Chapter 8: Date?

57 3 0
                                    

Kreziah's POV

Oh? Wala na sila ni Klynie? Di nga, pero ano bang pakealam ko? Pumunta lang naman talaga ako sa library para mag research eh..yun lang! bakit pa ba kasi ako lumapit sa isang yun! Pero bakit ba ako yung niyaya nya samahan sya mamaya sa lunch? May mga kaibigan naman sya diba? Haiisstt..

"Kreziah tara" yaya ni Sasha na kadarating lang

"Huh? Saan?" Tanong ko

"Basta tara.." pilit nya, tsaka hinila na ko sa kung saan

Dinala nya ko sa.. CANTEEN?!

"Teka, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya

"Tsk.. ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng mga taong pumupunta dito?" Tanong nya din

"Kumakain?" Patanong kong sagot

"Syempre ano pa ba? Kaya yun ang gagawin natin.. lunch na kaya" sabi nya, ano? Teka.. hindi pwede! Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya, nagulat naman sya

"Oh bakit?, hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong nya, hala ano kayang isasagot ko?!

"Ahh.. h-hindi p-pa.." pautol kong palusot

"Ah, ganun? Tara samahan mo nalang ako, bahala ka pag nagutom ka mamaya, punta ka nalang don sa may bakanteng table ko, order lang ako ng kakainin ko" sabi nya tska umalis para nga mag order

Ako naman pumunta na don sa table na tinuro sakin ni Sasha, pano kaya kung sabihin ko nalang kay Sasha na niyaya ako ni Renzo mag lunch? Kaso nga lang baka malisyahan nya na naman! Kaso pano ako makakatakas dito? Aiisstt.. naman! Teka! Eh sigurado na ba kong sasama kay Renzo sa lunch? Bakit? Eh wala namang problema eh...

"..KREZIAH!" Sigaw ni Sasha, nabalik naman ako sa real world, lutang pala ang isip ko

"Ano?" Tanong ko

"Kanina pa kaya kita tinatanong! Gusto mo ulitin ko pa?!" Irita nyang sabi

"Ano ba yung tanong mo?"

"Kainis ka kahit kelan eh! Sabi ko, sigurado ka bang ayaw mong kumain?" Tanong nya nga

Ano ba? Ano kayang sasabihin ko

"Sa totoo nyan, gutom na talaga ko eh" sambit ko

"Lapastangan!" Sigaw niya, bunganga nito!

"Wag mo sasabihing nag da-diet ka!" Dagdag nya pa

"Hinaan mo nga boses mo! Ang ingay mo masyado eh!" Sabi ko naman

"Umorder kana don bilis!" Utos nya

"Eeehhh.. hindi ako dito kakain" sabi ko

"Ano? Eh san ka naman kakain?" Tanong nya

"Ewan, niyaya kasi ako ni Renzo mag lunch eh.."

"Oh my gush! Seriously?!" Sigaw nya na naman, tinakpan ko nga ang bunganga nya

"Manahimik ka nga!"

"Ehem ehem.. sorry, pero sige go na! Pinapayagan kita.. ayyyiieee.." sabi nya sabay tili

"Di naman ako nag papaalam sayo eh! Dyan ka na nga!" Sabi ko tsaka naglakad na palabas ng canteen

"Enjoy your date Bestfriend" pahabol nya pa... hala sya! Loko yun kahit kelan!

Pumunta na ako sa may gate ng school namin, di ko kasi alam kung san kami kakain eh, nakita kong dumaan si Klynie at may kasama syang tatlong babae gusto ko sana syang kausapin kaso hindi naman kami ganon ka close para magka usap, tsaka ano ba kasi ang pakialam ko kung wala na sila ni Renzo diba?.. hindi kasi eh, siguradong nasaktan ng sobra si Renzo! Diba mahal na mahal non si Klynie? Pero bakit naman sya pumayag na maghiwalay sila ni Klynie? Arrrgghhh.. ang gulo nila ah!
Maya maya lang ay dumating na so Renzo

"Oh Kreziah? Sasama ka ba?" Tanong nya sakin

"Ahmm.. oo, bakit? Hindi na ba tuloy?" Tanong ko din

"Hehe.. salamat ah, tuloy naman.. ano tara?" Yaya nya

"Sige.."

