Chapter 28 : Clumsy as f-

4.6K 108 13
                                    

Lyvhie's POV

"Excuse me but where's Andy–I mean Andrea?" tanong ko sa isang staff na nag-aayos na rin nitong shooting area.

Tumigil naman ito tsaka umayos ng tindig sa harapan ko. Naks ang pogi naman pero syempre mas angat pa rin babylove ko.

"Left side of this island. Nakita ko kaninang dun siya pumunta eh" tsaka pa ito lumingon sa gawi nun.

"Ah thank you..." matamis na ngiting sambit ko kasabay ng pagkaway bago na mabilis na naglakad patungo nga sa lugar na yun.

Halos limang minuto din yata ang tinagal ko sa paglalakad bago ko nakita si Andy na nakaupo sa buhanginan at nakatanaw lang sa payapang dagat sa harapan nito. Napangiti naman ako nang may biglang pumasok sa isip ko at iyon ay ang takpan ang mga mata niya sapagkat nakatalikod kasi ito ng upo sa gawi ko.

Wala rin naman isang sandali ng muli akong maglakad para lapitan ito pero sa kasamaang palad–

"Ahh!" natisod ako. What the heck! Akalain niyo yun natisod ako sa buhangin? Pano nangyari yuuuun?!

Agad naman akong tumingin sa gawi ni Andy at nakitang nagtataka ito pero di kalaunan ay agad na rin siyang tumayo habang may pag-aalalang ekspresyon sa mukhang tumakbo palapit sa akin.

"What happened?" tanong nito tsaka ako sandaling pinagmasdan "Sandali tulungan kita" hawak nito sa braso't bewang ko.

Nang makatayo ay agad ko siyang niyakap. Nagsumiksik pa ko lalo sa leeg niya. Ewan pero natatawa lang kasi ako sa sariling katangahan at ayoko ding makita niya ang pamumula ko.

"Natisod ako eh" narinig ko naman ang marahang pagtawa niya sa sinabi ko.

"May masakit ba sayo?" tanong niya pero umiling lang ako.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong buhatin. Naiyakap ko tuloy sa bewang niya ang mga binti ko. Nagsimula na rin siyang maglakad patungo sa lugar na walang akong kaide-ideya.

"What are you doing?" lumayo ako ng kaunti para pakatitigan ito sa mukha. Ang tangos talaga ng ilong niya.

Di naman siya sumagot bagkus ay mabilis lang ako nitong hinalikan sa labi na siyang ikinagulat ko. Kamuntikan na nga rin akong mahulog dahil bahagya akong napabitaw ng yakap sa batok nito. Mabuti nalang at maagap siya dahil kung hindi ay pareho siguro kaming nakahandusay ngayon sa buhanginan.

"Andy!" kunyaring inis kong hampas sa braso niya at muli na namang nagsumiksik sa leeg niya. Ang bango niya kasi nakakainis din. Nakakaadik.

Umupo siya kaya muli akong lumayo sakanya. Pareho na pala kaming nakaupo ngayon sa buhanginan. Siya nakaharap sa dagat habang ako nakatalikod naman doon. Paano ko ngayon mae-enjoy yung view lalo pa't ang higpit din ng yakap nito sa akin.

Wala namang agad na umimik hanggang sa na isipan kong kumuha na naman ng picture naming dalawa. Iniayos ko na sa ere ang phone ko tsaka pumikit at dinama ang yakap sa akin ni Andy.

Agad ko namang binuksan ang mata ko matapos kong mapindot iyon. Awtomatikong na rin akong napangiti ng makita kung gaano kami kacute sa nakuhanang litrato.

Ramdam ko naman ang paulit ulit ngunit masuyong paghalik ni Andy sa ulo ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ramdam ko naman ang paulit ulit ngunit masuyong paghalik ni Andy sa ulo ko. Napaangat tuloy ako ng tingin sakanya. Ewan pero ganun nalang ang pagdoble ng tibok ng puso ko ng makitang nakangiti ito ngayon habang nakatitig lang ng diretsa sa mga mata ko. Simple lamang iyon pero makikita mo talagang masaya siya ngayon.

"Lyvhie..."

"Yes baby?"

Natawa naman ito sa sinabi ko bago nito hinawi ng buhok sa mukha ko "You're beautiful" diretsong puri nito habang nakapaskil pa rin ang cute nitong ngiti sa mukha.

Bigla namang nag-init ang mukha ko sa sinabi niya kaya agad akong napayakap ulit dito para itago ang namumula kong mukha sakanya.

"Andy kasi!" hampas ko ulit sa balikat niya. Natawa na naman tuloy siya.

"What?" rinig kong maang nitong tanong ng tumatawa naman.

"Stop laughing. It's not funny" reklamo ko pa rin sa leeg nito.

--------------------------

"No. I'll drive you home–––"

"Andy baby, sandali nga" tigil ko sa pag-aayos ng damit ko sa bag tsaka siya nilapitan. Hinawakan ko ang magakablinga pisngi nito tsaka din pinakatitigan sa mata.

"Huwag mo na akong ihatid sa bahay. Ang layo kaya nun dito sa isla tsaka may photoshoot ka pa. 3 days ka pa dito. Don't worry kaya ko na to okay?" tsaka ko siya hinalikan sa labi. Ngumiti na rin ako.

Ilang minuto din kami nagtitigan bago ito nagbuntong hininga.

"I know but I will still drive you home" madiin nitong sambit bago ako hinagkan sa noo. Napasimangot naman ako.

Akala ko kasi payag na siyang mag-isa ko nalang uuwi pero wala eh. Paggusto niya gusto niya so wala na akong magagawa.

Pero infairness ha, concern sakin tong babaylove ko. Nakakatuwa ^_^

"Okay..." napangiti nalang din ako kahit papaano. Umisa pa ako ng kiss sakanya bago na muling nag-ayos ng gamit. Natatawa nnaman siyang lumapit sa akin tsaka din ako tinulungang mag-ayos ng gamit..

––

Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading. Love you all readers 💕

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now