Sorry, Paalam ni IcePotter (Ivy Sy Montefalco)

824 81 57
                                    

May mga bagay na sadyang hindi natin kayang sabihin kahit na sa pinakamalapit pang tao sa atin. Yung kahit gustong-gusto mo ng isigaw lahat ng sakit para kahit papano ay mabawasan man lang yung bigat ng loob mo ay di mo magawa. Bakit? Dahil ayaw nating magmukhang mahina sa kanilang mga mata. Ayaw natin silang masaktan.

Isa ako sa milyon-milyong taong nakakaranas ng sakit na kahit pa may mga taong gusto at pilit iniintindi ang nararamdaman namin ay hindi nila ito maiintindihan.

Umaga noon. Naglalakad ako sa corridor, mag-isa. Marami akong nakakasalubong na mga kapwa ko estudyante. Karamihan sa kanila ay bago sa aming paaralan. Nasa ika-pitong baitang ako noon. Noong nahanap ko ang taong nakapagpabago sa paniniwala ko.

Marami akong naging kaibigan. Pero lahat sila ay hindi permanente. Umaalis sila sa tabi ko, nagdadahilan, sasabihing may bago ng kaibigan. Ang lame ng excuse nila hindi ba? Talaga bang iyon lang ang dahilan? O nakuha na nila ang kanilang kailangan kaya nila ako iniwan sa ere na para bang wala kaming pinagsamahan?

When I was in grade one, I made friends easily. Iyong mga naging kaibigan ko dati na hanggang ngayon ay kaklase ko pa rin ay halos di na kami nagpapansinan. Days, months and years have passed. Maraming nagbago. Mga pagbabagong hindi na maibabalik pa sa dati. May mga sikretong nabuo. Mga bagay na pilit kong tinatago.

"Hi! Ako nga pala si Jez." Wika ng isang babaeng nakasalubong ko. Nasa harap na pala ako ng bagong classroom ko. "Grade 7 Honesty ka rin ba?" Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanyang tanong.

Sinuri ko ang kanyang itsura. Singkit at itim na mata, may braces siya, hanggang balikat ang straight niyang buhok, mapayat, at halos kasing tangkad ko rin. Base sa kanyang ngiti sa mga labi, hula ko gustong makipag-kaibigan nito. Ganito silang lahat. Lahat ng pagkakaibigang napagdaanan ko ay nagsimula sa ngiti na lahat din ay pare-parehong nagtapos sa isang sorry.

"Anong pangalan mo?" Masigla ang kanyang boses.

"Ivy Carlette."

"Wow, ang ganda naman ng pangalan mo! Friends na tayo ah?"

So ganun na lang? Dahil maganda ang pangalan ko kaya niya sinabing magkaibigan na kami? Hindi ko ito inaakala. This style is very new to me.

Simula ng araw na iyon, talagang tinotoo nga niya ang sinabi niya. Pinanindigan niya. Ibang-iba siya sa mga naging kaibigan ko noon. She's sweet and very caring. Kahit pinapahalata kong ayaw kong makipagdaldalan sa kanya ay hindi siya tumitigil. Talkative naman talaga ako dati. Sadyang may mga tao at bagay lang na talagang nakapagpabago sa akin.

"Huy, smile ka na diyan. Ok lang yan Ivy. Bawi ka na lang sa susunod! Alam ko naman kaya mo silang talunin eh. Konting push at review na lang. Hayaan mo, sabay natin silang tatalunin."

Tumingin ako sa kanya. Tinitigan ko. This girl is really unbelievable. We are now in our ninth grade. Nothing has changed between the two of us. Self-proclaimed bestfriend daw niya ako at ako naman ay sinasabayan na lang siya. Pero minsan lumalampas na siya sa linya. Iyong red line na teritoryo ko lang at ako lang ang maaaring makapasok.

"No Jez. Ako lang ang tatalo sa kanila. Hindi tayo, kundi ako lang."

"Oh edi ikaw! Ito namang si bespar ko, di mabiro. Ang ibig kong sabihin, sabay tayo laging mag-review. Wag masyadong hot ang ulo dahil nagsasalubong na 'yang mga magaganda mong kilay. Sayang naman. Maraming kababaihan diyan ang kilay is life pero ikaw natural na maganda ang kilay mo." Mahabang litanya niya.

Napaikot ang mata ko. Bakit kaya hindi nauubusan ng salita ang babaeng ito? O kaya naman, hindi ba siya napapagod sa kakadaldal? Pero inaamin ko. Minsan ay masaya rin naman ako sa company niya. Hindi ko lang pinapahalata.

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now