The Story of Us by MopusTheDreamer

160 27 6
                                    

THE STORY OF US

WRITTEN BY: MopusTheDreamer


Unang araw ngayon ng eskwela, excited ang lahat   ng mga studyante. Kahit naman ako ay excited din ikalawang taon ko na ngayon sa high school.

May usapan kami ng kaibigan ko na sabay kami papasok. Papunta na ako sa usapan naming lugar ng may tumawag sa akin mula sa likod.

"DAVIN HINTAY!" sabi ng kaibigan at kasintahan na si Karen habang tumatakbo papalapit sa akin. 

Huminto ako para hintayin sya. Humahangos syang lumalapit sa akin. "Ang bilis mo naman maglakad nagmamadali ka?" 

"Hindi naman di ko lang narinig na tinatawag mo ako." Natatawa kong sabi dito.

"Tara na nga pumunta na tayo sa classroom natin para di tayo ma late." Aya nya sa akin at pumunta na kami sa building kung nasaan ang classroom namin.

Maraming studyanteng nakatambay sa corridor sa tapat ng mga classroom nila. Lahat sila abala pero napansin kong may isang lalake na nakatingin sa amin ni karen. Ngumiti ito sa amin hindi ko alam kung ako ba o si karen ang nginitian nya kaya hindi na ako nag react at tuloy tuloy na lang ako naglakad. 

Ang alam ko ay nasa section six ang lalakeng yon. Kilala sya dahil mabait ito at kagwapuhang taglay. Pero ni minsan ay hindi ko pa sya nakakausap.

Pagdating namin sa classroom ay sinalubong kami ng mga kaklase naming maiingay. Halos mag kakaibigan kaming lahat. Nag bibiruan, nag tatawanan magkakasama sa galaan. Pero hindi yung tipong napagsasabihan ng problema. Wala akong maituturing sa kanila na malapit na kaibigan maliban kay karen. 

Break time na at papunta kami sa canteen katulad ng dati si karen lang ang kasama ko, matyaga kaming nakapila sa canteen para magbayad ng pagkain na pinili namin. 

Napansin ko ulit yung lalake sa corridor na nakatingin sa amin at tipid na ngumiti. Hindi ko ulit ginantihan ang ngiti nya.

Nang makapag bayad kami ay umupo kami sa bakanteng lamesa. Maraming tao sa canteen kaya nahirapan kami kumuha ng magandang pwesto. Masaya kaming nag kukwentuhan ni karen ng may magsalita sa gilid namin.

"Pwede ba ako maki upo?" Tanong nito habang dala ang tray na may lamang pagkaen. Tumigin naman kami dito at. Umusog si karen sa tabi ko.

"Sige upo ka lang." Nakangiting sagot ni karen.

"Ako nga pala si ronniel." Pakilala nito pagkaupo nya.

"Karen, ito naman si Davin." Turo sa akin ni Karen habang nakagat ng biscuit na binili nito kanina.

Nakipag kamay naman ako dito at tinanggap nya, pagkatapos ay bumalik ako sa pagkaen.

"Section six ka diba? Lagi kita nakikita sa corridor eh." Tanong ni karen habang nainom ng softdrinks at nakatingin dito.

"Ah oo section six nga ako, lagi ko rin kayo nakikita pag dumadaan kayo paakyat sa thirdfloor." Sagot nito na tumawa pa. Nakatingib lang ako dito. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na pala kaibigan. 

Mula pagkabata si karen lang ang kaibigan ko, hindi ko rin alam pero mahirap ako magtiwala sa tao. Abalang nag kukwentuhan si Karen at Ronniel ng tumunog ang bell kaya naman mabilis naming niligpit ang kinainan namin at labas ng canteen. 

Dahil kaparehas naman naman namin ng building si Ronniel ay kasabay namin ito. Sila lang ni karen ang magka kwentuhan hindi ako sumasali, masaya silang nag kukwentuhan.

"Sige aakyat na kami ronniel nice meeting you." Nakangiting paalam ni karen dito. Ngumiti naman ito bago pumasok sa classroom nya.

Nagtuloy kami ng lakad ni Karen paakyat. "Selos ka? Nakangiting nang aasar ni Karen sakin habang nag lalakad kami. 

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now