Chapter 20 : Back off

4.6K 94 28
                                    

Aria's POV

"You know what Claire? I can feel that Lyvhie girl wants to steal Andrea from me. I can feel it. The way she looked at Andrea, the way she talked to her, the way she moved around my girl, feeling ko talaga there's something about that girl na hindi ko maintindihan" lintaya ko bago muling uminom ng alak sa shot glass. Bahagya pa akong napapikit nang maramdaman ang pagguhit nun sa lalamunan ko.







Fuck this alcohol! Fuck that Lyvhie girl! Argh! Why do I feel so threatened by her presence? Aish! This is so freaking weird!











"Lyvhie girl? You mean the childhood friend of Andrea?" tumango naman ako sa tanong niyang iyon. Sino pa ba? Edi yung college girl lang naman na yun.









Nakapagtataka kasing bigla nalang siyang sumulpot sa buhay ni Andrea. Nakapagtataka rin kung bakit magkasama sila sa iisang bubong knowing na childhood friends lang sila o sige, let's say na bestfriends sila. Hindi naman siguro homeless si Lyvhie para makitira kay Andrea. And kaya namang manirahan ni Andrea mag-isa, may condo pa siya. Noong kami pa nga ni Andrea dati ni hindi pa kami nagsama sa iisang bahay, so that thing between them really bothered me the most. Ni hindi ko lang talaga maintindihan. Hindi rin naman nagkukuwento si Andrea sakin.














Ayoko rin namang makipagkwentuhan or should I say makipagplastikan kay Lyvhie para makakuha ng information about them. Alam ko naman kasing iritable din si Lyvhie sa presensya ko at syempre lalo na din naman ako sa presensya niya. Sino naman kasing babae ang matutuwa kapag alam mong may kasamang ibang babae yung karelasyon mo? Wala naman di ba? Kaya yun lang talaga ang kinasasama ng loob ko. Feeling ko kasi naglilihim sa akin ni Andrea.












Yes. I admit naman na I left her before because of other guy pero pinagsisisihan ko naman na yun eh. Nagbago na ako and I'm doing my best here to be deserving again for her. I know that she forgave me and she still love me pero kasi parang may mali, may kulang na hindi ko maipaliwanag.














"I see. So what's your plan now?" doon naman ako napatitig sa mukha ng pinsan kong si Claire.













"Di ko pa alam cous but I want to confront Lyvhie about this. Gusto kong malaman if she have a thing for my girlfriend. Hindi ako papayag na mawala ulit sakin si Andrea, Claire. I won't let that bitch to steal my girl away from me. Andrea is mine, mine alone" galit kong sambit bago ulit uminom ng alak.














"Then do it. Noone's stopping you cous. Sabi ko naman sayo I'll support you basta mag-iingat ka lang okay? so cheers na?" angat nito sa shot glass niya. Napangiti naman ako sa pagiging supportive niyang pinsan.













"Cheers" tugon ko bago pinagbangga ang hawak hawak naming baso.



--------------------------------




Nandito ako ngayon sa parking lot ng isang University kung saan nag-aaral si Lyvhie. Sinadya ko talaga siya dito para makausap about nga sa mga napapansin ko sakanya. Hindi ko na kasi ito kayang patagalin pa. Sobra na akong nabobother. Ni hindi na nga ako makapagfocus sa photo shoots ko.
Nagdisguise din ako dahil mahirap na baka dumugin ako ng mga tao dahil sikat ako as a model.









"Oh hey" nakangiti pero litaw pa rin ang pagtataka sa mukha ni Lyvhie ng makalapit siya sa akin.









"Ganda ng car mo" dagdag niya pa habang nakatingin sa pulang kotse ko. Inalis ko naman muna ang suot kong facemask at tinira lang ang puti kong sumbrero.











"Thanks. Sorry but ayoko ng patagalin pa. Gusto ko lang ng diretsang usapan" seryoso kong sambit dahilan para sandali siyang matigilan at mapatitig sa akin. Maya maya pa'y napatango nalang din ito ng mabagal.








"Uhm okay. Go ahead"










"Do you like Andrea?" walang pakundangan kong tanong. What? I just really wanted to know her answer. That's all.









Nakita ko naman ang bahagyang pagkagulat nito sa sinabi ko. Agad naman siyang nagbaling ng tingin sa iba.










"H-Ha? Ano namang klaseng tanong yan Aria?" tsaka pa ito kabadong napatawa. Nananatili lang naman akong nakatingin sakanya ng seryoso dahilan para matahimik ito.











"Please answer it honestly" ewan pero desperado talaga akong malaman ang isasagot niya para naman kasi alam ko din kung anong dapat kong gawin.










Sandali itong napakagat labi tsaka bumuntong hininga. Mukhang tense na tense ito ngayon.











"I-I do. I do like her, Aria. I like her a lot but unfortunately, she have you kaya siguro tatago ko nalang to o kaya naman kakalimutan ko nalang. I don't want to ruin your relationship tho" ngumiti naman ito ng mapait sa harap ko. Imbis na malungkot para sakanya'y mas lalo ko lang siyang kinainisan.











What the fvck?! I knew it! I fvckin' knew it!









I have to do something gayong alam ko na ang totoo. Mas lalong hindi ko na gugustuhing makasama ni Andrea si Lyvhie sa iisang bahay knowing na Andrea is addicted to sex, yeah freakin' sex. She can't live without that thing. Ni hindi ko nga alam kung may nangyari na ba sakanila eh! Ikakabaliw ko pa yata if ever mang may nangyayari sakanila knowing that Andrea is mine.














"Oh you better do it Lyvhie because I won't let you to take her away from me and one more thing, don't go near at her ever again. I want to remind you too that Andrea's mine so back off bitch" sandali ko pa siyang nginisian bago pumasok sa loob ng sasakyan ko. Gulat itong nakatitig lang sa akin mula sa labas.











Hindi ko na rin naman hinintay na bumalik siya sa katinuan at pinasibad na ang sasakyan ko paalis sa lugar na yun.










Wala ni isang pwedeng umagaw kay Andrea sakin. She's mine. Akin at akin lang. I'm not crazy, a psycho or what. Ayoko lang na mawala ulit sa tabi ko ang taong mahal ko. Ayoko lang sayangin tong pangalawang pagkakataon para makasama siya ulit.









Andrea's my everything. Mawala na lahat, huwag lang siya.






-----------------------

Hmm okay may point of view na rin si Aria. Well mas okay rin kasing malaman yung side niya para exciting ;)

Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading.




Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now