Chapter 10 : Cousin

11.1K 241 132
                                    

Andy's POV

"What?!" bungad sakin ni Amber pagkabukas na pagkabukas palang nito ng pinto ng condo unit niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa gulat at bahagya ring napaatras. Napahawak pa nga ko sa dibdib ko.

"Oh! Sorry Tori. Come in!" para naman itong natauhan ng makita ako. Hinila na rin ako nito papasok sa loob.

"Feel at home" sabi lang nito at iniwan na ko sa sala para bumalik sa room niya para makapag-ayos. Mukhang bagong gising kasi ang bruha. Umupo naman ako sa sofa at inilapag muna ang bag sa tabi ko bago binuksan ang tv.

"You missed me?" napalingon ako rito. Nakangisi siya at mukhang bihis na bihis na rin. Natatawang hinagisan ko naman siya ng throw pillow ng makaupo ito sa single couch sa harapan ko.

"Kailan ko ba namiss yang panget mong mukha?" nakangisi kong balik na ikinamaang nito ng tingin sakin.

"Wow! Excuse me? We're cousins so kung panget ako, there's a possibility na panget ka rin" sabay halakhak nito ng malakas.

"Gago!" hagis ko ulit ng throw pillow na sumakto naman sa mukha niya. Sinamaan naman ako nito ng tingin na ikinatawa ko rin.

Ganito talaga kami kapag magkasama. Lahat ng emosyong nararamdaman namin ay malayang lumalabas. Malaya naming naipapakita sa isa't isa. Kami kasi yung tipo ng taong magaling magtago ng emosyon sa mata ng maraming tao. Hindi nagpapakita ng totoong nararamdaman sa mga ito.

Parang kapatid na ang turingan naming dalawa kaya komportableng komportable kami sa isa't isa.

"Ano yang iniisip mo?" kuha ni Amber sa atensyon ko kasabay ng pagtama ng throw pillow sa lap ko. Maagap ko namang hinawakan ang unan para hindi malaglag sa sahig.

"Nothing" pailing iling kong sagot bago sumandal ng upo.

"Kumusta pala kayo ni Lyvhie?" tanong nito bago tumayo at nagtungo sa mini ref dito sa sala. Napataas ang kilay ko ng kumuha ito ng canned beers doon bago humarap sakin.

"We're okay. Oh! thanks" ngiti ko at angat ng dalawang canned beers na inabot nito sakin.

Sabay naming binuksan ang alak at sabay ding tumungga. Napatawa kami ng sabay din kaming natapos sa pag-inom.

"Good to hear that" kumento nito bago muling tumungga.

"How about you and Abi?" nanlaki ang mata ko ng muntik na nito maibuga ang iniinom.

"Walang kami Andrea and you knew that..." napasandal ito ng upo bago bumuntong hininga.

Nakakaunawang ngiti naman ang namutawi sa labi ko habang pinagmamasdan ito.

"You're right! But Amber, try to work this out. Ikakasal na kayo and I think wala ng bawian ang bagay na yun. Nagpromised ka na kay tita Emily" tukoy ko sa mom ni Abi.

"I don't know Andrea. Abi is not my type. Ang hirap ipilit ng sarili sa taong hindi mo naman talaga kayang magustuhan" napaarko ang isang kilay ko sa sinabi niya.

Abi is above her standards when it comes to women pero hindi niya pa rin talaga magustuhan ang bestfriend ko. Two years na rin sila sa pagkakatanda ko kaya napakaimposible naman ata nun.

"Abi is almost perfect Amber. Hindi ko sinasabi to' just because she's my bestfriend pero bahala ka. Sabagay, Abi knows that you don't like her kaya siguro darating yung time na siya na mismo ang magcancel ng wedding once she found someone na talagang mamahalin siya" itinago ko ang isang ngisi sa labi nang makitang natigilan ang pinsan ko at salubong ang kilay na napaayos pa ng upo.

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now