Don't be selfish by Mhiyukiss

134 21 6
                                    

MAYURI'S POV 

"Hoy! Ano na naman 'yang ka-emohan mo, Aber? " Nakapalumbaba ako dito sa may lamesa habang tinitignan ang mga estudyante'ng kumakain.

Narinig ko sya, Pero 'di ako umimik. Ang kapal nya! Lalapit sya saakin ngayon, Kasi baka hindi sya sinamahan no'ng mga NEW BESTFRIENDS NYA! Atsaka isa pa, Alam nyang wala akong kasamang mag-recess, Pero iniwanan nya talaga ako kahapon, Wowww!

"Pagtatalunan na naman ba natin ito, Mayuri'ng Potato?" Tanong nya.

"Ulo mo, Jemmie'ng Tomato! " Sigaw ko sa kanya. Madali kong inilagay sa bag ko 'yong mga gamit ko, Kahit pa sobrang gulo ng pagkakalagay ko at mabilis akong tumayo at naglakad.

Napatingin ako sa likod ko, Aba, Eh magaling naman pala 'tong si Jemmie! Akala ko susundan ako, But umasa lang ako sa wala! Nakakainis! Pang-init ng ulo! Bumalik ako para tignan sya, Pero napahinto ako ng makita kong umiiyak sya at..... Bakit sa kanya sya umiiyak? Bakit hindi saakin? She's my bestfriend! I'm her bestfriend! Nakaramdam ako ng inggit. Dati ako 'Yong iyakan nya, Dati sa akin sya umiiyak, Dati ako laging sinasabihan nya ng nga problema nya, But now What happened to her? Am I not enough as your bestfriend, Jemmie? Bakit ka ganyan sa akin?!

Napatingin siya sa akin atsaka tumayo upang puntahan ako, Pero mabilis akong tumakbo papuntang garden. Tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak at napaupo ako sa may damuhan. How unfair?! Bakit gan'yan sya! Panay ang punas ko sa luha ko na ayaw tumigil na akala mo racing car na nag-uunahan sa pag-karera.

"Hello" Unti-unti kong inangat 'yon paningin ko sa nagsalita Anong ginagawa nya dito?!

"I'm Sushmita" Wow, Tinanong ko pangalan mo 'te? Sa halip na sagutin sya ay tumayo ako at naglakad papuntang room namin. "Alam kong galit ka sa'min, Pero makinig ka sa sinasabi ng bestfriend mo, Mayuri. "

Sinasabayan nya ako sa paglakad "Pwede ba?! I don't need your explanation!" Medyo galit na sigaw ko. Nakatingin na sa amin 'Yong iba, Kaya nginitian ko sila.

"Mayuri, listen to me, Please."

"I don't need your opinion! " Lumakad ako upang makapunta na sa room ko. Its already 4:30 terror pa naman 'yong English Teacher ko.

"Ms. Gondranios. You're late. " Tinaas nya ako ng kilay. Hindi ba halata, Ma'am?

"Dyan ka na lang sa labas. Alam mong ayaw kong late sa klase ko!" Tinalikuran ko sya! Ang kapal nya ah, Parang 10 minutes lang na late ay hindi na kaagad papapasukin. Papunta ako ngayon sa garden, pero napahinto ako........ Again and again sila na naman!

Nagtatawanan, Naghaharutan atsaka ang saya nila. Nagtago ako sa may halaman dito para panoodin sila.

"Isssssshi!" Sigaw ni Jemmie

"Jemmieeeee" Sigaw ni Sushmita

"Sushmitaaaaaaaa! " Napatingin ako sa sumigaw Cassandra ba name no'n? Ay ewan.

"Cassandraaaa!" Binato no'ng klancey si Cassandra

"HAHAHAAHAHHAHAH ANONG MUKHA 'YAN CASE? " Malakas na tumawa si Jemmie Tatayo na sana ako upang umalis, Ang kaso nasagi ko 'yong mga halaman na dahilan ng kanilang paglingon sa direksyon ko.

"Mayuri? "

"J-jemmie?"

"Tara? Sali ka sa amin? " Alok nya

"No thank you" Tumalikod ako sa kanya at nag-umpisang maglakad

"Sandali" Aniya, at hinawakan ang braso ko. Unti-unti ko syang tinignan Sushmita?

"Ano bang kailangan mo?" Inis kong tanong.

"Ikaw! Masyado kang maarte! " Parang nagpintig ang mga tenga ko sa mga katagang iyon.

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now