Chapter 31 : Lyvhie....

4.7K 110 28
                                    

Andy's POV

"Tita..." mahinang tawag ko sa mommy ni Lyvhie ng maiwan kaming dalawa dito sa kusina.

Tumigil naman ito sa ginagawa at nakangiting tumingin sa akin.

"Ano iyon iha? Mukhang seryoso ka? May problema ba kayo ng anak ko?" masuyo nitong tanong at hinawakan pa ang braso ko ngunit umiling lamang ako't tipid na ngumiti dito.

Narito kami ngayong dalawa ni Lyvhie sa mansyon nilang Alcantara at katatapos lang ding maghapunan.

Sandali ko naman munang sinipat ang pinto para siguraduhing walang ibang tao dahil masyadong pribado ang magiging usapan namin. Pagbalik ko ng tingin kay Tita ay agad na rin akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga rason para mag-alala lalo si Tita.

"Tita..." paninimula ko tsaka sandaling napayuko "Tita huwag nalang ho kaya natin sabihin kay Lyvhie yung totoo. Balak ko ho kasing totohanin na tong kasal namin. Tita..." sa mga oras na ito ay ako naman ngayon ang humawak sa magkabilang kamay ng mommy ni Lyvhie.

"Mahal ko na ho si Lyvhie Tita. Mahal ko na ho ang anak ninyo. Gusto ko hong malaman niyong maganda ang intensyon ko kay Lyvhie. Hindi ko ho maipapangakong hindi ko siya mapapaiyak, masasaktan pero nangangako ho akong hinding hindi ko po siya susukuan. Kaya Tita gusto ko hong tulungan niyo akong huwag na niyang malaman yung totoo. Ayoko hong masaktan si Lyvhie ng dahil do––"

"Anong totoo? Andy? Mom?" pareho kaming nanigas at natigalan ng marinig ang boses na iyon ni Lyvhie mula sa pinto.

Marahan kong binitawan ang kamay ni Tita tsaka naglakad palapit kay Lyvhie. Nanginginig ko siyang niyakap. Ewan pero natatakot na ko. Natatakot na ko sa pwede nitong maging reaction kapag nalaman niya na yung totoo.

Pero nagulat nalang ako ng itulak niya ako palayo sakanya. Gulong gulo ito sa ngayon. Halos hindi maintindihan ang mga nangyayaring nagpapalit-palit ito ng tingin sa amin ni Tita.

"Anong totoo?! Andy ano yun? Mom? Bakit wala akong alam dun?" at dahil sa sigaw niyang iyon ay sunod na pumasok naman si Tito, ang Dad ni Lyvhie na mukha namang lito sa mga nangyayari.

"Dad? May alam ka din ba dito? Ano ho ba talaga yun? Bakit hindi ko alam? Dad please... Tell me!" may pagdududa na kami nitong minamata ngayon dahilan para mas lalo lang sumidhi ang kaba't takot ko sa ngayon. Kinakain din ako ng guilt sa mga oras na to.

"Anak... Huminahon ka muna okay?" lapit sakanya ni Tito pero umatras lamang si Lyvhie. Pakiramdam ko'y may clue na ito sa mga nangyayari sa ngayon.

"Dad? Mom? Andy? Bakit ang hirap para sa inyong sabihin yun? Ano ba kasi talaga yun? Andy? Bakit ayaw mo kong masaktan? Ano ba?! Magsalita naman kayo" bigla akong naalarma ng makita ang pamumuo ng luha nito sa mata. Dati hindi ako madaling maapektuhan sa mga ganito pero pagdating kay Lyvhie tagos na tagos sakin yung emosyon. Ang hirap itago. Ang hirap pigilin.

"H-Honey..." bahagya akong natigilan ng magcrack ang boses ko. Fuck this can't be!

Pinilit kong lumapit sakanya tsaka hinawakan ang mga kamay nito. Kagat labi ko siyang pinakatitigan sa mata ngunit sandali muna akong tumingin sa mga magulang niya para humingi ng permiso bago magsalita.

Malungkot at naluluha ang mga itong tumango sa akin. Ramdam ko ang simpatya, konsensya't kalungkutan nila sa mga oras na ito. Alam kong sa akin nalang nakasalalay ang lahat kaya kahit alam kong masasaktan siya'y wala na akong ibang magagawa kundi ang sabihin sakanya ang katotohanan.

