Chapter 39 : I Told You

6.6K 136 33
                                    

Lyvhie's POV

As expected dinumog nga ng press si Andy. Halos hindi na nga ito makalabas ng bahay dahil sa dami ng media na nag-aabang sa kaniya doon. Sa totoo nyan ay ilang araw na rin akong nagi-stay dito sa bahay nila Mom. Well, nagkaayos na rin kami pagkabalik namin ni Andy dito sa Maynila.

Ayaw kasi ni Andy na humarap muna ako sa media. Gusto niya munang ayusin yung issue bago daw ako magpakita sa mga ito para hindi daw ako dumugin.


Napapangiti nalang ako everytime na naiisip na gusto niya akong protektahan sa mga pwedeng makasakit o makasira sa akin.

Kagat labi kong pinatay ang telebisyon dito sa kwarto ko ng matapos ang balita tungkol sa asawa ko tsaka na dumapa para abutin ang phone ko sa bedside table. Gusto kong makausap si Andy ngayon. Gusto ko siyang kumustahin kung okay lang ba siya dun sa bahay pero sa totoo lang ay medyo panatag naman ako sa safety niya dahil nakapalibot sa buong bahay ang napakaraming guards nito. Maging mga polisya ay nandun rin para bantayan siya at siguraduhing walang makakalapit sa kanya.



Gusto man niyang sa condo nito o kaya naman sa mansion nila mamalagi pero ayaw niya namang makaabala pa sa ibang tao kaya sa bahay na muna siya nag-stay. Marami ring projects and schedule nito ang nare-schedule at na-cancel dahil nga sa pagpapasapubliko ng kasal namin.


"Yes Hon?" rinig kong tugon nito habang rinig ko rin sa kabilang linya ang ingay ng press mula sa labas ng bahay.

"Okay ka lang ba dyan?. Nag-aalala na kasi talaga ako sayo"

"Aw worried baby ko but don't worry okay? Ayos lang ako dito. Pinapahupa ko lang yung media bago ako lumabas dun para kausapin sila. Ikaw dyan, are you okay? Kumain ka ba ng lunch kanina?" ewan pero napangiti nalang ako. There's something in me na gusto ring maiyak dahil gusto ko rin siyang makita ngayon. Kahit naman kasi napakamanyak nun, namimiss ko pa rin naman siya.

"Yup. Gusto lang talaga kita makausap. Honeybunch punta ka agad dito kapag okay na lahat dyan okay?" dumapa ako ulit tsaka isinubsob ang mukha sa unan di rin nagtagal ng malungkot akong tumingin sa labas ng bintana "Miss na kita Andy..."

"Don't worry, I will okay? I miss you more"

"I love you"

"I love you too" pumikit muna ako bago napangiti sa pagtugon nito.

--------------

Nagising ako ng maramdaman ang mumunting kiliti sa balikat ko. Agad tuloy akong napalingon doon at mabilis ding napabalikwas ng makita ang magandang mukha ng Andy ko. Nagkusot kusot pa ako ng mata para makasiguradong hindi ako nananaginip. Para kasing kausap ko lang siya kanina sa phone tapos ngayon andito na siya agad. Ano yun magic?

"You're not dreaming okay? Andito talaga ako" tsaka niya natatawang kinurot ng marahan ang pisngi ko.

"You're here! Thank God that you're fine.." masigla ko siyang niyakap.

Agad na rin naman akong kumalas sa yakapan naming dalawa para tignan siya ng diretsa sa mata. Hinawakan ko din ang magkabilang pisngi nito tsaka pinugpog ng halik si Andy sa buo niyang mukha. Fudge! I missed her so much!


Natatawa naman ito niyakap muli ako. Yumakap naman agad ako tsaka isinandal ang ulo sa dibdib niya kasabay ng pagpikit ng mga mata para pakinggan ang lakas ng tibok ng puso nito ngayon na ako lang ang nakakagawa.

"Namiss mo ko?" rinig kong tanong niya di kalauanan. Hinigpitan ko naman muna ang yakap dito bago ako tumugon.

"Sobra" mahinang sambit ko habang nakapikit pa rin. Pasimple ko din kasing inaamoy ang natural na mabangong amoy ni Andy.

"Aw really?" lumayo naman ako tsaka nakalabing tumango sakanya. Napangiti naman siya tsaka ako sandaling dinampian ng halik sa labi.

"Eh ikaw? Namiss mo ba ako?"


"Oo naman" tsaka niya naman ako niyakap ulit kaya napasubsob ako sa leeg niya "Sobra pa sa sobra"


"Hmp bolero" natatawa ko siyang hinampas ng mahina sa dibdib.


"Bango naman ng baby ko" kapagkuwa'y sambit na naman nito kaya natawa na naman ako. Ang corny niya ngayon ah.

Lumayo ako ulit tsaka siya tinignan sa mata.

"What happened?" tanong ko bago umayos ng upo sa harap niya.

Tumaas naman ang dalawang kilay niya. Inilagay din muna nito sa likod ng tenga ko ang buhok na nakatabing sa mukha ko kanina bago sumagot.

"Anong 'what happened'?" clueless nitong balik sa akin. Eto talagang si Andy maganda pero minsan slow, kidding ^_^


Sumimangot naman muna ako tsaka hinawakan ang dalawang kamay niya. "Kumusta yung sa press kanina? Paano ka nakapunta dito agad?"

Ngumiti naman muna siya tsaka hinalikan ang dalawang kamay ko.

"Simple lang. Sinabi ko lang sa kanila yung totoo because I don't want to deny it anymore. Mahal kita at hindi ko yun ikakahiya kahit kanino. Being with you is the most genuine thing happened in my life" nakangiti niyang inilapit ang mukha sa akin "I'm very thankful that you came into my life Lyvhie. I'm happy that I'll spend the rest of my life with you. I love you so much Lyvhie. I really do" tsaka niya ako hinagkan sa noo.

Di ko naman naiwasang hindi mapaiyak dahil sobra talaga akong natouch sa mga sinabi't ginawa niya para sa akin.


"Mahal na mahal rin kita and thank you for loving me back. I love you so much Andy. Kasi nagpapaiyak ka na naman eh" tsaka ko siya natatawa at naiiyak na hinampas sa braso.

Niyakap niya naman ako ulit.

"Sorry but atleast napaiyak naman kita dahil sa saya di ba? But stop crying na okay? I love you..."

"And I love you too"


–––The End 🤗
























































































Nakakalungkot man po pero I decided tapusin na po ang Never Be The Same dito. Basta always remember na mahal kayo ni author okay? See you sa BOOK 2 ❤️

Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading💕

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now