Chapter 23 : So Freaking Adorable

5.5K 124 29
                                    

Andy's POV

Agad akong nagtago sa likod ng pinto nang makarinig ng yabag pababa ng hagdan hudyat na gising na nga si Lyvhie. Hawak ko din ngayon ang bouquet of flowers na siyang balak kong ibigay sakanya mamaya.



Sa totoo lang I'm nervous rightnow. Honestly, hindi naman ako ganito dati. I mean oo nga't nageeffort ako kay Aria before pero hindi ganitong ka-grabe.




Lahat ng efforts ko kay Aria before, hindi ako ang gumagawa. Sadyang ako lang ang nag-uutos at nagpaplano pero itong kay Lyvhie kasi ako lahat ang nag-ayos, nag-handa at nagplano. Ewan pero hindi lang kasi matanggap ng konsensya kong walang gawin sa naging birthday nga nitong hindi ko alam, na kahapon ko lang din nalaman.






Masyado lang talaga akong binabagabag ng konsensyang yun kaya ko 'to nagawa.







Silip silip ko si Lyvhie sa maliit na siwang ng pinto habang naglalakad na ito papuntang kusina pero agad ding natigilan ng mapansin ang ayos sa sala.







Dahan dahan siyang naglakad patungo rito sa sala kung saan ko inihanda ang surpresa para sakanya. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. Tila hindi makapaniwala sa nakikita. Napangiti na nga lang din ako nang sampalin nito ang sarili upang malaman kung nananaginip ba siya o ano.








Lumapit ito sa isa sa nga litratong nakasabit sa tali ng lobo, hinawakan nito iyon tsaka pinakatitigan. Bahagya ring gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya na siya namang mas lalong nagpalundag sa puso ko. She's so precious....











Actually halos twenty balloons ang nakaangat sa ere, that means twenty pictures din ang pwede niyang makita. Karamihan solo pictures niya at yung iba naman litrato naming dalawa. Pinupuno kasi ni Lyvhie ng selfie nito ang phone ko, minsan din sinasama niya ako. May passcode ang gallery ko, hindi sa may porn dun or what, hindi porket hilig ko ang pakikipagtalik ay may ganun na ako sa phone ko, duhh there's a lot in the internet. May passcode lang talaga yun dahil may private photos kami ni Lyvhie, not that we're naked. Sadyang mayron lang kaming picture na naghahalikan na hindi naman pwedeng makita ng kung sino sino lang, lalo na ni Aria dahil panigurado malaking problema yun kapag nagkataon.






"You're so cute here Andy but I still hate you..." tsaka siya bumuntong hininga't binitawan ang hawak niya kaninang litrato. Simple niyang sinuyod ulit ng tingin ang buong paligid. Malungkot siyang napangiti. Mas lalo namang tumaas ang libel ng guilt sa sistema ko. I'm really sorry honey...








"You did this but you're not here..." muli siyang ngumiti ng malungkot "...I don't need this. All I want is you to be here Andy. Yun lang." tsaka siya umupo sa couch bago naman tinignan ang laman ng ilang paperbag na nakapatong sa center table.








Maging ako naman ay natutuwa rin habang pinapanuod pa rin siya. Napapangiti kasi ito tuwing mailalabas ang mga bagay na nasa loob ng paperbags. Hanggang sa maiwan nalang ang isang box sa center table.








Taka nito iyong kinuha tsaka sandali pang sinuri ang kabuuan ng pulang kahon na iyon. Agad na namilog ang mga mata nito sa nakita sa loob.






Namumula na ito ngayon sa pigil ng emosyon. Nanginginig pa nga rin ang kamay ni Lyvhie nang kunin niya ang bagay na iyon sa loob ng kahon. Pinakatitigan nito iyon ng maigi.







"Oh God.. Is this for real?!" tsaka pa nito mas lalong inilapit ang mukha sa hawak hawak niya.







"I can't believe this!" tsaka pa siya napatitig sa kung saan pero agad ding ibinalik ang tingin sa hawak.








Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon