Chapter 10: Finding her

58 3 0
                                    

Kreziah's POV

After ko nang gumamit ng rest room ay lalabas na sana ko ng.. HINDI KO MABUKSAN ANG PINTO! My gush.. what's happening?! Teka... pinihit ko Yung door knob pero ayaw talaga mabukas.. hala! Anong nangyayari? Wag nyo sabihing? NAKULONG AKO???!! Gush! No way!

"Tulong... may tao ba dyan sa labas? Tulungan nyo po ko, nandito po ko sa loob!" Sigaw ko

Sana naman may makarinig.. please naman oh, pero ilang minuto na kong naghihintay ay wala pa ring bumukas ng pinto, the hell!

"Somebody help me please!" Sigaw ko ulit

Tulong! Asan na si Sasha? Teka yung phone ko... hinalungkat ko ang bag ko para hanapin ang cellphone ko pero wala akong matagpuan, saka ko lang naalala na iniwan ko pala ang phone ko kay Sasha, dahil hihingin nya ang number ni mom! Shit... ba't ngayon pa!!! Anong oras na ba? Tinignan ko yung watch ko 3:25 pm, hala eh diba 4 pa sila nagsasara ng mga rooms? Ba't sinarado na yan dito? Nakapagtataka naman! Pero kailangan ko talagang makalabas dito!

Kinatok katok ko ang pinto, baka sakaling may makapansin sa labas, pero wala parin, nasaktan lang ng sobra ang kamay ko!

Huhu.. sana hanapin ako ni Sasha, nasan na ba sya?

Sasha's POV

Kanina ko pa talaga hinahanap si Kreziah, pero hindi ko talaga sya makita, san na ba pumunta ang babaeng yun? Di pa sya pumasok sa class namin! Naku, malalagot talaga yun sa mommy nya eh, lalo na kapag naglakwatsa sya!

Inikot ko uli yung buong school pero grabe! Ako lang yung napagod! Asan na ba yun? Imposible namang umuwi yun, hindi naman kasi nang iiwan si Kreziah, tsaka nandito pa naman ang kotse namin.

Nakita ko si Renzo, matanong nga kung nasan si Kreziah, baka kasi alam nya eh

"Renzo" tawag ko dito

"Oh Sasha, nakita mo ba si Kreziah?" Tanong nya sakin, hmm.. I smell something fishy here

"Hindi nga eh, hinahanap ko din sya, actually kanina pa nga eh, hindi rin sya pumasok sa class natin" sumbong ko kanya

"Ganon ba? Baka naman umuwi na sa inyo?"

"Hindi naman basta basta nang iiwan yun eh, kilala ko sya, alam ko ding hindi nya gagawin yun" sabi ko

"Tara hanapin natin sya" sabi nya tsaka kami nag umpisang naghanap

______

"San mo ba sya huling nakita Sasha?" Tanong nya sakin

"Kanina pa eh, mga ilang oras na ang nakakaraan, nag rest room lang naman sya, pero hindi na sya bumalik" sabi ko

"Napuntahan mo na ba ang mga rest room?" Tanong nya na naman

"Ayy, hindi pa eh" sabi ko, tsaka nya ko hinila sa kung saan, pumunta kami sa rest room malapit dito sa may room namin, bukas naman yung pinto pero walang tao, ibig sabihin wala dito si Kreziah, malamang wala ngang tao diba? Aishh!

Pinuntahan pa namin ang ibang rest room pero wala talaga, may isa don na nakakandado

"Baka nandyan sya Renzo" sabi ko sabay turo sa nakakandadong pinto ng rest room

"Imposibleng nandyan sya, ibig sabihin kasi ng nakakandado ang pinto ng rest room dito ay hindi pwedeng gamitin dahil may sira, kaya hindi sya makakapasok dyan" sabi nya

"Pero naikot na natin halos lahat ng rest room dito, di parin natin sya nakikita" sabi ko naman, unti unti ng nauubos ang mga tao dito pero wala pa rin sya

