Chapter 37 : Mad at you

6K 147 103
                                    

Lyvhie's POV



Dalawang araw na din ang lumapas noong pinaalis ko si Andy sa kwarto ko ng walang malinaw na paliwanag. Mula din nun ay hindi ko na siya nakita pa. Basta nalaman ko nalang sa sekretarya niyang si Ashley na bumalik daw ulit ito ng Manila para kitain ang ilang international clients niya.





Ngayon naman ay kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng room ni Olivia para i-inform ito about sa schedule niya ngayong araw. Pipindutin ko na sana ang doorbell nang mapansin kong medyo nakasiwang ang pintuan na ibig sabihin lang ay hindi ito naisarado ng maayos. Kunot noo naman akong napatitig pa doon pero agad ding napatigil ng makarinig ng tunog sa loob hudyat na may tumatawag sakanya.





Ayoko sanang makinig o umusisa sa kung ano mang bagay ang pag-uusapan ni Olivia at nang katawagan niya pero bigla nalang nanlaki ang mata ko sa unang mga salitang lumabas sa bibig ni Olivia.





"Yes Aria?" Aria? Sounds familiar.





"Yeah. Bumalik siya ulit dyan sa Manila... Oo nga... Oh God please do something to get your girl back Aria... Why? Well she wants the one I love. Hindi naman ako papayag dun no. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita... Oo kaya nga gumawa ka ng paraan para bumalik siya sayo... Aria hindi ako magdadalawang isip gawan ng masama yang ex mo kapag inagaw niya yung taong gusto ko... No! Hindi ko na hahayaang masayang pa 'tong chance ko na 'to... Hmm that's good... Haha yeah. Thanks. Bye" sa kabuuan ng pag-uusap nila ay nakatakip lamang ang kamay ko sa'king bibig. Ayokong mag-assume pero para kasing konektado sa amin 'to ni Andy. Well ganito lang ako pero mabilis din akong makaramdam sa mga bagay bagay.






Agad akong umayos ng tayo nang marinig ang mga yapak papalapit sa pintuan kung nasaan ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba't takot. Paano nalang kung alam niyang kanina pa ko nandito at nakikinig sa usapan nila?





Inunahan ko nalang siya at pinindot na lamang ang doorbell para kunyari kakarating ko lang. Fudge. Buti nalang talaga mabilis ding gumana ang utak ko ngayon.





Agad niya naman akong pinagbuksan ng pinto ng may ngiti sa mukha.





"Goodmorning Olivia" gusto ko namang palakpakan ang sarili dahil tagumpay kong naitago ang kaba't nerbiyos dito.





Bumati naman ito tsaka ako pinapasok sa loob. Sinabi ko naman agad sakanya ang pakay ko. Di rin nagtagal ng matapos kami sa pag-uusap. Sa totoo lang hindi na ko komportableng kasama siya ng kami kami lang. Ewan pero nagdududa na kasi ako sakanya kaso no choice ako. Boss ko siya at aplikante niya lang ako. At hindi rin maganda kung ilalayo ko nalang bigla ang sarili ko sakanya di ba?






"Mauna na siguro ako Olivia. Just message or tawagan niyo nalang ako kapag may kailangan o kaya may ipapagawa kayo sa'kin" may ngiti sa labing sambit ko bago tumayo.





"Oh sure, no problem" tumayo rin siya tsaka ako inihatid sa pinto. Medyo natigilan nga ako sa kalagitnaan ng paglalakad namin nang bigla niya nalang akong hinawakan sa likod.





Hinayaan ko lang naman siya dahil wala naman akong nakikitang mali pero nang palapit na kami sa pinto'y napansin kong medyo bumababa ang kamay nito papunta sa pang-upo ko na siya namang ikinataranta ko. At dahil sa pagpapanic ay agad na lamang akong humarap sakanya para matigil kung ano mang pwedeng mangyari.





"Okay na ako dito Olivia. Una na ko" yun lang tsaka na ako nagmamadaling naglakad palayo sa kwartong iyon.






Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon