Bye-Bye, Best Friend! by: Yuki Onna

370 102 147
                                    

  Marami na akong naririnig noon na ang pinakamahirap na parte raw ng pag-aaral ay ang College life, pero hindi ako naniwala. Para sa akin, hindi ka mahihirapan kung mayroon kang diskarte sa buhay. Pero sa nararanasan ko ngayon ay parang unti-unti na akong naniniwala sa kanila.

  Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon at sinisikap na matapos na ang marketing proposal na ginagawa ko mula pa noong mga nakaraang araw. Halos hindi na nga ako lumalabas ng kwarto ko sa tuwing uuwi ako galing school para lang matapos na ito, ilang araw na lang din kasi ang bibilangin ng pasahan nito.

 "Clow, busy ka?" Saglit kong tinapunan ng tingin si Ashley na kakapasok lang sa kwarto at bumalik ako sa pagtutok sa laptop ko. "May sasabihin sana ako sayo eh!" Nagulat ako nang bigla syang yumakap sa likod ko.

  "Ay! Ano ba 'yon, Ash? May ginagawa ako eh!" reklamo ko pa sa kanya.

  "Nag-aaral ka nanaman? Magpahinga ka na kaya muna." Nainis ako sa sinabi nya.

  "Ano ba 'yong sasabihin mo? Sabihin mo na lang kaya!"

  "Ay, ang sungit mo naman ngayon!" sabi nya mismo sa tenga ko kaya nakiliti ako. Bahagya kong inilayo ang ulo ko sa mukha nya na nakasuksok sa leeg ko.

  "Ano nga 'yon? Ayaw pa kasing sabihin agad, eh!" medyo naiinis na ako. Ayoko kasi talaga ng maraming pasikot-sikot kapag may sasabihin eh.

  Bumitaw sya sa pagkakayakap sa likod ko at umupo sa kama. Isinara ko na muna ang laptop ko at inikot yung upuan ko para humarap sa kanya. Nakatingin sya sa nakaunat nyang paa habang nilalaro-laro niya ito. Napailing ako habang tinitingnan sya.

  Bestfriend ko si Ashley at tinuturing ko na rin na parang isang tunay na kapatid. Maliliit pa lang kami noon nang una syang dalhin nila mom and dad sa bahay, at dahil wala naman akong kaibigan noon kaya ganoon na lang ang saya ko nang sabihin nila na doon na rin ito titira kasama namin.

  Nasanay akong mag-isa, 'yong tipong pagkatapos ng school ay diretso uwi agad sa bahay para magkulong sa kwarto at maglaro lang ng mag-isa.

  Kaya nang dumating si Ashley sa buhay namin ay ganoon na lang ang saya ko. Atleast kasi, kahit umalis pa sila mom and dad ay ayos lang dahil meron naman na akong makakasama na kapwa ko bata para maglaro. Hindi na ako mag-iisa.

  Kaya nga lang, mula nang dumating ito sa bahay ay tahimik lang ito palagi at malungkot. Hindi rin sya lumalabas ng kwarto nya at buong araw syang nagmumukmok doon. Kapag sumisilip ako sa silid nya ay palagi ko rin syang nahuhuli na umiiyak.

  Nainis ako noong una, kasi feeling ko ay ayaw naman talaga nya na dito tumira. Pero nang malaman kong parehas palang nasawi sa isang car accident ang mga magulang niya, ay nakaramdam ako ng awa sa kanya.

  'Yon din ang dahilan kung bakit sinikap kong mapalapit sa kanya. Hindi ko man alam ang pakiramdam ng naranasan nya noon, pinilit ko pa rin na unawain at damayan sya.

  "Best, naaalala mo ba si Kristoff? Yung crush ko na kine-kwento ko sayo noon." Tumango ako pero nanatili pa ring tahimik. "He asked me out on a date!" nakangiti sya nang sabihin nya 'yon pero napansin ko rin yung pagba-blush ng mukha nya kahit nakayuko sya.

  "At pumayag ka naman?! Ano ka ba, Ashley! Fourth year college pa lang tayo, at gusto mo nang pumasok sa ganyan? Makakasira lang yan sa pag-aaral mo." inis na sabi ko. Tinalikuran ko sya at bumalik na sa ginagawa ko.

  Walang patutunguhan ang usapan namin na 'yon.

  "Ano ba yan, Ashley!" asik ko sa kanya. Hinawakan nya kasi yung sandalan ng inuupuan ko kaya umuga tuloy, may sinusulat pa naman ako.

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now