"Tawagan mo kaya" sabi nya

"Yun nga yung problema eh, nandito sakin yung phone nya..." sabi ko sabay yuko

"Patay na talaga tayo nyan!" Nasambit nya nalang

"Hiningi ko lang naman ang number ng mommy nya eh" sabi ko

"Wala na ba sya dong extra phone?" Tanong  nya sakin

"La eh" sagot ko naman

"Tara don tayo" sabi nya sabay hila sa kamay ko

Kung saan saan kami napadpad ni Renzo para lang hanapin si Kreziah, pero hindi talaga namin sya natagpuan eh, grabe naman sya kung magtago. Pero sa totoo lang, nag aalala na talaga ko sa kanya, baka kasi kung napano na sya, naku! Sana naman walang masamang nangyari sa kanya

"Sasha, kanina pa tayo naghahanap pero hindi parin natin si Kreziah nakikita, subukan mo kayang umuwi muna sa inyo, baka kasi nandon na sya eh" sabi ni Renzo

"Eh pano kung wala pa? Renzo nag- aalala na talaga ko sa kanya!" Mangiyak ngiyak ko nang sabi

Maya maya dumating ang isa sa mga barkada ni Renzo, and try to guess who? It's Ron, oo, yung crush ko. Ano ba yan niloloko ko na nga ang sarili ko dito pero di parin makalma ang puso ko, di ko na napigilan at napahagulhol na ko sa iyak, waaahh.. ayoko talaga ng umiiyak sa harap ng ibang tao eh!

"Sasha, are you ok?" Tanong sakin ni Ron

"Ron, I think mas mabuti kung iuwi mo na sya sa kanila" sabi ni Renzo kay Ron

"Don't worry Sasha, hahanapin ko si Kreziah" sabi naman sakin ni Renzo, tumango nalang ako sa kanya dahil di ko na kayang mag salita, sana nga mahanap nya si Kreziah

Inalalayan na ko ni Ron na makasakay sa kotse namin, pagkapasok ko ay agad kong sinuot ang seatbelt

"Sasha are you ok?" Tanong sakin ni Ron, hindi pa ba obvious?!

"Ahm.. ok na ko" sagot ko

"Are you sure?" Panigurado nya, pero umiyak na naman ako, letseng luha to oo!

"Actually *sob* hindi talaga ko *sob* o-ok" utal kong sagot

Nagulat ako ng bigla nya kong niyakap oh my, what's happening?!

"Wag kang mag alala mahahanap din ni Renzo si Kreziah" sabi nya sakin nang hinihimas himas ang likod ko habang nakayakap sakin

"S- salamat" utol ko paring sabi nong bumitiw na sya sa pag kakayakap

"Uwi na tayo sa inyo?" Tanong nya

"S- sige"

Hinatid na nya ko sa bahay, kung nagtataka kayo kung pano nya nalaman ang bahay namin ni Kreziah, malamang sinabi ko po sa kanya, sya kasi ang driver eh. Pagdating namin ay agad nyang pinark ang kotse namin sa may garahe tsaka pumasok. Hindi na nga pala ko umiiyak, umpisa nong niyakap ako ni Ron, oh diba? Wow magic!

"Ron, pano ka nga pala uuwi kung wala kang dalang sasakyan?" Tanong ko sa kanya nang makapasok na sa bahay, pinapasok ko muna sya kasi syempre pakunswelo din kasi hinatid nya ko.

"Ako na ang bahala don" sagot nya

"SI KREZIAH PALA!" Bulalas ko ng maalala ko si Kreziah

Dali dali akong umakyat sa kwarto nya at nagbabakasakaling nandon sya, hinay hinay kong binuksan ang pinto nang kwarto nya, para kung sakali hindi ako magulat dahil baka mahopia lang ako, nong tuluyan ko ng mabuksan, napaiyak nalang ako ulit, dahil wala pa rin talaga sya, asan na ba yun?

"Kreziah nasan kana?" Sambit ko

Ayoko ng ganito eh, nangyari na rin kasi to dati eh, nong nag camp kami tapos bigla syang nawala sa bundok, ayoko na ulit mangyari yun.. Napahagulhol na naman ako dahil sa takot na nararamdaman ko, nang dumating na naman si Ron

"Sasha.." niyakap nya uli ako, nakakadalawa na to ah! Mahilig ba talaga sa yakap ang isang to? Pero ok lang naman, cause I need someone who can comfort me

Sinabi ko sa kanya na tulungan nya kong tumayo pero na out of balance ako at biglang nagdilim ang buong paligid ko..

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now