"Lyvhie... I'm sorry.. No, we're sorry for lying to you. Nilihim ng parents mo na lugmok na kompanya ang ninyo and they didn't have any choice that time kundi ang humingi ng tulong sa family ko. Pero hindi magiging madali para sa aming tulungan kayo kung wala namang tayong ganung kalalim na koneksyon sa isa't isa, so they forced us to marry each other––"

"So you're telling me that they, my parents used me to save our company? M-Mom... Dad? Is that t-true?" binawi na rin nito ang kamay sa akin tsaka masama ang loob na binalingan ng tingin ang mga magulang niya.

"Kaya ho pala nakakontrata. Kasi pinambayad niyo lang ako. Ganun ba yun Dad? Mom?" humihikbi na ito ngayon sa harap ko. Sinubukan kong hawakan siya ulit ngunit winaksi niya lamang iyon at masama na din akong pinakatitigan habang walang paawat sa pagsisibagsakan ang mga luha nito sa mata.

"Huwag mo kong hahawakan! Sinungaling ka! Sinungaling kayong lahat! Ginamit niyo lang ako. Pinagkaisahan niyo lang ako! Pinaniwala niyo ko sa kasinungalingan niyo. Paano niyo nagawa to ha? P-Paano..." paghagulgol na nito ang naging kasunod. Tumingala ako dahil ayokong umiyak sa harap niya.

Ang sakit din pala. Ang sakit sakit din palang makitang galit at kinamumuhian ka ng taong mahal mo. Na isa ka sa rason kung bakit siya ganyan kamiserable ngayon sa harapan mo....

"I'm so sorry anak. P-Pakiusap, patawarin mo kami..." nagsusumamong lapit ni Tito sa anak niya pero puno ng sakit at galit na umatras lamang palayo si Lyvhie dito. Si Tita nama'y humahagulgol na rin at ni isang salita'y wala itong masambit.

"P-Patawarin? I had enough Dad. Kung sana sinabi niyo 'to ng una edi sana naintindihan ko pa di ba? Hindi sana ganito kasakit di ba? Edi sana hindi ako mag-iisip ng ganito. Ayokong kwestyunin yung pagiging magulang niyo sa akin pero magulang pa ba yung gagawin 'to sa anak nila?" halos mapiyok na rin siya sa kakaiyak. Bumaling ito sa akin ng puno ng hinanakit.

"You told me you love me. Ano yun? Kasinungalingan din? Well di na ko magtataka dahil hanggang ngayon naman ay di pa kayo break nung Aria na yun! Pinagkatiwalaan kita. Pinagkatiwalaan ko kayong lahat pero ano to? Niloko niyo lang ako! Magsama kayo.. Magsama sama kayo!" sigaw nito bago na tumakbo palabas ng mansion nila.

Sandali kong sinipat ng tingin sina Tito na magkayakap habang lubos pa rin ang pag-iyak at konsensya sa mga pangyayari. Kagat labi akong tumakbo palabas ng mansyon para habulin si Lyvhie pero natigilan din ng makita ito sa tapat ng kotse ko.

Mabagal akong lumapit sakanya at nang mahinto na ako sa likuran nito'y doon naman niya itinukod ang dalawang palad sa bintana ng sasakyan tsaka pa muling napahagulgol.

"L-Lyvhie I'm sorry. I'm really really sorry but I do love you–––"

"Iuwi mo na ko" malamig nitong putol sakin tsaka na pumasok sa loob ng sasakyan. Naiwan naman akong nakatulala doon at pilit na sinisink in sa utak ang nangyari.

Ngayon.. Hindi na siya naniniwalang mahal ko siya. Hinding hindi na. Napaka-imposible na.

Naramdaman ko ang biglaang pagtulo ng luha sa kaliwa kong mata dahilan para agad ko naman iyong pinunasan. Ito ulit ang kauna-unahang pag-iyak ko matapos mamatay si lola.

Bago pa muling maluha ay pumasok na rin ako ng sasakyan para makauwi na kami ng bahay na siya ngang gusto nitong gawin ko. Impit na paghikbi at mabibigat na paghinga lamang ni Lyvhie ang siyang bumalot sa sasakyan sa kabuuan ng byahe namin. Bawat ingay na ginagawa nito ay unti unti pagdurog sa puso ko.

Muli akong napakagat ng ibabang bahagi ng labi dahil sa halo halong emosyon at muling pagbabadya ng luha sa mga mata ko.

Yung dyamanteng grabe kong pinagkaingat-ingatan dati, ngayo'y nabasag at nasira ko nang dahil sa isang pagkakamali.

Ngayon... Umaasa ako na mananatili pa siya sa akin pagkatapos ng nangyari. Na hindi siya aalis matapos kong maipagtapat sakanya lahat.

Lyvhie.


Honey please don't leave me...






-----------------------------

💔

Not edited..
Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading.


















Never Be The Same | Filipino GxG Onde as histórias ganham vida. Descobre agora