ako sa isipan ko ng malamang malakas na talaga ang epekto ko sakanya.

Kinuha ko din ang mga kamay niya para iyakap sa akin. Tumingin muna ako sakanya para masiguro kung nakatingin ba siya sa camera.

"Andy stop using your phone please. Look at the camera and smile~" turan ko tsaka na humarap sa camera't ngumiti pa ng husto. Sumenyas naman ako kay kuya na ginawa kong photographer na pwede na niya kaming kunan ngayon.

Agad din akong nagpeace sign dahil iyon ang kadalasan kong ginagawa kapag nagpi-picture. Nagsimula namang magbilang gamit ng daliri si kuya pero ng umabot na ito sa 'one' ay yun naman ang saktong pagtunog ng phone ni Andy. Di ko nalang pinansin at tumutok na lamang sa camera.

Nagthank you naman ako matapos nitong maibalik sa akin ang phone ko. Ngumiti lang naman si Kuya tsaka na muling ginawa ang trabaho niya.

Mangiti ngiti ko namang tinignan ang picture namin ni Andy habang nakaupo pa rin sa lap niya. Pero napasimangot lang din ng makita iyon. Hindi nakatingin si Andy sa camera bagkus ay sa selpon lang nito nakatutok ang mga mata niya.

Imbis na magtampo ay pasimple nalang din akong napangisi na makaisip ng gagawin.

Present time..

"Why are you laughing?" kamuntikan naman akong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa likuran ko. Agad naman akong napaharap doon at nakita si Andy na nakaroba.

Inilapag ko naman muna ang phone ko sa gilid tsaka tumayo para lapitan siya. Matamis ang ngiting ipinulupot ko ang braso sa batok niya tsaka ito hinalikan sa labi.

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now