Chapter 13 : Unique Kind of Cuddle

7.2K 157 19
                                    

Chou Tzuyu's on media

Lyvhie's POV

"Grabe! Yung mga ineexpect kong makita and ma-try nandito lahat. Damn! This is so amazing!" walang paawat kong puri habang nauunang maglakad kay Andy. Para talaga akong batang manghang mangha sa lahat ng nakikita ko rito sa El Paraiso.

"I'm tired. Let's take a rest here" rinig kong sambit ni Andy sa likuran ko pero di ko ito pinansin dahil busy pa rin talaga ako sa paglilibot ng tingin sa mala-paraiso naman talagang lugar na ito.

"Lyvhie!" tumigil naman ako sa paglalakad tsaka nilingon si Andy. Bahagya pa akong nagtaka't nagulat ng makitang malayo ito sa akin.

"Bat ka andyan?!" sigaw kong tanong dahil ang layo niya talaga.

Hindi ito sumagot bagkus ay nagcrossed arms lang siya't sinamaan ako ng tingin. Nakangiwi tuloy akong tumakbo pabalik sa pwesto niya.

"Why are you mad again?" di makatinging tanong ko sakanya. Di ko pa rin talaga kayang matagalan ang bagot na pagtitig niya sa akin. Nakakatunaw pa rin kasi.

Hindi na naman siya umimik at nanatiling bagot lamang na nakatingin sa akin. Napalabi tuloy ako. Maya maya'y naisip ko nalang na ipulupot ang mga braso sa batok niya para lambingin ito. Nakita ko naman ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya, saglit lamang iyon at bumalik din sa dating pagkabagot pero hindi pa rin nun napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi.

"Hon, what's wrong?" sinadya ko talagang tawagin siyang 'hon' para mabilis na mawala kung ano mang nararamdaman nito sa ngayon. Hindi ko kasi siya tinatawag sa endearment naming dalawa, puro Andy kasi ang tawag ko sakanya.

Hindi ulit siya nagsalita pero ganun nalang ang paninigas ng katawan ko ng hapitin ako nito sa bewang. Di pa ako nakakarecover nang sakupin na nito ang labi ko. Napapikit nalang ako't napakapit din ng mahigpit sa batok niya ng magsimula na itong gumalaw.

Tumugon nalang din ako dahil sa magaling talaga itong humalik. Pansin kong adik talaga si Andy sa pakikipaghalikan. Ayoko rin naman ang ideyang nakikipaghalikan ito sa iba kaya nama'y ginagalingan ko talagang tumugon sakanya. Oo nga't may girlfriend ito pero wala na akong pakialam dun.

Bigla namang nagpop up sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Mark kaya bigla ko ring naitulak palayo sa akin si Andy. Napayuko ako while guilt is spreading all over my body. Oo nga pala may boyfriend din ako. Nagi-guilty ako. Nagi-guilty talaga ako dahil sa pagiging totoo at pagiging sinungaling kong tao.

Mahal ko si Andy at sigurado na ako sa nararamdaman sa kanya. Gusto ko rin naman si Mark pero hindi ko siya kayang mahalin pabalik, hindi lang talaga ako nag-iisip ng mga panahong sinagot ko siya. Ayokong saktan si Mark kaya nahihirapan akong bitawan siya kahit wala naman
talaga akong nararamdamang pinanghahawakan sakanya.

"Hey what's wrong?" ang kaninang tanong ko'y bumalik rin sa akin. Isang sandaling sulyap lang ang tanging itinugon ko tsaka na siya hinila sa isang malapit na bench na nalililiman ng malaking puno.

"Lyvhie? Are you okay? Kanina lang ang hyper mo but now, para kang halamang nalanta? Just tell me what's bothering you" hinawakan pa nito ang kamay ko sa gilid namin tsaka rin pinagsiklop ang mga iyon. Ito na naman ang lihim na pagdagundong ng puso ko. Napapikit ako sandali tsaka umiwas ng tingin sakanya.

"N-narealize ko kasing malapit na ulit ang pasukan. Gusto ko pa kasing mag-explore. Kalahati palang nitong El Paraiso ang nalibot natin kaya n-nalulungkot lang ako" napakagat labi ako matapos ng pagsisinungaling dito. Napalingon rin agad ako sakanya ng ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito kumikibo.

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now