Chapter 17 : Weird

5.2K 113 4
                                    

Andy's POV

Kanina pa ako gising pero hindi ko pa rin magawang bumangon. Sadyang maamong mukha kasi ni Lyvhie habang humihimbing ang pumipigil sa aking kumilos.

Nakapangalumbabang pinakatitigan ko lang naman ang perpektong mukha ni Lyvhie sa harapan ko ngayon. Maingat kong hinawi ang buhok na tumatabing sa magandang mukha nito tsaka iyon iniipit sa likod ng tenga niya.

"You're so beautiful Lyvhie..." sambit ko bago napangiti. Honestly, napakaswerte ng kung sino man talagang makakatuluyan niya if ever mang matuloy ang divorce namin after 3 years of being married to each other.

May parte sa aking nalulungkot tuwing naiisip ang bagay na yun. Panahon kung kailan kailangan na naming dalawang maghiwalay. Hindi ko rin naman siya mapipigilan kung lalaki rin naman talaga ang gugustuhin niyang makasama sa hinaharap.

Bumuntong hininga ako bago muling napahilata at napatitig sa kisame. Muli kong nilingon si Lyvhie sa gilid ko. Kung pwede lang din sanang huwag ng matapos kung ano mang meron sa amin ngayon pero ang tanong, ano nga bang meron kami?

Hindi ba't kasal lang naman kami sa papel? Hindi ba't ako na rin ang nagsabing dapat magkaibigan lang ang relasyon namin sa isa't isa? Pero bakit ganito? Pero bakit pakiramdam ko'y manghihinayang ako if ever mang dumating yung panahong mawawala na siya sa tabi ko? Na gigising ako sa umaga ng hindi siya katabi sa kamang to? Na kakain mag-isa na wala na siya sa harap ng kinauupuan ko, Na tuwing uuwi wala ng sasalubong sakin para yakapin at halikan ako?

Alam ko. Malinaw na rin naman sa aking may pagtingin na ako sa babaeng pinakatitigan ko ngayon pero naguguluhan pa rin ako. Paano nalang si Aria? Paano nalang din ang nobyo nitong si Mark? Ayokong makasakit ng ibang tao kaya ako nagi-stick sa sinabi ko na dapat walang mahuhulog sa aming dalawa. Pero hindi ako bulag, hindi ako manhid para hindi makita't maramdman na unti unti na ring nahuhulog sa akin si Lyvhie. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko siya masalo. Natatakot ako na baka masaktan ko lang siya lalo pa't una palang hindi niya alam kung bakit siya ikinasal sa akin. Alam kong pagnalaman niya yun, iisipin niyang pinakasalan ko lamang siya para isalba ang kompanya nila pero ganun din ang inisip ko noong una kaso bat kasi iba na ngayon? Bakit bigla nalang nag-iba iyong ihip ng hangin? Bakit gusto ko lagi siyang nandito? Bakit gusto ko laging siyang nakikita ng mga mata ko, nakakulong sa mga bisig ko?

"Andy...." nabalik ako sa wisyo ng marinig ang medyo paos na boses nito. Ngumiti ito sandali tsaka lumapit sa akin para yakapin ako't magsumiksik sa leeg ko. Napangiti naman ako't napayakap na rin sakanya.

"Huwag ka munang bumangon hmm...." rinig ko pang sambit nito tsaka rin hinigpitan ang yakap sa akin.


Gusto ko mang huwag pang bumangon ay hindi naman pwede, kaya sa ayaw man o sa gusto nito'y umalis na nga ako sa yakap nito dahilan para gumawa ito ng ingay na para bang batang nagtatampo. Oo nga't sabado ngayon at wala siyang pasok pero kasi ako mayroong pasok sa opisina.


"Andyyy!" ngawa pa nito ngayong nakaupo na siya sa kama't natatakpan ng magulo niyang buhok ang perpektong nitong mukha.


Inis din nitong pinagsusuntok ng mahina ang unan sa kandungan niya. Napapangiti ng tipid at naiiling lang naman ako habang inaayos ang isusuot sa pagpasok sa opisina.


"Get up now. Let's take a bath together. Come on honey" tsaka ko siya inapproach sa kama. Umupo ako sa tabi niya tsaka pigil ang pagngiti na inayos ko ang magulo nitong buhok para makita ang mala-anghel niyang mukha.


Nakanguso naman ito habang nakatitig lang sa akin. Ngumiti lang ako't mabilis itong dinampian ng halik sa labi tsaka na rin tumayo para hilain papasok ng banyo.


Wala na ni isang telang tumatabing sa katawan ko pero si Lyvhie, tshirt palang nito ang naihuhubad. Wala tuloy akong choice kundi lapitan siya't tulungan sa ginagawa.


Nasa ilalim na kami ngayon ng shower at pinapakiramdaman nalang di naman ganun kalamigang tubig na umaagos mula sa aming ulo hanggang paa. Nakayakap ito sa akin habang nakahawak naman sa magkabilang pisngi nito ang mga kamay ko. Nakapikit ko siyang paulit ulit at dahan dahang dinadampian ng halik sa labi.



Wala akong balak na muli siyang angkinin. Ewan pero gusto ko lang sulutin ang mga panahong kasama ko pa siya, gaya nalang nito. Lalo pa't dalawang taon nalang ang natitira sa tatlong taon namin bilang mag-asawa.


Hindi ako takot pero kasi hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magtake ng risk para sa kanya but I want her to stay. here. beside. me. forever.


Napatagal ang dampi ko sa labi niya ng mapagtanto ang iniisip sa ngayon. Bakit ba ang aga ko magdrama't malungkot gayong mahaba pa naman ang dalawang taong natitira para sa amin. Kung itatanong ay hindi na dating ako kung sino ako ngayon. Ni hindi ko na rin kilala ang sarili ko sa pagbabago kong ito. Pagbabangong hindi naman masama para sa akin, nakabuti pa nga eh. At isa pa napakadami, ang daming nagbago ng dumating si Lyvhie sa buhay ko. Pagbabagong hindi ko inaasahang mararanasan ko. Yung emosyong tinatago ko, yung side kong ayokong ipakita sa iba ay nailalabas ko ng walang alinlangan pagdating sakanya.


Nalilito na rin lalo pa't napakabilis naman kung iisipin but she's really different from the others. May katangian siyang nakakuha sa akin ng hindi ko maexplain. Ah basta.


"Andy..." tinigil ko naman ang ginagawang paghalik tsaka ito pinakatitigan sa mata.


"Are you okay?"

"Yes. Why?" tanong ko tsaka pinagdikit ang mga noo naming dalawa.


"Coz you're acting weird" napatawa naman ako ng mahina tsaka siya mabilis na hinalikan sa tungki ng ilong.


"Geez. I'm not weird, okay? It's just that you're so goddamn cute~" kinindatan ko pa ito dahilan para pamulahan siya ng pisngi.

Damn Lyvhie. You're so fucking adorable!

-------------------------

Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading. Lovelots 💕













Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon