To Befriend An Introvert (By:Haqqyryo)

101 14 3
                                    

May kaklase akong tahimik, ang pangalan niya ay Keith. Bihira lang siya magsalita. Pero matalino siya. Hindi nga lang siya ang Top 1 dahil hindi siya ganoon ka-competetive lalo na pagdating sa recitation. Tingin ko nga alam din niya ang mga sagot sa mga tanong pero pinipili na lang niyang manahimik. Mahiyain siguro siya.

May mga grupo ng kaklase kami, lima sila at talagang maiingay. Wala silang ibang usapan kundi ang paggala, pag-inom at mga kanya-kanya nilang mga syota. Hindi naman sila bully at masasamang tao pero hindi ko alam kung bakit para bang anlayo ng loob ni Keith sa mga 'yon. Hindi naman siya inaano.  Pero hindi ko naman sinasabi na galit siya sa kanila. Kapag kinakausap  siya ng mga 'yon ay sumasagot naman siya pero hindi ko pa nakitang nag-umpisa siya ng usapan. Para bang hindi siya bukas makipagkaibigan. Well anyway, hindi lang naman sa kanila siya unfriendly, kunsabagay kahit kanino rin.

Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko siya—Ah, teka, nagustuhan ko siya pero hindi romantically. Katunayan, Simon ang pangalan ko. Lalaki rin ako katulad niya. Gusto ko siya dahil tingin ko ang cool ng personality niya. Isang araw nga'y may nabasa akong article sa isang website tungkol sa iba't-ibang personality ng mga tao. Extrovert, Ambivert at Introvert. At tingin ko isa siya sa mga taong napapabilang na isang introvert.

Kinabukasan, kinausap ko siya upang kumpirmahin kung introvert nga ba talaga siya. Pero mukhang hindi rin siya sure kung introvert nga ba siya although alam naman niya ang mga characteristics of being introvert. Nakikita ko sa kanya ang mga 'yon. Hindi niya siguro iyon nakikita sa sarili niya.

Tinanong ko siya kung nagkaroon na ba siya ng kaibigan, ang sabi niya nagkaroon na raw siya ng mga kalaro noong bata pa siya. Pero nang umakyat na siya sa teenage days niya, nagbago raw ang pag-iisip niya at pananaw sa mga bagay-bagay. Tinanong pa niya ako kung ano ba ang mga kuwalipikasyon para tawaging kaibigan ang isang tao. O paano ba nagiging magkaibigan ang mga taong magkaibigan. Well, hindi ko siya nasagot dahil hindi ko rin alam.

Teka ano nga ba? 

Tinanong ko pa siya kung ano ang mga hobby niya, mahilig raw siyang manood ng mga anime, educational documentaries lalo na about physics, theories such as conspiracy theory at science theories. Nagbabasa rin daw siya ng mga libro esp., science books at philosophy. I know about physics pero kaunti lang ang ideya ko about philosophy. Ewan ko pero nakaramdam ako ng pagkahanga sa mga sinabi niya. Tingin ko ang cool no'n.

"Gusto mo bang magkaroon ng kaibigan? Masaya rin kaya kapag meron kang mga tropa. Lalo na kapag marami kayo. The more, the merrier," sabi ko na sinundan ko pa ng isa pang tanong. "Hindi ba malungkot ang laging mag-isa?"

Nakita ko sa kanya na para bang napaisip siya at saka sumagot. "Hindi ko rin kasi alam kung ano ba ang pagiging masaya. Pero tingin ko hindi tamang i-asa sa ibang tao kung magiging masaya ka. Kung ang pagiging masaya ay ang pagiging kuntento, kung ganoon masaya na ako. Daydreaming, thinking about my own future, as well as whole universe, exploring new knowledge and wisdom. 'Yon ang nagpapasaya sa akin. Hindi tao. Pero open naman akong makipagkaibigan, but not to make me happy," mahaba niyang paliwanag.

Nahinto siya saglit at saka nagsalita ulit.

"What is the purpose of a friend, anyway?" taka niyang tanong.

Napakamot ako ng ulo. Hindi ko rin alam, eh. May point naman ang mga paliwanag niya. Dahil sa mga sinabi niya lalo pa tuloy lumawak ang pananaw ko sa salitang 'happiness' at 'friendship'. Dahil curious din ako kung ano nga ba ang pagkakaibigan, naisipan ko siyang alukin na makipagkaibigan. Maraming tao diyan na puwede kong subukang kaibiganin pero iba si Keith, parang hindi ganoon ka-common ang personality niya. Siya ang gusto kong maging kaibigan dahil sa paraan niya ng pag-iisip.

Nagkausap pa kami ng mas mahaba  at inakala kong anti-social siya. Pero hindi naman daw. Hindi lang daw siya kumportable na napapaligiran
ng maraming tao. Gusto nga raw niya na kung magkaroon man siya ng kaibigan, hangga't maaari ay one at a time lang. O 'di raw kaya ay a group of three friends.

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now