Chapter 11 : San Carlos

10K 182 56
                                    

Lyvhie's POV

"Andy!" masigla kong bungad ng magbukas ang front door. Napatayo pa ako bago siya salubungin ng yakap.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko habang kinukuha dito ang business bag niya. Ngumiti lang ito bago ako dinampian ng halik sa labi.

"Namiss kita" bagamat tugon nito na siya namang nagpangiti sakin.

"Daming alam" natatawa ko namang pinisil ang matangos niyang ilong.

"A-aw!" nanlaki naman ang mata ko't tarantang binitawan ang ilong niya. Napangiwi ako. Napalakas yata ang pagkakapisil ko dahil namumula na ang kabuuan ng ilong niya ngayon.

"Sorry... " nagpeace sign muna ako bago mabilis na hinalikan ang tungki ng ilong nito. Tumalikod na rin agad ako para ilapag ang bag niya sa sofa.

Paglingon ko rito ay nakangiti na rin naman siya habang hinihimas nga lang ang nasaktan nitong ilong. Ngumiti nalang din ako pabalik tsaka siya hinila papasok ng kusina. Pinagsilbihan ko siya bilang asawa nga nito. Masaya kaming kumakain hanggang sa maalala ko kung bakit ko nga ba siya hinintay.

"Andy..." tawag ko rito na ikinatingin niya naman sakin habang hindi hinihinto ang pag-nguya.

"Ano nga ba yung tinext mo sakin kanina?" napamaang naman ito sa tanong ko.

"Nabasa mo naman di ba?" balik naman nitong tanong sakin ng malunok ang kinakain.

"Ewan ko sayo! Nagtatanong ako tapos nagtatanong ka rin" kunyaring himutok ko.

"Fine, I'm sorry. Naalala ko kasing malapit na rin ang Christmas break, naisipan ko na magcelebrate tayong dalawa sa San Carlos" tukoy nito sa hacienda nila sa probinsya habang may sinusupil na ngiti sa labi.

"Eh? Pero Andy gusto kong magcelebrate ng Christmas with my family" malungkot kong komento.

"Napaalam na kita kila tita. And don't worry, uuwi din naman tayo dito para i-celebrate yung new year kasama sila" di kalauna'y sambit nito na nagpaliwanag sa mukha ko.

"Really?!" tanong ko pa na nakangiting tinanguan naman niya.

"You're the best!" pahabol ko pa na ikinatawa naming pareho.

"Hon..." marahang yugyog ni Andy sa balikat ko.

"Hmm" tugon ko lang lalo na't sarap na sarap ako sa paghilata.

"I want you.." napamulat naman ako ng wala sa oras ng marinig ang sinabi nitong iyon. Kunot noong nilingon ko tuloy ito. Sinalubong naman ako ng dumidilim nitong kayumangging mga mata. Kitang kita ko ang mukha ni Andy lalo na't nakasindi ang lampshade sa side ko.

"A-ano ulit ang sinabi mo?" para kasi akong nabinggi sa sinambit nito.

"I'm horny" at dahil doon ay agad ko siyang hinampas na ikinahiyaw nito ng mahina.

"Alam mo nakakainis ka na talaga! Lagi mo nalang sinisira ang tulog ko ng dahil dyan sa kalibugan mo. Pwede ka namang magsarili ng hindi na ako naaabala pa di ba?" sa tagal naming nagsasama ay nasanay na rin ako sa mga ganitong bagay. Hindi na rin ako nababastusan kahit papaano. Isipin mo nalang na may kasamang kang manyak, sa tingin mo ba'y hindi ka masasanay nyan? Imposible nalang din kung hindi.

"Pero iba pa rin kapag may kasama" maktol nito. Gusto kong tumawa sa itsura nito ngayon, yun bang batang hindi pinagbigyan sa gusto.

Never Be The Same | Filipino GxG Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