Chapter 11

140 15 0
                                    

Mirakov

Umugong ang bell na nangangahulugang tapos na ang klase. Agad na nag tayuan ang lahat ng mga estudyante para bumalik sa kani-kanilang dorm at mag-hapunan. Second day is not that bad for me. Walang wirdong mga kaganapan maliban sa napagalitan ako ng professor kanina, "Hey? Tara na sabay na tayo," anyaya ni Veronica sa akin, "Siya nga pala kahapon saan ka nagpunta?"

"Sa kwarto ko," sagot ko sa kanya habang kinukuha ang drawstring bag ko saka tumayo para makalabas na kami ng silid, "Ibig kong sabihin nung iniwan mo ko sa kalagitnaan ng bridge?"

"Oo nga, iniwan kita kasi hindi doon ang daan papunta sa kwarto ko," sagot ko naman.

"Paanong hindi doon? Eh sa Western Building lang naman located ang lahat ng mga dormitories," kunot-noong saad pa niya at binigyan ako ng mapaghinalang tingin.

"Eh kasi nasa East Wing ang room ko," paliwanag ko naman.

"East?!" she shrieked causing some other students to look our way pero binalewala din naman nila at nagpatuloy sa kani-kanilang daan, "Ang ingay mo!" mahina kong saway sa kaniya.

"Eh, ikaw naman kasi!" reklamo niya saktong pagka-dating namin sa intersection hall. Ito ay isang malaking espasyo na hugis octagon sa gitna ng building. Sa bawat side ng octagon ay may hallway papunta sa ibang direksyon sa walong corners ng octagon na papunta sa iba't ibang wing. Ang pinanggalingan namin ni Vero ay North East kaya kailangan na naming maghiwalay, dahil ang daan ko ay pa-kanan at siya naman ay pa-kaliwa kung nasaan ang hallway na patungo sa Western Stone Bridge. Nakakalito pa rin ang structure ng kabuuan ng school nila pero so far medyo nakakabisado ko na ang daan para hindi ko na rin kailangan ng guide tuwing papasok sa umaga.

"Pero... Di nga? Baka naman jino-joke time mo lang ako ah!" sabi pa niya sa akin with matching laki ng mata, "Ano naman mapapala ko kung bibiruin kita," sabi ko naman sa kanya.

"Sa east wing ka talaga naka-reside?" 'di maka-paniwalang tanong niya pa din. I nodded my head abruptly. Nag-ningning naman ang mga mata niya na akala mo nanalo sa lotto, "Sama mo ko sa room mo!" malakas niyang tili habang yinuyugyog ang braso ko dahilan para muli na naman kaming tapunan ng tingin ng ibang mga students na pakalat-kalat sa hall.

"Okay, only if you quiet down!" I agreed without second thoughts na ikina-lundag pa ni Vero sabay tili, "Yes!" at nauna pa sa akin lumiko papunta sa east wing stone bridge.

She was giddy and jumping all the way when suddenly the familiar painting caught my eyes, "T–teka lang," pigil ko sa kaniya at hindi ko inaasahang magpapapigil nga siya dahil bigla na lamang siyang huminto, "What? Ikaw ba yun?!" bigla niyang sabi pagka-lingon niya sa akin.

"Ang alin?" taka kong balik-tanong.

"Ikaw! Pinahinto mo ako!" akusa niya sa akin, "Huh? Sabi ko teka lang, ikaw 'yung huminto ng kusa," sabi ko naman sa kanya.

"H–hindi eh! Pinahinto mo ako!" Huh? Anong pinagsasasabi niya? "Paano ko naman gagawin yun aber?" sagot ko at napa-maang lang siya na tila ba may gustong sabihin pero hindi na tinuloy pa. Instead she exhaled overarchingly, "Eh bakit ba kasi nagpapa-wait ka?! Excited na nga akong maka-punta sa east wing, eh! First time in the history tapos may pa-teka teka ka pa dyan!" reklamo niyang parang bata. Oh, well bata naman height niya kaya okay lang.

"Because of this," turo ko doon sa painting na nakita ko kahapon, "What about it?" she nonchalantly asked.

"May alam ka ba sa painting na iyan?" tanong ko habang tinititigan muli ang larawan. I already studied it yesterday yet I can't help myself but look at it over and over again.

"Seriously? What do you think of me? A walking encyclopedia?" Well, kind of. Dahil siya lang naman ang mapagtatanungan ko tungkol sa mga bagay na curious ako sa kanilang mundo. Wala namang signal 'yung cellphone ko rito at lalong wala rin ata silang google, "Meron namang library dito kung gusto mong mag-research at ituturo rin 'yan sa history class natin!"

OktofinitumWhere stories live. Discover now