Where Are You Now? by LightStar_Blue

230 47 33
                                    

"Bella, congrats! You have a very successful book signing!" Masayang bati sa akin ni Sir Aivan while shaking my hand. He is my editor in Amore Publishing Corp.

"Thank you, Sir!" Sunod-sunod na ang bumati sa akin. I don't know what I feel right now. I'm overwhelming. Hindi ko aakalaing maraming tumatangkilik ng mga gawa ko. Ang munting mga novel pocketbook na sinulat ko ay mayroong bumabasa. Mapa-estudyante, tambay sa bahay, professional at iba pa. Lahat sila ay humahanga sa gawa ko. Ngayon pa lang ay gusto ko na umiyak muli.

"So Bella, do you accept our offer to be one of our writers?"

I nod. Ngayon pa lang na nakita kong maraming tumatangkilik sa gawa ko, lalo akong na-inspire na magsulat. Without Amore Publishing Corp., Bella Santos is not existing in the world of published writer. "Yes Sir Aivan."

Napapalakpak siya. "That's great! Tomorrow, two-thirty at the afternoon ang contract signing mo sa Amore Publishing building."

"Copy, Sir!" Again ay nakipag-shakehands ako ulit ako kay Sir Aivan bago siya umalis. Unexpected ay biglang nag-ring ang phone ko which is hindi dapat dahil nag-group message ako na hindi ako available this time. Tiningnan ko kaagad kung sino ang tumatawag. It's unregistered number. Agad ko iyon sinagot. "Hello?"

"Belle! It's me Wendy. I know where Cassandra right now."

Parang sumabog ang buong sistema ko nang marinig ko ang pangalan ni Cassadra. Ang aking espesyal na kaibigang bigla na lang nawala. Biglang bumalintataw sa aking isipan ang mga alaala na kasama ko siya.

Years 2008...

BIGLANG nagsitahimikan ang mga estudyante sa loob ng classroom ng class 4-G nang pumasok ako. Parang may dumaang anghel sa loob o mas tamang sabihin ay demonyita. Lahat sila ay iisa lang ang expression ng mukha. Pagkagulat. Pagkagulat dahil himala pumasok ako. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lamang akong maglakad papunta sa upuan ko. Pabalang akong umupo at sumubsob sa arm desk. Wala pa namang teacher kaya pwede akong matulog. Sobrang sumasakit ang ulo ko dahil kulang ang tulog ko kagabi.

Malapit na akong makatulog nang biglang may kumalabit sa akin. Sa una ay hindi ko pinansin iyon ngunit hindi naman all the time ay matitiis ko na hindi pansinin ang papansing tao na iyon. Agad kong hinarap ang taong iyon. Isang babaeng chinita ang bumungad sa akin.

Ngumiti siya sa akin. "Hello!" Masaya niyang bati sabay kaway sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Problema mo?"

"Bago lang ako dito at gusto ko lang makipagkaibigan sa iyo. I'm Cassandra Anne Amacio." Sabay lahad niya ng kamay.

"Who cares if you are Cassandra Anne Amacio? I don't even care who are you." Bumalik ako sa pagsubsob sa desk. Muli ay kinalabit na naman niya ako. Napuno na ako. "Huwag mo nga ako kulitin! Doon ka sa ibang tao!" Sigaw ko sa kanya at ang iginanti niya sa akin ay isang matamis na ngiti. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?"

"Nothing. It's nice to meet you, Bella. From now on you are my best friend!" At tumabi siya sa akin.

"Whatever." Nilagay ko na lang sa tenga ko ang earphone ko bago bumalik sa pinaplano kong matulog.

PASIMPLE AKONG lumingon-lingon sa paligid ko. Walang tatabi sa akin dito sa mesa. "Good." Agad akong umupo. Nilabas ko ang notebook at ballpen sa bag. Library is the best place para sa isang peaceful na pagsusulat ng novellete. I've been writing stories since first year pero tinatago ko lang iyon dahil nahihiya ako na pagtawanan ng mga tao sa oras na malaman nilang nagsusulat ako ng nobela. Ayokong mangyari iyon.

I start writing my ideas. Ang scenario ay nalaman na ng heroine na niloloko lang pala siya ng hero dahil sa isang unwanted deal with her best friend. Buong focus ko ay nasa story na sinusulat ko nang marinig ko na may humihikbi sa tabi ko. Huminto akong magsulat at napatingin sa taong iyon. Muntik na akong mapamura dahil sa gulat kay Cassandra. "What are you doing here?"

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now