Chapter 14: Something...

51 3 0
                                    

Sasha's POV

After mag dismiss ni ma'am ay agad na kaming nag lakad palabas ng campus ni Clea. Iisang way lang naman pala daan namin pareho pero sa bandang unahan na ay liliko ako at sya ay dederetso

"Bakit nga pala... gustong gusto mong magkasama tayong umuwi Sasha?" Tanong sakin ni Clea habang naglalakad kami

"Teka, ayaw mo ba?" Balik tanong ko

"Hindi naman... nagtatanong lang naman ako" sabi nya

"Ahh, eh kasi nga diba? May pag uusapan tayo"

"Pag uusapan? Ano naman?" Naguguluhan nyang tanong, teka! Nakalimutan nya na? Anak ng putik sa kanal oo!

"Hahahahahahahahahaha..." parang nababaliw kong tawa

"Anong nakakatawa?" Tanong nya.. kaya naman sinamaan ko sya ng tingin, sampal gusto nito?!

"Ahehehe... hahahahahahahaha..." tawa nya.. pero halata namang peke!

"Ano kasi.. yung about kina Renzo at Kreziah.. gusto kong maging sila!" Dere- deretso kong sinabi

"Eh? Ang bata pa naman nila masyado.. hindi kaba natatakot para sa kaibigan? Mo? I mean.. may girlfriend na kasi si Renzo eh.." sabi nya

"Ano ngayon kung may girlfriend na sya? At ano ngayon kung bata pa sila? Age doesn't matter!" Sigaw ko

"Huh?" Ayy, mukhang mali.. ano nga ba yun? Ahh.. basta yun na yun!

"Basta intindihin mo nalang!" Sabi ko sa kanya

"So what's you're plan?" Tanong nya

"Tutulungan mo ko?"

"Oo naman, pero kung ayaw mo.. ok lang naman"

"Ano ka ba! Kelangan ko din tulong mo noh!"

"Kaya nga! What's your plan?"

"Give me your number, and I'll going to call you later.. pag nakarating na ko sa bahay"

"Huh? Bakit naman mamaya pa kung pwede na naman ngayon?"

"Eh sa trip ko, wag mo nalang basagin!" Pambabara ko, di ko alam kung bakit ganito ang pinapakita kong ugali sa kanya

"Sige eto.." sabi nya sabay abot ng isang papel

"Ghe.. dito na ko, ingat pauwi" sabi ko sa kanya.. nakarating na kasi ako sa likuan ko

"Sige.. kitakits nalang tayo bukas"

"Ok.. bye" paalam ko tsaka tuluyan ng umalis

Mabilis naman agad akong nakarating sa bahay, at nadatnan ko si Kreziah na nakaupo sa sofa sa sala at nanonood ng tv, mukhang di ako napansin na dumating na, dahil masyadong tutok sya sa palabas.. kung di ako nagkakamali, kdrama yun.. kaya naman umakyat nalang ako sa kwarto, nagbihis tsaka, tinype ang number ni Clea sa phone ko at agad na tinawagan sya, pero bago yun.. sinara ko muna ang pintuan ko at nilock ng maayos para di marinig ni Kreziah ang pag-uusapan namin. Agad naman nyang sinagot ang tawag ko
[Hello..] sabi nya mula sa kabilang linya

"Clea, si Sasha to"

[Oh, Sasha ang bilis mo namang tumawag.. kararating ko lang eh..]

"Wag kang ano! Parehas lang naman tayong bagong dating lang din!"

[Ahaha.. ganon na nga, so ano nang plano?]

"Ganito yun.." at sinabi ko sa kanya ang nabuo ko nang plano

Sabi ko.. dapat naming paglapitin ng paglapitin si Kreziah at Renzo, bahala na ang Girlfriend ni Renzo, wala kaming pakealam sa kanya! Kaya sabi ko gagawa kami ng maraming paraan para lagi silang magkasama.. tama naman yung plano ko diba? Omoooo... I'm so proud of myself! Wahahahahahaha... :-P

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now