Intervistare di Aswang Isinulat ni IAmZeemo

85 10 6
                                    

Bill

"Bill, isa ka sa napili ko para sa isang field project." Nakangiting sabi ni Vicky, isa sa mga kasamahan namin na kilala rin ng lahat bilang Boss Vicky. Napakunot ako ng noo matapos marinig ang kanyang sinabi. Nakapagtataka talaga dahil simula noon ay hindi niya ako pinapayagang sumama sa mga field projects na isinasagawa ng aming organisasiyon.

"Kayong dalawa ni Waverly ang aatasan kong magsagawa ng isang panayam sa isang babaing nakatira sa malayong probinsiya dito sa Pilipinas." Dagdag niya pa kaya imbes na magtanong pa ako ay isang tango na lang ang tinugon ko dito.

Tinawag niya si Waverly na kaibigan ko rin at binigay sa amin ang isang papel kung saan nakalagay ang address ng babaing tinutukoy niya. Nakasaad rin dito ang kanyang pangalan.

"Magtanong-tanong na lang din kayo sa mga tao doon tungkol kay Miss Julie." Sabi niya. "Wala kasing nakuhang ibang detalye ang mga informant natin."

Sabay kaming tumango ni Waverly. "Sige Vick, kami na ang bahala dito ni Waverly." Agad kong kinuha sa kanya ang papel at bumalik sa aming cubicle. Pero bago ang lahat ay nag-usap muna kami ni Waverly tungkol sa nasabing proyekto na inatas sa amin ni Vicky.

Nagkasundo kaming dalawa na pumunta doon sa darating na Biyernes. Malayo kasi ang lugar na pupuntahan namin at mukhang matatagalan kami sa biyahe pa lang. Sa pagtantiya ko, parang aabutin kami ng labingdalawang oras bago makarating doon sa probinsiya.

"Oh sige, Bill. Basta sa Friday, mga 6 AM hihintayin na lang kita doon sa sakayan ng bus." Wika niya at bumalik na sa kanyang cubicle para ipagpatuloy ang trabahong hindi niya pa natapos.

~***~

Inayos ko ang aking sarili para sa aming lakad ni Waverly ngayong Biyernes. Siniguro ko ring kumpleto ang gamit na dadalhin ko sa aming biyahe at pagkatapos ay lumabas na ako sa aking apartment para tahakin ang daan papunta sa sakayan ng bus na isang kilometro lang naman ang layo mula dito sa aking apartment. Alas-singko y medya pa lang ng umaga at medyo madilim pa ang paligid.

Sa wakas, narating ko na rin ang terminal ng bus kung saan natanaw ko kaagad mula sa kinatatayuan ko si Waverly na nakaupo sa isang bench doon. Napasulyap ako sa aking relos, alas-sais na pala. Suminghap ako at lumapit sa kanyang kinaroroonan.

"Waverly!" Tawag ko sa kanyang pangalan. Napalingon siya habang suot sa kanyang labi ang isang ngiti.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kanya.

Napailing siya. "Hindi, kakarating ko lang." Sagot niya kaya isang tango lang ang tinugon ko.

Biglang tumigil ang isang bus kaya agad kong dinukot sa bulsa ng suot kong jacket ang maliit na papel na binigay ni Vicky sa akin noong nakaraang Miyerkules. Napatingin ako sa bus at tama, ito nga ang bus na sasakyan namin papunta sa probinsiya ng babaing nagngangalang Julie.

Umakyat na kami sa bus at pumuwesto kami sa pangdalawahang upuan lamang. Nang makapwesto na kami ng maayos at ang iba pang pasahero ay umusad kaagad ang bus. Nakatitig lang ako sa papel habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Nacu-curious talaga ako, sino ba itong si Julie? Bakit kaya ni isang detalye ay walang nakalap ang mga informant namin maliban sa kanyang pangalan at address?

Napakamisteryoso ng babaing ito.

Pakiramdam ko, may kakaiba talaga sa kanya. Pero hindi ko mabatid kung ano iyon.

"Oh, mukhang natulala ka na diyan, Bill." Mapang-asar na wika ni Waverly. Napailing-iling na lang ako at sinandal ang aking ulo sa bintana ng bus. Mahaba-haba pa naman ang biyahe namin kung kaya'y naisipan kong umidlip muna. Linabas ko mula sa bulsa ng backpack ko ang earphones ko at linagay ito sa aking tenga kasabay rin nito ang pagpili ko ng musika sa aking cellphone. Napapikit ako hanggang sa nakatulog ako.

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