Season Of Friendship by Verna Therese Flores

86 12 3
                                    

"Nandito na ba ang lahat?"

 Pabagsak akong naupo sa hulihang upuan ng bus ng marinig kong magsalita si maam. Lahat siguro ay excited dahil sa magaganap na family day bukas at ako lamang ang hindi. It's family day yet I'm alone. Busy nanaman sila,ano bang magagawa ko? "Aalis na tayo students" Nag hiyawan ang aking mga kaklase,siguro dahil sa excited sila.

Nang itinuon ko ang paningin ko sa labas ay nakita ko na isa-isa na ring nag-sisialisan ang mga iba pang bus ng iba't ibang grade level. Naging tahimik ang buong biyahe. Sa sobrang tahimik ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising nalang ako ng makarinig ako ng iba't ibang klase ng ingay.

"Oh nandito na tayo,ibaba niyo na ang mga gamit niyo" Pinagmasdan ko lang silang pumila papalabas nang makaramdam ako ng mahinang sampal sa aking mukha. "Huy!ano na? Wala ka bang balak na bumaba?" Si Shane, isa sa mga kaklase ko.

"Susunod nalang ako" Nakangiti kong tugon at saka tumango. Nasaksihan ko kung pano lumubog ang araw,napapalibutan ito ng pinaghalong kulay kahel at rosas na ulap.

Bago bumaba ay pinasadahan ko muna ng tingin ang mga punong nakapalibot dito. Masyadong maganda ang lugar at bilang lang ang mga bahay na nandito.

"Ughh signal pleasee.." Kanina pa ako dito,nakatayo sa isang sementong upuan,nakaangat ang kamay habang hawak ang aking cellphone.

"Wala talagang signal dito.." Nagulat ako ng may biglang nagsalita mula sa aking likuran kaya naman mabagal akong lumingon.

Naaninag ko pa rin ang mukha niya kahit madilim ang paligid at sa tingin ko ay labing-limang taon na rin siya katulad ko. "Ahh ganun ba?"

Inilahad niya ang kamay niya sa aking harapan. "Bumaba ka na d'yan baka mahulog ka pa."

Walang alinlangang tinanggap ko ang kanyang kamay at inalalayan niya akong makababa.

Sabay kaming naupo. "Ngayon lang ata kita nakita dito, bagong lipat kayo?"

"Hindi" Agad na sagot ko. "Pumunta kami dito para sa Family day bukas"

"Kung Family day, nasaan ang pamilya mo?"

"Ayun nga,tatawagan ko nga sana sila Mommy't Daddy kasi sabi nila susunod daw sila dito kaso hanggang ngayon wala pa rin sila kaya naisipan kong tumawag"

"Busy lang ata sila."

"Palagi naman silang busy, ever since hindi pa nila ako nasamahan sa school tuwing magkakaroon ng family day."

"Siguro galing ka sa isang mayamang pamilya, no? Yung ang mga magulang sobrang busy sa mga trabaho nila" Tumango ako.

"Ganun na nga."

"Autumn!Autumn!" Napalingon kami sa isang babae na sa tingin ko ay kaedad siya ni Mommy, papalapit ito saamin.

"Ma!"

"Autumn,kanina pa kita hinahanap,nandyan ka lang pala" Bigla itong napatingin sakin at sa kanyang mata ay nakikita kong parang tinatanong niya kung sino ako.

"Ahh Ma siya si..." Lumingon sakin si Autumn at parang inuutusan niya akong sabihin ang pangngalan ko.

"A-ahh I'm Summer po"

"Hala! Dis oras na ng gabi bakit nasa labas ka pa?"

"Ah Ma kasama siya sa mga nagsidatingan kanina"

"Ahh akala ko naman kasi..." Ngumiti ako sa kanila.

"Ma,hatid na natin siya" Tumango ang Nanay niya kasabay ng pagtayo namin sa sementong upuan.

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now