Chapter 5: Naughty Girls

78 4 0
                                    

Kreziah's POV

After naming makapag take out ng pagkain ni Sasha ay agad na kaming umuwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis tsaka bumalik sa kusina, naihanda na ni Sasha ang pagkaing tinake out namin tsaka nag umpisa na kaming kumain

"Sasha.." panimula ko, may tatanungin kasi ako sa kanya

"Hmm..?" Tanong nya habang kumakain

"Gusto ko lang sanang tanungin.."

"Ang ano?" Pagputol nya sa sinabi ko

"Kung bakit.."

"Bakit?" Langhyang babaeng to, masasapak ko to eh!

"Patapusin mo muna ko pwede?!" Sigaw ko sa kanya

"Go ahead, ano ba kasi yun?!" Ganti nya ring sigaw

"Eh kasi eh.. tatanungin ko lang kung bakit parang ayaw mo kay Clea?, ano bang problema mo sa kanya ah? Ba't ang taray taray mo pagdating sa kanya?" Dire diretso kong tanong, nakakabwesit eh

Sasha's POV

tsk.. sa kadinami dami ng Tanong sa mundo, yan pa talagang itatanong nya?!

"Eh, sa ayaw ko sa kanya eh! Masyado syang pa FC kala mo naman close na close kayo, eh hindi naman! Tsaka ikaw! Bakit ka ba pumayag na isama natin sya kanina kung san man tayo pumunta? Halata namang naiinis ako sa kanya diba?!" Sigaw ko sa kanya

"Ngee, mabait kaya si Clea, halata naman diba? Inikot pa nga nya tayo kanina sa buong school eh, dapat nga pasalamat pa tayo" blah blah blah! I don't care!

"Eh di mag pasalamat ka don! Wala namang pumipigil sayo eh!" Irita kong sigaw

"Eh ba't sigaw ka ng sigaw?! Alam mo namang kumakain tayo diba?!" Sigaw nya din

"Bakit ako lang ba ang sumisigaw? Diba ikaw din naman?!" Ganti ko

Hindi na sya umimik kaya natahimik ang buong bahay

"Nga pala.." pag basag ko sa katahimikan

"Close kayo ni Renzo?" Tanong ko, bigla naman syang nabulunan, problema ng isang toh?!

"Sino nagsabi sayo?" Tanong nya din, tsk.. nakakuha ako ng magandang sagot eh noh?!

"Wala lang.. ano kasi, bigla nalang tayong nilapitan ng dalawang barkada nya.. diba may.."

"No! We're not close! And I don't even think that we're going to be close, so.. tsk stop asking me that!" Pag putol nya sa hindi pa tapos kong sinabi

"Defensive lang ang peg? Kalma lang.. ang hearteu mo" pagbibiro ko

"Pero lam mo bestfriend.. ang cute nong isa sa kanila kanina.." pag uumpisa ko ng kwento

"Who?" Tipid nyang tanong

"R-Ron?" Patanong kong sagot, pero lam nyo kung anong naging ekspresyon nya? Her serious face turns into nandidiri face! Kainis tong babaeng to ah!

"Crush mo?" Tanong nya

"Yeah.." sagot ko

"Like eeewww.. it's corny you know?!" Sabi nya na parang nandidiri parin

Oh I forgot.. ayaw pala nito kapag crush ng iba ang pinag uusapan kasi CORNY daw! Pero pag crush nya ang pinag uusapan it's cute DAW! Hayyss.. I don't think she's a supportive Bestfriend by the way

"CORNY, CORNY! So? I don't care! Basta cute sya yun na yun!" Pag dipensa ko

"Tss.. cute? Asan banda ang cute don aber?" Tanong nya na parang may pang lalait pang kasama

"Cute kaya sya.. kaya nga crush ko sya diba?" Mataray kong sagot, kahit kelan talaga ang isang toh!

"Can you please change the topic? Nakakadiri ka eh... kumakain pa naman ako!" Sabi nya, walanhya tong babaeng toh?! Makadiri sya sa crush ko kala mo wala ng bukas!

"Eh sa ayaw ko ngang i- change? May magagawa ka?!" Pang aasar ko

Bigla naman syang umalis. Ay.. pikon na sya nag walk na si bestfriend, haha.. sarap nya talagang pikonin. Kaya ayun naiwan nalang akong mag isa dito sa kusina, haha.. hindi nya pala napatapos ang kinakain nya. Pagkatapos ko nang lumamon ay agad ko ng niligpit ang pinag kainan namin, pero nagulat ako ng bumalik ulit si Kreziah

"Oh? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya

"Asan na ang pagkain ko?" Tanong nya din

"Niligpit ko na, na bakit?"

"Naman Sasha eh! Pano pa ko makakakain uli kong niligpit mo na?!" Sigaw nya tsaka umupo sa upuan at tumingin sakin ng masama, ako naman? Napatawa ako ng sobrang lakas dahil sa inasal nya

"Bwahahahahahahaha..." tawa parin ako ng tawa, napaaray nalang ako pagkatapos, ng hampasin ako ng kutsara ni Kreziah, hampas lupang babaeng to oh! Panira sa kasiyahan ng iba! Tinignan ko nga sya ng masama at tumawa uli, oo alam ko para na kong baliw dito, eh sa masaya ang tao eh.. wag lang kasi manira!

Napatigil ako ng itaas ni Kreziah ang upuan, walanhya! papatayin ba ko nito?!

"Oooppss.. kalma lang Bestfriend, ayoko pang mamatay" sabi ko ng tatawa tawa parin haha...

"Sobrang napipikon na ko sayo Sasha ah!" Sigaw nya ng nakataas pa rin ang upuan

"Sorry ok? Ikaw din kasi eh.." pag- papaumanhin ko nang pinipigilan lang ang pag tawa, binaba nya naman ang upuan, at nakahinga ako ng maluwag

"Ibalik mo yung pagkain ko!" Sabi nyang hindi parin mapigilang hindi huminahon

"Loka loka ka talagang babae ka! Kasalanan ko ba kung aalis alis ka at naligpit ko na ang pinagkainan mo?" Tanong ko sa kanya

"Wala akong pakealam Sasha! Basta Ibalik mo ang pagkain ko!!" Hindi nya na mapigilang hindi sumigaw, muntik na naman akong matawa sa sinabi nya

"Subukan mo lang na tumawa dyan, at hahambalusin talaga kita nitong upuan!" Ay, nahalata pala nyang muntikan na kong tumawa.. haha..

"Lam mo Kreziah? Para kang bata, hahahaha.." ayan na hindi ko na napigilang hindi tumawa, tinaas na naman nya ang upuan

"Pwede ba! Ayoko pang mamatay!" Sigaw ko

"Kung gusto mong kumain kumuha ka nalang uli don pwede?" Patuloy ko pa, agad naman syang dumiretso sa may likuran ko kung saan nandon nakatambak ang mga pagkain.. haha.. nakatambak talaga?

Umalis naman agad ako don sa kusina at pumunta sa kwarto ko, hayyss.. bahala na sya don noh! Malaki na sya kaya na nya ang sarili nya, nagbukas ako ng facebook ko, matagal tagal na din simula ng magbukas ako ng fb ko

638 Friend requests?! Shocks! Seriously? Grabe ang dami naman nito! Haha... kung di nyo pa kasi alam konti palang ang friends ko sa facebook. Pero ang nakapang agaw atensyon talaga sakin ay yung pangalang Ron Seguerra kyaaahhh..

"Kreziaaaaahhhhh.." sigaw ko at dali daling bumaba ng hagdan

"Aww.." aray ko po, pano ba naman kasi! Nahulog ba naman ako sa hagdan? Nagka injury ang paa kooo

"Hahahahahaha..." rinig kong tawa ni Kreziah, nasa harapan ko lang naman pala sya

"Ano? Tawa pa! Hindi mo man lang ba ko tutulungan?" Pagtataray ko sa kanya

"Malaki kana, kaya mo na ang sarili mo" sabi nya tsaka tumalikod

What the f*ck!

Hanudaw?! Line ko yun ah? Huhu..,

Pinilit ko nalang ang sarili ko na tumayo at hindi ininda ang mga nangyari dahil panigurado ako lang ang kawawa

"Kreziah!" Sigaw ko sa kanya

Love You, Never Give Up (On Going Story)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz