Chapter 1: Bestfriend's bonding

165 5 0
                                    

Kreziah's POV

Nandito na kami ngayon ng bestfriend ko sa new school namin, ang daming estudyante... aishh... malamang Kreziah school nga eh...

"Bestfriend, tara hanapin na natin ang room natin..." sabi nya sakin sabay hila sa kamay ko, pumunta kami don sa may bulletin board kung san nakapaskil ang mga pangalan namin at kung anong section kami

"Oy, bestfriend... section A tayo pareho, ibig sabihin... MAGKAKLASE TAYOOO..." sigaw nya tska nagtatatalon

"Hoy, bestfriend umayos ka nga para ka namang elementary pupil dyan, may patalon talon ka pang nalalaman" sita ko sa kanya

"Sorry naman bestfriend excited lang, ayaw mo nun hindi tayo magkahiwalay...?" Tanong nya na para bang excited nga talaga... tinaasan ko nalang sya ng kilay, pero bigla syang huminto sa paglalakad

"Problema mo bestfriend?! Kanina ka pa mataray ah!" Sabi nya sa seryosong boses, tska bigla syang nagpout aisshh.. ang isip bata nya ah

"Hay naku bestfriend, halika na nga lang, malate pa tayo eh" sabi ko tsaka sya hinila

Hay...For almost 1000 years thank you at natagpuan na din namin ang room namin, umupo na kami ni Sasha sa may bakanteng upuan kung san magkatabi kami syempre, grabe ang ingay naman dito... kung maka pag ingay sila, kala mo tlaga wala ng bukas eh!

"Oy, Bestfriend ang ingay dito masyado ah!" Sabi ko kay Sasha na nasa bandang kaliwa ko lang

"Malamang bestfriend, maiingay talaga ang mga yan.. kaw ba naman? Hello katatapos lang kaya ng bakasyon, malamang maraming karanasan ang mga yan.. kaya nag kukwentuhan" paliwanag nya sakin, ok bestfriend ikaw na.. as in ikaw na talaga

Ang ingay talaga nila! Makapag headset na nga lang muna.. kinuha ko ang headset ko sa bag ko tsaka nilagay ko sa tenga at nakinig nalang ng music, total wala pa naman ang teacher... matutulog muna ko, masyadong kulang ang tulog ko kagabi... panigurado naman gigisingin din ako maya maya ni Sasha.

_______

"Miss, miss gising, miss" sabi ng taong nanggigising sakin, ano ba natutulog ang tao eh...

"Ano ba!" Sigaw ko don sa tao..

"Hey, why are you shouting? Is there any problem?" Sabi naman ng babaeng nasa unahan..

Di ko sya kilala, kaya wag syang makikialam!... Tinignan ko ng masama ang lalaking nanggising sakin, tsaka ang daming tao ang nakatingin sakin ngayon, ah bahala sila noh! pero late ko nang na realize na teacher na pala yung nasa harapan namin kanina.. napanganga nalang ako gulat

"Ahmm.. nothing ma'am.." sagot nong lalaking nanggising sakin

Hanggang ngayon gulat parin ako.. tinignan ko yung lalaki na nasa right side ko.. oo katabi ko, tsaka ako nag peace sign sa kanya.. pero ang lolo nyo talong talo pa ko kung mag taray..

Di nya ba gets na yung peace sign ko na yun ay paraan ko ng pag sosorry?? Aissttt.. bahala sya noh!

"Ok.." sabi nalang nong teacher namin

"So, we have a 2 new transferee.. and that is Kreziah Cruz.." nong pagtawag nya ng pangalan ko ay tumayo ako tsaka nag bow bow

"..and Sasha Gil.." tumayo din si Sasha

"You all should treat your new classmate well, is that clear?" Tanong ng teacher sa mga classmate namin

"Yes ma'am!" Sabay sabay nilang sagot

"Good! By the way.. for those students who doesn't know me yet.. I am Ms. Elisa Ferrer, or you can call me using my last name, do you understand?" Tanong nya ulit

Love You, Never Give Up (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon