Chapter 22: New Pet

53 2 0
                                    

Kreziah's POV

"Ang aga-aga mo naman Renzo?" Irita kong sabi nang papasukin si Renzo dito sa bahay

"Eh diba may usapan tayo?"

"Eh masyado pa namang maaga!" Pagmamaktol ko

"Teka hindi ka pa nakapag-ayos?" Gulat nyang tanong

"Hindi pa!" Sagot ko "kainis! Ang aga-aga pa eh!" bulong ko

"Ano yun?" Tanong nya

"Wala! Sabi ko maliligo at mag-bibihis na ako!" Sabi ko at tumakbo paakyat ng kwarto

Ang aga-aga pa talaga! Kakagising ko pa nga lang eh! Bakit ba nagmamadali ang isang 'yun? Eh lalabas lang naman kami! Tsaka pwede namang mamayang hapon ba't ngayon pa?

6:30 palang kaya ng umaga! San naman kami pupunta ng ganitong oras? Aissshh!!! Letse sya! Nakakainis pa kasi hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa walang kwentang pumapasok sa isipan ko, bakit ba ganito? Ba't ba pumasok pa 'yung muntik na naming halikan ni Renzo kahapon? Tsaka ang abnormal ng heartbeat ko tuwing maiisip ko 'yun, what's the meaning of this? Bakit ganon ang epekto non sa'kin? Lakas ng topak ah!

Pumasok ako sa banyo ko at naligo, hindi ko binilisan dahil gusto kong paghintayin si Renzo, tsaka ang aga-aga pa naman... Kaya 'wag syang mag-madali! Nagbihis agad ako sa banyo pagkatapos kong maligo. Paglabas ko, nagulat ako dahil nasa kama ko si Renzo at iniikot ang mga mata sa kabuuan ng kwarto ko.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Gulat kong sigaw sa kanya

"Fangirl ka pala?" Tanong nya at binalewala ang tanong ko

"Tinatanong kita kung anong ginagawa mo dito!" Sigaw ko "Paano ka nakapasok?"

Tinuro nya ang pintuan.

"Bukas... Tsaka antagal mo" sabi nya

"Bts girl ka pala?" Tanong nya pa

"Anong pake mo?" Pagtataray ko

"Wala naman... Bakit ba obsessed na obsessed kayo sa bts na 'yan? Ano bang meron sa mga 'yan?"

"Gwapo, talented, matalino, mabait, mahal kaming mga army's nila, sarap pakinggan ng mga music nila, almost perfect... 'yun, 'yun ang dahilan namin" straight to the point at proud kong sagot.

"Gwapo na ang mga 'yan?" Tanong nya sabay turo sa isa sa mga poster ko na nakapaskil sa ding-ding "Eh mas gwapo pa nga ako dyan?" Sabi nya at tumingin sa'kin ng nakangisi

"Kapal ah? San banda? Ba't wala? Hindi ko naman makita?" Nakataas ang kilay kong sabi

"Labo na mata mo Kreziah? Tara sa EO" natatawa nyang sinabi

"Hahaha... Funny" pang-aasar ko

"True! Ang galing kong mag-joke diba? Ako pa" sabi nya at tumawa ng ubod ng lakas

"Baliw! Ewan ko sayo!" Sabi ko at lumapit sa may blower ko, binlower ko ang buhok ko hanggang sa tumuyo.

"Lumabas ka na nga don!" Pagtataboy ko sa kanya

"Bakit? Tapos kana bang mag-ayos? Kung oo, tara at sabay na tayong bumaba"

"Mauna kana"

"Sabay na kasi tayo..."

"Mauna kana sabi eh!"

"Ayaw! Gusto kong sabay na tayo" pagpupumilit nya

"Oh eh di tara na!" Sabi ko at hinila ko na sya palabas ng kwarto

Pumunta kaming kusina para mag-agahan, nadatnan ko si Sasha na nag-hahanda.

"Wuuyyy... Ang aga-aga ang sweet ah... May pa-holding hands pang nalalaman" pambungad sa'min ni Sasha

Love You, Never Give Up (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon