Cutting Ties No More Lies (By: Faye Lee P. Nash)

127 14 6
                                    

“Pero ang buhay nga naman ay hindi pangmatagalan. Ang lahat ay may katapusan. Masakit man o napakasakit, kailangan mong tanggapin na hindi panghabang panahon ang mga taong nasa piling mo ngayon. May mga pagkakataon na kaillangan mo rin silang bitawan, iwanan, at saktan. Hindi dahil hindi mo na sila gusto o mahal, kundi dahil alam mo kung paano mararamdaman ang mga salitang iyon. At dahil alam mong hindi lang pwedeng sa iyo iikot ang mundo mo at ang mundo ng kaibigan mo.”- Meme

Magkakabata. Magkakabarkada. Magkaklase. Tropang babaeng pinagtagpo ng tadhana sa iisang dahilan, “ Ang sabay kaming tatanda ng walang iwanan.”

Ayoko na. Ayoko ng mapag-isa. Hindi ko talaga gusto ang palagi nalang iniiwan sa bahay. Bata pa lamang ako noon ay iniiwanan na ako ng mga magulang ko sa bahay namin. Sa murang edad na limang taong gulang ay sapat na para ako ay magkaroon ng maagang karunungan at pagtantiya sa aking paligid. Pero ang maging mapag-isa para sa isang batang katulad ko ay hindi lubos na makakaya. Hindi ko lubos maisip ang darating pang araw na palaging ganito nalang ang mangyayari. Na lagi nalang akong nakaantabay sa hagdan ng aming bahay at minsa’y nang-aamoy sa mga tanim na bulaklak ni Nanay sa bakuran namin. Pero isang araw man ay maaring magbibigay sigla sa lubosang lungkot na aking nadarama.

Dumating siya isang araw. Isang kalaro na palaging bumibisita sa aming bahay hanggang sa naging kaibigan na ang turing ko sa kanya. Siya ang pumupuna sa mga araw na ako’y mapag-isa. Sa mga araw na ang tanging kalaro ko lang ay isang aso’t pusa. Pero sa bawat araw na lumilipas ay sabay naming inaamoy ang mga bulaklak sa paligid. Sabay kaming naghahabulan sa mga alagang hayop na naroon sa bakuran. Sabay naming sinasamsam ang init ng sikat ng araw na dumadampi sa pawis nang aming mga balat. Sabay kaming humahalakhak habang inililipad ng malamig na hangin ang mumunti naming mga buhok. Nasabi ko sa sarili ko na, “O kay ganda pala ng buhay, kung may taong nagpapakulay nito.” Siya si Grace, ang kaibigang una kong nakilala. Isang kapitbahay na kalaro na kaibigan na kaklase hanggang sa pagtuntong namin ng kolehiyo ay magkasama pa rin kami.

Ang isa ay nadagdagan pa ng isa, at ng isa pa, at ng sa naging apat ang kaibigan kong turing. Sina Nina, Merychris, at Melanie ang naidagdag ko sa aking listahan. Sabi nga naman nila, “The more, the merrier. “

Kaklase ko na ang isa sa kanila nung Day Care days ko pa. Pagtuntong ko ng elementarya ay nagkakilala kami ng lubusan. Nagsimula kaming nagkaklaseng lima noong Grade five hanggang six na kami. Nung una ay hindi pa kami lubusang nakikipaghalubilo sa isa’t-isa. Medyo nakakaramdam pa kami ng hiya o di kaya’y hindi pa talaga kami sanay at komportable masyado. Pero nung tumatagal tagal nga naman ay nagbobonding bonding na kami. Nung time na ‘yon pa namin nalaman na magkakapitbahay pala kami at magkakakilala din pala yung mga magulang namin. Pero may mas nakakamangha pa akong nalaman sa aming pagkakaibigan, at iyon ay ang buwan at petsa ng aming kapanganakan. Ako ay isinilang sa Enero 21, 1997; si Grace ay Pebrero 21, 1997; si Melanie naman ay Marso 21, 1998; si Nina ay Mayo 21, 1996; at ang panghuli ay si Merychris na ipinanganak nung Disyembre 25, 1997. Nang malaman namin ang tungkol dito ay mas naging proud pa kami sa mga sarili namin na naging magkakaibigan kami.

Nang magsimula na ang pasukan, pagka-uwi namin galing sa klase ay bibili kami ng saging tapos sabay kaming kakain habang nagtatawanan. May term pa nga kaming ginagamit na pinapangalan namin sa grupo kapag kakain kami ng saging eh….hmmmm..”Banana Republic” pala yon. Nakakatuwang isipin pero mukha kaming nakadrugs pagkakain namin sa prutas. Hahahaa. Minsan nagkukulitan kami na kesyo mukha kaming mga unggoy na kumakain ng saging.

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nagkukulitan kami. Pagdating naman sa klase ay seryosong seryoso talaga kami. Pagtuntong ng hayskul ay lubusang sumeryoso ang pag-aaral naming lima. Namemaintain namin yung grades na pasado sa lahat ng subjects. Palagi kaming kasali sa banner roll of top ten na kabilang sa section A o “crack section”. Mahigpit ang labanan naming dalawa ni Nina as top one tapos sumunod naman dun sina Melanie, Merychris, at Grace.

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now