Chapter 1

264 18 1
                                    

Mirakov

Tit - titit - titit!

The familiar sound blared to wake me up but I just groaned while blindly touching around to find that familiar button to shut the thing up, fully aware that the next alarm to do the vain purpose that the previous one ought to is none other than, "Wake up sleepy head! Late na tayo!" the shrill and horrendous voice of my best friend.

"Five more minutes..." I groaned as I turned away and pulled the blanket to cover my face.

"Ulol! Five minutes mo magiging five hours! Get up!" she said and suddenly pulled the blanket away from my face.

"Ugh, get lost!" I told her and used the pillow to cover my face this time dahil hinila niya yung kumot.

"Get up! Get up! Get up!" she repeatedly shrieked like a banshee, Ugh. What a persistent little monkey.

"Ugh! Stop It! Magigising yung ibang mga bata!" I exclaimed and half-heartedly got up.

"For your information sleepyhead kanina pa sila gising! Ikaw 'tong ate dito ikaw pa yung batugan! Kumilos ka na diyan mahiya ka kanila sister!" Sermon pa niya pero hindi niya natapos ang lintanya niya dahil kumuha ako ng unan at hinampas sa kaniya and then she did the same. We ended up having a pillow fight kaya sa huli'y na-late pa din naman kami.

"Kasalanan mo 'to eh," paninisi niya saken habang nakatayo kami sa labas ng classroom while painfully balancing books on both our arms. Istrikto kasi ang mga guro sa school namin pagdating sa tardiness.

"Wow ha! Ako pa sinisi mo? Sino ba yung nang bulabog? Kasalanan mo," I said.

"Eh sino ba yung unang nanghampas? Kasalanan mo," she retorted.

"Eh sino ba yung natatalon sa kama ko? Kasalanan mo," I replied, not wanting to back down.

"Eh sino ba yung ayaw bumangon jan? Kasalanan mo," saad naman niya at sasagot pa sana ako pero biglang lumabas ang teacher.

"Kasalanan niyong pareho!" Bulyaw ni Ma'am Geraldine sa aming dalawa.

"Ang ingay niyong dalawa late na nga kayo! Mas malakas pa ang debate nyo kesa sa boses ko, Aba! Titigil kayo o dadagdagan ko yung libro?!" Napa-yuko kaming dalawa sabay sabi ng, "Sorry ma'am," nang muling pumasok si Ma'am sa room para muling magturo ay nagkatinginan kami, "Pft..." at parehong natawa na lang sa ka-abnormalan namin.

We spent the next few minutes making faces behind Miss Geraldine's back. Tss. Tig-a-apat na libro lang naman ang nakapatong sa dalawang kamay naming, samantalang five minutes late lang naman kami. After a few more agonizing minutes, the bell rang signaling the end of the period. It was like music to our ears, immediately dropping our limp limbs and slumping on the corridors not minding how dirty the floor was. At habang tila lantang gulay kami ni Gaige na nakasandal sa dingding, Ma'am Geraldine came out with a smirk.

"I expect you have learned your lessons," she said haughtily and walked away. Bumelat naman kami sa kaniya pagkatalikod niya.

"Bwisit! Madulas ka sana..." Pilya kong bulong sa sarili.

"Ma'am!"

"Ayy!"

"Hala!"

Blagag! Pero hindi ko naman inaasahang magkakatotoo nga. Medyo na-guilty naman ako pero hindi ibig sabihin non hindi ako naki-tawa ako sa mga kamag-aral ko na ngayo'y nakasilip na sa bintana ng room at pinagtatawanan si Ma'am na natalisod mga ilang hakbang mula sa amin, dali-daling tumayo kami ni Gaige at nag-tungo kay Miss.

"Taas naman kasi ng takong ni Miss," dinig kong bulongan nila, hindi ko tuloy mawari kung malakas lang ang dasal ko o baka naman 'yung sapatos talaga ang dapat sisihin. Siniko ako ni Gaige dahilan para lingunin ko siya pero maski siya ay nagpipigil ng tawa habang ngayo'y inaalalayan na si Ma'am patayo. Sa katatawa ko'y hindi ko namalayan na nag-ala hero na naman ang best friend ko, napaka-matulungin niya talaga habang buhay.

OktofinitumWhere stories live. Discover now