He's My Bestfriend By: China C. Gonzales

244 34 28
                                    

"Every girl needs a guy best friend to help her laugh when she thinks she'll never smile again."

He's Chase Coleman, isang badboy sa school na siyang kinatatakutan ng lahat. Kinahahangaan ng lahat ng kababaihan sa taglay niyang kagwapuhan. Kabilang din siya sa grupo na "The Badboy's Elite" na siyang hinahangaan ng lahat. Samantalang ako isang hamak na maliit na babae na walang panama sa lahat ng babaeng lumalapit sa kaniya. Nakakatawa di'ba sino ba naman ako para mapansin ng isang katulad niya. Hamak na simple lang naman ako at hindi gaanong kilala sa campus namin in short isang hamak na estudyante lamang ako.

Nakakatawa di'ba sinong mag - aakala na ako at siya ay magiging isang matalik na magkaibigan. Kung iniisip ninyo na lovestory ito diyan kayo nagkakamali sapagkat kwento namin ito ng kaibigan/kuya ko na rin. Minsan nga natatawa kaming dalawa kapag nag - uusap kami. Sino ba naman ang hindi matatawa kapag ang pinag - uusapan ninyo ay tungkol sa lovelife. Ewan ko ba gwapo naman siya pero, bakit ganoon hindi ko nagawang mahulog sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

Akala ko habang buhay na kaming magkasama pero bakit ganoon, bakit kailangan pa na mangyari ang bagay na hindi ko inaasahan?

Bakit kung kailan masaya na ako at saka mawawala ang kasiyahan na ito?

Bakit sa isang iglap lang nabago ang lahat?

Ang masakit pa nito tila ba nagising lang ako sa isang napakagandang panaginip. Panaginip na akala ko wala nang katapusan sa sobrang ganda. Pero sabi nga nila lahat ay mayroon katapusan, kagaya ng kaligayahan ko mayroon din pala na katapusan.

Katapusan na inisip ko na sana sa iba na lang nangayari, pero kahit ganoon masaya pa rin ako. Masaya pa rin ako dahil mayroon akong matalik na kaibigan/kuya na nagpapasaya sa akin tuwing nalulungkot ako.

~ ~ ~ ~

Simple lang naman akong babae hindi ako kagandahan pero kinaiingitan ng lahat. Sino ba naman ang hindi maiinggit kapag nakikita nila na may kasama akong sobrang gwapo na lalaki. Kung iniisip ninyo na kasintahan ko siya diyan kayo nagkakamali kasi hamak ko lang siyang kaibigan. Siya si Chase Coleman ang dakila kong bestfriend. Nakakatawa man isipin pero ni minsan hindi namin nagawang mahulog sa isa't isa. Alam ninyo ba kung ano ang pinakamasarap na piling kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko, ako na ang pinaka - maswerteng babae sa balat ng lupa. Alam ninyo ba kung bakit? Siya kasi ang tagapagligtas ko tuwing nasasaktan ako, tuwing umiiyak ako hindi niya ako iniiwanan hanggang hindi ako tumitigil sa kakaiyak. Para sa akin wala na akong mahihiling pa na iba, minsan nga naiisip ko na hindi ko na kailangan magkaroon pa ng kasintahan. Bakit pa ako hahanap kung palagi ko naman kasama si Chase. Si Chase na kilalang badboy pero kapag magkasama kami daig pa ang maamong tuta. Natatawa na nga lang ako minsan kapag napagkakamalan nila kaming magkasintahan kasi sobrang sweet daw namin sa isa't isa. Kaya ang ending parehas na lang kaming matatawa sa naririnig namin sa ibang tao. Alam ninyo tuwing kasama ko si Chase ang kaibigan ko, iniisip ko na sana hindi na matapos ang araw at oras na magkasama kami. Sumasaya lang kasi ako kapag magkasama kami ng kaibigan kong si Chase pero hindi ko maiwasan malungkot kapag sumasapit na ang dilim. Pakiramdam ko kasi kailangan na namin maghiwalay siya uuwi sa bahay nila habang ako uuwi sa bahay ko na wala man lang sasalubong sa akin. Ang sakit lang kasi na siya na lang iyong tanging pamilya kong itinuturing dahil matagal nang binawian ng buhay ang mga magulang ko.

Naaalala ko pa nga kung paano kami nagkakilala ni Chase noon. Umuulan noon habang ako nakayuko lang habang tinititigan ang puntod ng mga magulang ko. Alam ninyo ba ang ginawa niya nang araw na iyon sa halip na mandiri siya sa akin dahil sa mukha na akong ewan. Binigay niya sa akin ang jacket niya at pinasuot sa akin at nang araw din iyon sinabi niya sa akin na siya na ang magiging kaibigan ko. Kaya nga hindi ko alam ang gagawin ko kung pati siya mawawala sa akin. Alam ninyo ba kung ano ang pinakaborito kong pinapadala niya sa akin na mensahe?

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now