Chapter 9: Her reason

54 2 0
                                    

Klynie's POV

I saw Renzo and Kreziah na papalabas ng gate, one of the moves nya na siguro yun, buti naman kung ganon ang buong akala ko kasi magkakaroon pa ko ng problema sa kanya

"Klynie.." may tumawag sakin mula sa likuran ko, pag harap ko, oh sila pala!

"Hey!" Bati ko sa kanila

"So ano na?" Bungad nyang tanong

"They are now dating.. I don't know" walang kwenta kong sagot

"Good, why, where are they?" Tanong nya pa

"Lumabas sila, I don't know kung saan.." sagot ko din

"Nice job!" Sabi nya

"Come on Klynie, sabay ka na rin saming mag lunch" yaya nya sakin kaya sumunod naman ako, pumunta kami sa canteen

"Ica... look!" Sabi ni Liamine at tumuro sa kung saan, tumingin naman kami sa tinuro nya

"She's lonely, how sad" dagdag naman ni Kassandra

"Follow me girls" utos naman samin ni Ica

Nilapitan namin ang babaeng laging kasama ni Kreziah I don't know kung sino sya, wala naman akong pakialam eh!

"Why are you alone?" Tanong ni Ica pagkalapit namin sa babae

"Iniwan ka ng bestfriend mo Sasha?, gusto mo sumama samin?" Tanong naman ni Kassandra, so, Sasha ang name nya? Ok, now I know!

"Bakit naman ako sasama sa inyo, maya maya nandyan na ang Bestfriend ko may kasama na ulit ako kaya ok lang ako" sagot ni Sasha tsaka ngumiti

"K, sabi mo eh" sabi naman ni Ica tsaka kami bumalik sa table namin

"Unti unti nating ibabagsak si Kreziah, nang sa ganon maranasan nya din kung anong ginawa nya satin..." matigas na sabi ni Ica

"Are we really sure for this?" Singit kong tanong

"What do you mean?!" Tanong ni Ica sakin.

"I mean, wala naman kaming gaanong problema ni Renzo eh, pag kinausap ko sya ok na ulit kami, kelangan ko pa ba tal--.." naputol ko ang sasabihin ko dahil pinutol nya

"So ganon nalang yun? Nilalandi nya ang boyfriend mo tapos wala ka man lang gagawin para maghiganti sa babaeng yun?! Are you insane?! Are you still thinking?!" Sigaw nya sakin, napatingin ang mga tao sa dako namin dahil sa sigaw nya, tinitigan naman ni Liamine ng masama ang mga nakatingin samin, dahilan para bumalik sila sa mga pinag gagagawa nila

"Not that, ayoko lang kasi nang--.."

"Ganon parin naman ang punto mo eh, don ka pa din naman papunta!" Inis nyang sabi

"Ang mabuti pa, kumain nalang tayo" singit ni Kassandra

Kumain na nga kami, hindi nalang ako umimik dahil panigurado kokontrahin lang ako ni Ica, matindi kasi ang galit nya kay Kreziah, kaya ganon nalang ang paghihiganti nya, ako din naman eh galit din kay Kreziah pero hindi naman ganon katindi, naiinis lang talaga ko sa kanya, siguro nag umpisa ito nong gabing pumunta si Renzo sa bahay para kausapin ako, lalabas na sana ako kaso may nakita akong kasama syang babae sa labas ng bahay namin, at ang babaeng yun ay si Kreziah, kaya medyo nakaramdam ako nang selos non dahilan para hindi ko sya labasin hanggang ngayon din naman eh, naiinis parin ako sa kanya.

Ica's POV

After we lunch, ay niyaya ko na ang tatlo na mag rest room muna para mag paganda na naman, napadaan kami sa puno sa may field kung nasan nandon si Sasha, sa ikalawang pagkakataon ay nilapitan ko na naman sya, I have a plan for her, unti unti ko syang kakaibiganin ng sa ganon maagaw ko sya kay Kreziah, dahil uubusin ko lahat ng meron si Kreziah

"Sasha, do you want to come with us?" Tanong ko kay Sasha ng makalapit na

"Huh? Saan naman?" Tanong nya din

"Hmm.. somewhere.." sagot ko

"Ahmm.. no thanks, hinihintay ko pa ang Bestfriend ko eh, and besides.. hindi ko pa naman kayo kilala.." sabi nya

"Ohh.. don't you know? We're classmates, haha.. by the way, I'm Ica" pagpapakilala ko sa kanya

"Nice to meet you Ica, hindi ko lang kasi alam na mag classmates pala tayo" sabi nya sabay ngiti

"I'm Kassandra" singit ni Kassandra

"Liamine.." sabi ni Liamine

"I'm Klynie" sabi din ni Klynie

"So pano ba yan? Ayaw mo namang sumama samin, di kana namin pipilitin, see ya around.. bye" sabi ko tsaka na kami umalis

Pagdating namin sa rest room ay agad akong napabuntong hininga, tinanggihan nya talaga ko?! That bastard!

"Hey, Ica, is there any problem with you?" Tanong sakin ni Kassandra

"That Sasha.. I want her" sambit ko

"What?!" Sigaw nya

"Careful girl, ang ingay mo!" Bara ko sa kanya

"I mean, gusto ko syang mawala sa puder ni Kreziah, so that Kreziah will be able to be alone.. para maging kaawa awa sya diba?" Sabi ko

"I don't want her!" Sabi ni Liamine

"Me too, ayoko din sa kanya!" Sabi pa ni Kassandra

"Wala kayong magagawa girls!" Sabi ko naman

Agad na kong naglagay ng foundation sa mukha ko at tsaka lipstick, maya maya ay may bumukas ng pinto, bumungad samin ang mukha ni.. KREZIAH!, dali dali syang pumasok sa isa sa mga cubicle, naka isip naman agad ako ng plano, sinenyasan ko ang tatlo na lumabas na, agad naman silang sumunod, pagkalabas namin ay dali dali kong ni-lock ang pinto, buti may kandado akong dala.

"Nice job girl!" Sabi ni Klynie sabay palakpak, nagulat naman ako sa ginawa nya, first time kasi

"Of course" sabi ko naman...

You will see Kreziah, di mo magugustuhan na lumipat ka dito sa school na to!

"Let's go.." yaya ko na sa tatlo

Pumunta kami sa rooftop ng junior high, wala pa naman ang time para sa next subject kaya ayos lang na dito muna kami.

Naalala ko na naman ang mga nangyari dati, twing nakikita ko nalang si Kreziah naaalala ko to eh! Nakakainis talaga sya kahit kelan! Kahit pa nong mga bata pa kami, masyado syang paepal sa lahat nalang ng bagay! Di ko nga alam kung Bakit hindi nya ko kilala ngayon eh, nakakapagtaka lang. Nong mga bata pa kasi kami kilala namin ang isa't isa. best friends ang turingan namin sa isa't isa non, nong nasa Korea pa kami, kasama namin lagi don si Winter yung kababata namin, hanggang sa isang araw bigla nalang na hate sakin si Winter sa hindi ko malamang dahilan, sila nalang lagi ni Kreziah ang magkasama, tapos ayaw nya na kong pasalihin sa mga laro nila, kaya paniguradong kasalanan lahat ng yun ni Kreziah, don nag umpisa ang galit ko sa kanya, crush ko pa din naman non si Winter, pero inagaw nya sya sakin, kaya ngayon ako gaganti! I will make her life miserable!

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now