Chapter 17: Street foods

40 1 0
                                    

Kreziah's POV

Matapos naming kumain sa canteen ay bumalik na kami sa room namin para sa natitira pang klase, at ng awasan na ay agad na akong niyaya ni Renzo

"Let's go na Kreziah" sabi nya sabay hawak sa wrist ko

"Uy, uy! Hindi man lang ba kayo magpapaalam samin? Nandito pa kami oh" singit ni Sasha

"Ah, oo... una na kami ni Kreziah, Sasha at Clea ah... ihahatid ko nalang sya dyan sa inyo Sasha pag natapos na kami" sabi ni Renzo

"Ok... just take care of my Bestfriend babay" sabi naman ni Sasha sabay kaway at naglakad na sila ni Clea palayo samin

Kahit kelan may saltik talaga! Tsk... tsk... tsk...

Bigla na naman na kong hinila ni Renzo palabas ng school at pinasakay sa kotse nya. Bigtime! May kotse din pala ang isang toh? Nga pala ang kotse namin ni Sasha dinala nya na pauwi

"San tayo pupunta Renzo?" Tanong ko sa kanya pagkasakay ko sa front seat

"Basta, just relax there" sagot nya

Ano namang nakuha ko sa sagot nyang yun?

Tumahimik nalang ako, dahil hindi nya naman ako sasagutin kung paulit ulit ko lang syang tatanungin.

Nakarating kami sa isang lugar kung san sandamakmak ang panindang street foods, wag nyang sabihing kakain kami nito? Oh my gush! NO WAY! Lumapit si Renzo sa isang babaeng nagtitinda don, nginitian nya ito, mukhang close sila ah

"Hi Anda..." bati nya sa babae, mmm... mukhang kaedad ko lang din ang babae

"Anong sayo? Fish ball? Kikiam? Kwek-kwek? Ano? Pili ka lang" tanong nong babae kay Renzo

"Kahit ano masarap naman lahat to eh... by the way eto nga pala si Kreziah, Anda and... Kreziah this is Anda, anak ng may-ari nito" pagpapakilala nya samin ni Anda

"Hello, nice to meet you" magiliw kong tugon kay Anda, nginitian nya lang ako at hindi man lang ni-'nice to meet you too' aishhh... hindi ako sanay ng ganan!

"Renzo... girlfriend mo? Pano si Klynie? Wala na ba kayo? Kelan pa naging kayo ng babaeng to? Sigurado kab--" pinutol ni Renzo ang walang katapusang tanong nitong si Anda... psh! I hate her attitude! Wala man lang R-E-S-P-E-C-T sakin! Pano kung ako nga ang girlfriend ni Renzo? Syempre ma-ooffend ako... di sa asyumera ah... kunwari lang yun

"Wala na kami ni Klynie" dere-deretsong sabi ni Renzo matapos nyang putulin ang katanungan nitong si Street food girl

"Bakit naman? Anong nangyari sa inyo?" Tanong na naman ni Anda

Shete! Na- oOP na ko sa dalawang to ah! Baka nakakalimutan nilang nandito din ako nakatayo!

"It's a long story Anda" sagot ni Renzo

"Then, I am still willing to listen" sabi naman ni Anda, maistorbo nga ang dalawang to, mukhang nakakalimutan na talaga nila ko eh!

"Ahmm... Renzo I think... i-i should go home nalang" sabi ko

"Huh? But we're not done yet" sabi naman nya, ayyy... ayun naman pala eh!

Eh ba't parang kinalimutan nyo na ko? :-\

"Ahhh,... ganon ba?" Yumuko nalang ako

"Kung ganon, kailan pa naging kayo nito, Renzo?!" Singit ni Anda, mataray ang dating nya

"Hindi kami, Anda..." sagot ni Renzo

"But... I want u-us to be..." dugtong nya, at dahil don tiningala ko sya, at tinignan ng nagugulat na tingin 'ano daw????????'

Love You, Never Give Up (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon