An Angel From Above by mentalblock

117 25 9
                                    

Ano ang isang kaibigan? Ito ba ay katulad ng aso? They say, dog is a man's best friend. Pero, ano nga ba ang isang kaibigan?

Nowadays, people don't know what a true friend is. Kasi more on, mga plastik na ang nagkalat sa kung saan-saan. Sa schools, sa office, restaurants, malls and even at churches! (Ang galing diba?)

We don't value friendship anymore. In high schools, kaibigan-ka-kapag-may-kailangan. Bentang-benta ito kapag ikaw ay isang matalinong estudyante. Ang dami mong kaibigan kapag exams, quizzes, projects. Doon ka lang nila napapansin. In short, lalapit lang sayo kapag MAY KAILANGAN.

That's why I don't involve myself with anyone. I don't socialize with other people. Makikita mo lang ako sa isang sulok, napakatahimik habang may hawak-hawak na libro. I built a strong wall between me and the other people. A big and strong wall that cannot be broken by anyone. But I was wrong. I was wrong dahil ang akala ko, akala ko wala ng ibang tao ang makakapasok pa sa tahimik kong buhay. Because when I met her, my simple yet quiet life turn chaotic yet an eventful one.

3 years ago...

"Hi Olive!" Tumingin ako sa babaeng nasa tabi ko then binalik ko din agad ang tingin ko sa librong binabasa.

Her name is Jasmine. She's a transferee of our school. Nag-start siyang pumasok last week and simula ng second day niya ay palagi na niya akong kinukulit. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang naisipang kulitin.

"Hmp! Hindi mo nanaman ako pinapansin! Ano ba yang binabasa mo?" Pumunta siya sa harapan ko para tingnan yung book cover. "Binabasa mo din yan?! Parehas tayo! Saang part ka na ba diyan?!" Sa pangalawang beses ay tiningnan ko lang ulit siya.

Sa buong mag-hapon ay nakasunod lang siya ng nakasunod sa akin. Pilit ko naman siyang iniignora kasi ang pangit tingnan na palagi siyang nakabuntot sa akin.

"Psst! Wait lang." Pigil niya sa akin tapos itinuro niya yung dalawang lalaking naka-uniporme. "Sundo ko yun. Olive! Samahan mo ako please! Gusto kong lumabas, ayoko pang umuwi sa amin."

Umiling ako. "Ayoko." Madiing-sabi ko.

Akala ko titigilan niya ako kasi parang nagulat pa siya pero I was wrong. Imbes na matakot ay nakita ko sa mata niya ang pagka-mangha.

"Nagsalita ka." Sabi niya habang nakaturo sa akin. "Waaah! You talked! At ako ang dahilan! Yes! Astig!"

I sigh. Ano ba ang gagawin ko sa babaeng ito?

Buti na lang at lumapit sa amin ang isa sa mga susundo sa kaniya.

"Good afternoon, Miss." Bati niya kay Jasmine and tinanguan din ako. "Kanina ka pa po namin hinihintay."

Ngumiti sa akin si Jasmine. "Bye Olive! See you!" Then patakbo siyang tumungo sa sasakyan nila.

---

"Good morning friend! Here, may dala ako para sayo." Binuksan niya yung bag niya at nilapag sa akin ang apat na mga libro na gustong-gusto ko ng bilhin mula noon pa kaso walang pera.

Tiningnan ko siya at binalik ang libro sa kaniya. "Hindi mo ba nagustuhan?"

Umiling ako. "Hindi naman. Mas gusto ko kasi galing sa sarili kong pera ang pinang-bili diyan."

Ang bilis lang talagang lumipas ng panahon. Hindi mo namamalayan na ilang araw, linggo o buwan na pala ang lumipas.

Hindi ko namamalayan na ang mataas at ang matayog na pader na binuo ko ay unti-unting nawawasak. Simula ng kulitin niya ako halos araw-araw, parang nawalan na ng bisa ang pader na iyon.

Unti-unti na siyang nakapasok sa mundo ko. At ganoon din ako. At siya, si Jasmine Clemente lang ang hinayaan kong makapasok dito.

"Fine! Bilhin mo na lang sa akin ito." Sabi niya. "Pero may dagdag na yan!"

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now