Chapter 21: Japanese food

39 1 0
                                    

Kreziah's POV

Ang sakit ng dibdib ko dahil sa panggugulat na ginawa ni Sasha, ikaw ba naman magulat ng ganon katindi, di kaya hahataw ng todo ang dibdib mo?

>_<

"Ano ba naman kasi Sasha eh!" Reklamo ko sa kanya at tumayo, nagulat na naman ako ng nasa likuran ko na si Renzo at inaalalayan na kong tumayo. Ang bilis naman nito? Nandon pa sya sa kabilang side ng lamesa kanina ah?

"Salamat Renzo" sabi ko "Ay teka... Andaya mo parin!" Sigaw ko sa kanya at tinapik ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

Tumawa sya

>_<

"Talo ka parin naman, kaya wala din... Tsaka bukas ah? Sumipot ka!" Sabi nya at lumayo sa 'kin lumapit sya kay Ron

"Kreziah, anong ginawa mo sa kusina?" Singit ni Sasha na kanina pa nakatingin sa 'min

Flashback

Pagkatapos patayin ni Sasha ang call at hindi ko man lang nalaman ang nangyari sa kanila ni Ron ay binalewala ko nalang, dahil panigurado naman ako na kung may nangyari ngang masama sa kanila ay hindi nya papatayin ng ganon ganon nalang ang tawag. Lumabas ako ng kwarto ko para paulanan ng sandamakmak na palo si Renzo sa kanyang braso

"Anong sinabi mo huh? Anong sinabi mo?!" Tanong ko sa kanya habang paulit ulit syang hinahampas, sya naman tawa lang ng tawa

"Sabi ko, 'babe please tul--" hindi nya matuloy ang sinabi nya dahil mas nilakasan ko pa ang hampas sa kanya, at sya patuloy nyang sinasangga ang kamay nya sa mukha nya para di ko matamaan ito, atras din sya ng atras at sugod naman ako ng sugod. Hanggang sa matalisod sya sa maliit naming lamesa sa second floor na may flower vase, na-out of balance kami pareho, kaya pareho kaming natumba.

;-)

:O

Nakapatong ako ngayon sa kanya at gulat na gulat samantalang sya ay ngingisi-ngisi lang, malapit ang mga mukha namin sa isa't isa at konting galaw lang ay magdidikit na ang aming mga labi... Oh my gush

Tug... Dug... Tug... Dug..

Bakit ang lakas ng pintig ng puso ko?

Hinarap nya ang mukha nya sa gilid.

"Ang bigat bigat mo Kreziah" sabi nya, kaya dali dali akong tumayo, hoooooo...

"I-ikaw kasi eh!" Sabi ko nang nakatayo na kaming pareho, tumingin sya sa 'kin ngunit umiwas ako, gush! What did we do?

"Namumula ka masyado, 'wag kang kiligin... hindi naman tayo naghalikan eh" nakangisi nyang sinabi at naglakad pababa ng hagdan

"Anong sabi mo? Hoy! Sinong nagsabi sayong kinikilig ako ah? Hindi ako kinikilig noh! At sino nagsabi sayong gusto kitang halikan ah? Ayaw k--" pinutol nya ko

"Hindi ko naman sinabing gusto mo kong halikan ah? Unless ... Gusto mo talaga?" Nanunukso ang tono nya

"Ang kapal kapal mo! Ayoko sayo tsaka nakakadiri ka! Yuck!" Sabi ko tunog pandidiri

"Ok, sabi mo eh... Paniwalaan mo nalang ang sarili mong mga sinabi" sabi nya at bumalik sa kanina nyang ginagawa

"Tulungan mo nalang kasi ako dito" sabi pa nya, kaya tumulong na rin ako... Kakain din naman ako eh.

Natapos kami ni Renzo na marumi ang kitchen, agad naming kinain ang cookies, umalis sya at pumunta sa sala, di ko alam kung anong gagawin nya.

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now