Chapter 15: Sasha Vs. Kreziah

61 2 1
                                    

Renzo's POV

Pinapunta ako ni Klynie sa bahay nila dahil may sasabihin daw syang importante sa akin syempre dahil sa sabik akong makita sya ay dali dali akong pumunta sa kanila, sumakay na ako sa kotse ko at maya maya lang ay narating ko na ang subdivision nila agad akong bumaba sa kotse at nag doorbell para papasukin na nya ko. Agad naman akong pinagbuksan nang katulong ata nila at pinapasok, sinabihan nya kong nasa guest room daw si Klynie at hinihintay ako, pero dahil di ko alam kung nasan ang guest room sa bahay nila ay hinatid nalang ako ng katulong don at iniwan, nakita ko si Klynie na nakatalikod sakin at nakaharap sa may bintana

"Klynie.." pagtawag pansin ko dito, nilingon nya din naman ako

"How are you Renzo?" Tanong nya sakin

"I'm fine.. how about you?... I miss you" dere- deretso kong sinabi, di ko alam kung bakit ko nasabi ang huli, pero yun kasi ang tunay na nararamdaman ko eh

"Same as you, but sorry to say... I didn't miss you" biglang nakaramdam ako ng pagkalungkot, ano pa nga bang aasahan ko diba? Malabo kayo Renzo, malabo!

"Ahhh.. I see, we didn't feel the same I guess" mahihimigan talaga ang lungkot sa sinabi ko, at naramdaman ko yun

"Well, I just call you because.. just like what I've said I have something important that I need to tell you" pag- iiba nya sa usapan

"Yeah, what is it?" Tanong ko

"But first I want to ask... ano na ang nangyayari sa plano?"

"Ayun.. inuunti- unti ko gaya nga ng sabi mo.. I need to make her fall in love with me, kaya inilalapit ko ang sarili ko sa kanya"

"Good, ngayon kailangan mong magawa yan sa loob ng dalawang buwan" napamaang ako.. at may contract pa talaga? Dalawang bwan?!

"Nagbibiro ka lang naman siguro diba?"

"Mukha ba?"

Tsk... seryoso sya Renzo ano ka ba!

"So yun lang naman ang sasabihin ko, pwede ka nang umalis" sabi nya tsaka sya tumalikod at bumalik sa pwesto nya kanina, at pinagtatabuyan nya na ko ngayon? Ang galing ah!

"Klynie.." wala sa sarili kong tawag uli sa kanya

"Umalis kana, nasabi ko na ang dapat kong sabihin" sinabi nya yun ng hindi man lang lumilingon sa akin

"Tayo parin naman diba?" Nilingon nya ko at sinamaan ng tingin

"Just go home" sabi nya sabay talikod at naglakad papalayo

Wala akong nagawa kundi ang umalis nalang... sasakay na sana ako sa kotse ko ng makita ko si Kreziah na nakatingin sakin!

Anong ginagawa ng Isang to dito?

Kinawayan ko sya at nilapitan

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong ko sa kanya ng tuluyan na kong nakalapit

"Hmm.. binisita ko lang yung mga bulaklak ni mommy" sagot nya, totoo ngang may mga bulaklak sa gilid nang bahay nila

"Ahh.. ganon ba"

"Ikaw... anong ginagawa mo dito?" Tanong nya naman

Anong isasagot ko?

"Ahhh... b-binisita ko lang si K-klynie" pautol utol kong paliwanag, nilingon nya pa muna ang bahay nila Klynie tsaka tumango tango

"Ahhh... so hindi parin kayo nagkakaayos?" Tanong nya

"Hindi parin eh.." naglulungkot lungkotang sagot ko

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now