One Mistake by Zaj Villanueva Mendez WP

157 32 17
                                    

My Twin

"Congrats, Kam!" Napakurap ako ng ilang ulit bago ako bumalik sa pag-iisip.

"Congrats Bal, top 1 ka." Ngumiti ako at niyakap siya.

"Congrats sa atin! So, saan tayo? Tara mag-pansit," masayang aniya.

"Sige, hintayin mo na lang ako sa ibaba at magba-banyo lang ako," sabi ko.

"Samahan na kit..." Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya.

"Huwag na. Hintayin mo na lang ako sa ibaba," nagmamadaling sambit ko.

Kinuha ko ang aking bag at agad tumakbo palabas ng room. Agad akong tumungo sa comfort room at pumasok isa sa mga cubicle roon.

Lalabas na sana ako sa cubicle ngunit nahinto ako at pinakinggang mabuti ang mga babaeng nag-uusap sa labas.

"Si Chloe na naman ang top 1 sa buong grade 9. Nakakainis, kapit sa teacher lang ata iyon eh."

"Sinong Chloe? Si Rensan o si Amardes?

"Si Amardes ang top 1."

"Di'ba teacher ang tita niya rito sa school? Baka naman... alam nyo na may kapit."

Kumunot ang noo ko. Padabog kong binuksan ang pinto at nakapameywang na humarap sa kanila.

"Mga ate alam niyo bang masama ang nanghuhusga ng tao at sinisiraan sya sa maling paratang? For your information, kaya siya naging top 1 ay dahil iyon sa matalino at masipag siyang mag-aral. Eh kayo? Puro kaartehan at kapabebehan ang alam niyo!" tuloy-tuloy na sabi ko sakanila at ngumisi.

"Excuse me?" sabi ng isang babae na sa pagkakaalam ko ay galing sa Grade 9 - Virgo.

"Oh dadaan ka?" pangbabara ko.

"Huh! Pa-anghel ka pa diyan, bakit hindi ka ba naiingit dahil siya ang top 1 at ikaw ay top 2 lang? Alam mo, hindi masamang sabihan ang isang tao ng hindi maganda, atleast nagpapakatotoo ka." Umirap ito sa akin. Hindi na ako nakasagot pa dahil tinalikuran na nila ako.

Inis akong lumabas at naglakad pababa ng building.

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Ah wala. Ang tagal kasing mag-cr nung babae, kaya nainis ako." Palusot ko at ngumiti sa kanya.

Pagkalabas namin ng gate ay pumara agad ako ng tricycle para masakyan namin.

"Chloe!" Sabay kaming napalingon sa likuran namin.

"Chloe Amardes. Pwede ba tayong mag-usap? Tungkol ito sa magaganap na Math Quizbee, sa susunod na linggo." Lumapit si Bal kay Ma'am Dilo habang nakatayo lamang ako sa gilid.

"Hija, sasakay pa ba kayo?" bumaling ako sa tricycle driver.

"Opo! Wait lang po ha? Nag-uusap pa po kasi 'yong kaibigan ko at si Ma'am." Tumango naman ito.

Nakangiwing tinignan ko sila Ma'am at Bal. Matagal pa ba silang mag-uusap?

"Kams! Sa susunod na lang tayo mag-pansit. Kakausapin ko pa kasi si Sir Abel para sa Math Quiz Bee. Hintayin mo na lang ako dito, saglit lang naman siguro kami mag-uusap ni Sir."

"Ha? Hindi ba pwedeng mamayang hapon na lang 'yan? Mag-tanghalian muna tayo," sabi ko. May kung anong binulong si Ma'am Dilo kay Bal. Bahagyang kumunot ang noo ko.

"Pasensya talaga Kams, may pupuntahan daw si Sir mamayang hapon. Basta hintayin mo ako rito, ililibre na lang kita ng fishball. " May sasabihin pa sana ako kaso biglang sumingit si Ma'am Dilo.

One-Shot Writing Contest 2018 Compilationحيث تعيش القصص. اكتشف الآن