Chapter 12: Friend of yours

73 4 2
                                    

Kreziah's POV

Ang himbing ng pagkakatulog ko nang may biglang nambulabog!

"Naku po, anong ginagawa nyo ditong mga bata kayo!" Sabi nong.. teka sino ba yun?... dinilat ko ang mga mata ko, si... manong guard? Nadatnan nya kaming magkayakap ni Renzo!

"Wag nyo sabihing, naku, ang babata nyo pa!" Sigaw nya

"Tss.. ang aga aga, ang ingay mo! Eh kung hindi mo lang naman kasi kami kinulong dito kagabi!" Sigaw din ni Renzo

Tumayo na kaming dalawa, tsaka nagpagpag..

"Tara na Kreziah, uwi na muna tayo" sabi nya sakin

"Tsk.. pasyensya na, di ko alam may tao pa pala dito kagabi, mabuti pa umuwi na kayo at mag-bihis kasi may klase pa kayo" sabi ni Manong tsaka umalis

"Kainis, tara na uwi na tayo" sabi nya sabay hila sa kamay ko palabas

Sumakay kami sa kotse nya, nang wala man lang umiimik, aiisshh.. ang aga aga ang init ng ulo nya ah! Pagkarating namin sa bahay ay doon lang gumana ang bunganga nya

"Pumasok ka ah, hintayin kita sa school" napatingin ako sa kanya na may question mark sa mukha, tiningnan nya lang din ako ng wala man lang emosyon, lakas ng trip nya ah.. tumango nalang ako, tsaka na lumabas, pagkalabas na pagkalabas ko, ay pinaharurot nya na agad ang sasakyan, bastos! Pero wala na rin akong nagawa kaya Pumasok na ko sa loob ng bahay, nadatnan ko si Sasha sa kusina, teka anong oras na ba?

Tinignan ko ang orasan ko, alas 6:25 na pala..

"Sasha, luto na---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil, bigla bigla nya nalang akong sinalubong ng yakap at tska nag emote emote, problema nito?

"Oy, Sasha ok kalang ba?" Tanong ko sa kanya

"San kaba nagpunta ah?! Alam mo bang nag alala ako sayo ng sobra ah?!" Sigaw nya sakin sabay hampas sa braso ko

Aray naman, wala namang awa ang isang toh!

"Ang sakit ah!" Reklamo ko

"Bagay lang sayo yan! Kung san san ka nagpupupunta!" Sigaw nya ulit

"Eh, nakulong ako eh, buong magdamag, nakakatakot nga eh, kasi walang ilaw sa loob!" Sabi ko

"Ano bang ginawa mo bakit ka nakulong?" Tanong nya sakin

"Di ko alam, bigla nalang ding ayaw bumukas yung pinto, tas nong nabuksan na ni Renzo, tsaka naman ni lock ni Manong guard! Diba walang hustisya?" Sabi ko pa

"Teka, Ibig sabihin... magkasama kayo ni Renzo?!" Sigaw nya, tumango naman ako

"Kyaaaahhhh..." tili nya, ayy... grabe! sobra sobra ang boses ng babaeng to eh!

"Eeehh.. kaso nga lang bestfriend, ba't hindi man lang sya nagtext o tumawag man lang sakin? Sana diba hindi na ko nag alala ng sobra?" Inis nyang sabi

"Eh, yun nga eh! Di ko rin alam, kasi... nakatulog ako, bale nang- yari na naman sakin yung parehas nang nangyari dati!'' Paliwanag ko

''Anong nangyaring kagaya dati? Yun bang nahimatay ka?'' Tanong nya, teka, asan ba to nong bagyo? tsk...tsk...

''Ano pa nga ba?!" Balik tanong ko

"Eh, anong ginawa nya sayo?" Tanong nya pa, daming tanong ng babaeng to eh noh? Sabunutan ko na kaya toh, ng sa ganon ay manahimik na?!

"Malamang hindi ko alam, nakatulog kaya ko ng mga oras na yun!" Sagot ko, tapos umalis sa harapan nya at umupo sa upuan sa may dining table

"Ahh, oo nga pala noh? Hehe.. but bestfriend, i'm so proud of you! Kasi nalampasan mo na naman ang panibagong experience sa buhay mo" sabi nya sabay palakpak.. kung hindi ko siguro to kilala? Malamang mapagkakamalan ko na tong may saltik

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now