Pumunta kami sa may isang karinderya

"Dito tayo kakain?" Tanong ko na naman kay Renzo

"Yup, bakit ayaw mo ba?" Sagot at tanong nya din

"Ok lang naman" hindi lang kasi ako sanay kumain sa mga karinderya eh, kadalasan kasi sa mga mamahaling resto kami kumakain

"Tara Kreziah, upo kana dito, eto ang menu, pili kana" utos nya sakin, what the! Ano ba naman toh! Puro karne naman ang mga pagkain dito.. as in puro talaga.. adobong baboy? Sinigang na baboy? Kaldireta? Bachoy? At kung ano ano pa?! Ano nalang makakain ko nito, hindi kasi ako mahilig sa karne eh..

"May napili kana ba?" Tanong sakin ni Renzo

"Ahh.. ano ba sa tingin mo ang masarap dito?" Tanong ko din

"Halos lahat naman, pero mas gusto ko yung adobong baboy, paborito ko kasi yun" sabi nya

"Ahh.. hehe.." sambit ko nalang, my gush.. di ko talaga kaya!

"Bakit may Problema ba?" Alala nyang tanong sakin, aisshh assuming! Di naman siguro yun alala!

"Ano kasi... bachoy nalang yung sakin!" Nasigaw ko yun ah! Oh my..

"Sure ka? Makakakain ka ba ng maayos nyan?" Tanong nya

"Oo naman" sagot ko, buti na yung bachoy, at least lutang sa sabaw ang baboy, eh teka lumulutang ba yun? I don't think so, maya maya ay dumating na ang order namin, sana pala di nalang ako sumama!

Nong makita ko ang bachoy.. aaww kawawa naman si piggy dito... matagal kong tinitigan ang bachoy, pag iisipan ko muna ng malalim kung kakainin ko ba sila o hindi, ayoko talaga kasi eh

"Hindi mauubos ang pagkaing yan kung tititigan mo  lang" singit ni Renzo, napansin nya siguro

"Kanina ka pa ah.. ano ba kasi talaga ang problema mo?" Natanong nya

"Ano kasi.. h-hindi a-ako kumakain ng b-baboy" pautol kong sambit.. hay salamat nasabi ko din sa wakas

"Ganon? So ano ang gusto mong kainin?" Tanong nya

"Tsaka nga pala, di ako s-sanay kumain sa k-karinderya.." sabi ko, please sana naman pumayag ka...

"Ganon ba? Sorry, di ko naman alam.." pag apologize nya, nginitian ko nalang sya

"So saan mo gusto kumain? Mcdo tayo gusto mo?" Offer nya

"Sure.." pagpayag ko, pumunta naman agad kami sa mcdo, mas ok pa dito kesa sa karinderya, di ako makakakain ng maayos don eh.

After naming kumain ay bumalik na uli kami sa school, nadatnan ko si Sasha sa madalas naming tambayan sa ilalim ng puno

"Sasha.." tawag ko sa kanya

"Bestfrieeeeeenndd... kyaaaahhh.." tili nya, ano ba naman!

"Bestfriend.. umayos ka nga!" Sita ko sa kanya

"Oh sorry, super excited lang kasi ako sa ikukwento mo eh, ano kamusta ang date nyo?" Tanong nya sakin

"Anong date pinagsasasabi mo?!" Sigaw kong tanong

"Eh ano tawag mo don ha? Hindi pa ba date yun?!" Seryoso nyang sabi sabay irap

"Baliw ka ba? Lunch lang yun, lunch!" Sigaw ko pa

"Eh ba't ang lakas lakas ng boses mo ha?!" Sigaw nya din

"Hindi nga kasi date yun.. niyaya nya lang naman ako mag lunch ah? Yun lang yun" sabi ko, this time mahinahon na ko

"Ah.. basta! Para sakin nag date kayo.. kyaaahhh.." tili nya na naman, lakas ng saltik nitong babaeng to eh!

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now