Chapter 16: Crazy Friend

36 2 0
                                    

Kreziah's POV

Kahit kelan talaga yung Sashang yun, hindi matahimik, nakakahiya tuloy kay Renzo. Pagkahatid na pagkahatid ko kay Renzo sa may gate namin ay pumasok na agad ako sa loob nadaanan ko pa si Sasha sa may sala na talak parin ng talak pero hindi ko na sya pinansin, sa halip ay dumeretso na ko sa kwarto ko, agad akong sumampa sa kama ko pagkapasok na pagkapasok ko, feeling ko kasi pagod na pagod ako dahil siguro yun sa walang kwentang pakikipag-sagutan kay Sasha. Kahit kelan ayaw talaga patalo ng babaeng yun! Pagkatapos kung magpahinga ng kaonti ay pumasok na ko sa banyo para maligo, mabilis naman akong natapos at binlower ang buhok ko para mabilis matuyo tsaka ko natulog

Kinabukasan ay late na kong nagising mga 6:30 na siguro di man lang ako ginising ni Sasha! Natapos na kong maligo lahat lahat nang bumaba na ako, tinawag ko si Sasha pero walang may sumasagot, ang aga aga saan nagpunta ang babaeng yun? May pasok pa kami ah! Wala sya sa kwarto nya nang puntahan ko ito wala rin sa sala, pati sa kusina ay wala! Saan yun? Wala kong nagawa kundi ang kainin nalang ang pagkain sa lamesa na tyak hinanda nya na... matapos kung kumain ay tsaka ko naisipang tawagan sya, nakakailang ring na pero hindi nya parin sinasagot, letse! Malelate na kami oh!

Kapag nalate sya, wag nya lang akong masisisisi!

Lumabas na ko at sumakay na sa kotse, maya maya lang ay nakarating na din ako sa school, nagpark lang ako saglit sa parking lot at tumingin sa relo ko, shit! 7:15 na! Agad akong pumasok sa entrance ng gate at dumeretso sa room namin, hindi siguro papasok yung Sashang yun!

"Good morning ma'am sorry I'm late" sabi ko at sinenyasan nya naman akong maupo na sa silya ko at nagtuloy na sa pagsasalita, pero bago paman ako makaupo ay nagulat akong nandon si Sasha nakangiting nakatingin sakin

Iniwan nya ko nang hindi man lang ginising?

Sinamaan ko sya ng tingin at Binigyan yun ng kahulugan na 'humanda ka sakin!' Tsaka na ko umupo sa pwesto ko, tumingin ako sa right side ko nandon si Renzo busy sa pakikinig sa teacher namin sa unahan.

Pagkatapos ng mahabang diskusyon namin ay agad na ding nag-dismiss si ma'am, nauna akong pumwesto sa may pintuan para hintayin si Sasha, dinadaan-daanan lang din ako ng mga classmates namin. Nang tuluyan ng makalapit sakin si Sasha ay agad ko syang tinaasan ng isang kilay at inirapan tsaka na tuluyang naglakad palabas, sinundan nya naman ako, pano ko nalaman? Syempre naramdaman ko

"Hi, Kreziah" bati nong lalaking humarang talaga sa harapan ko

"Hello" bati ko din, teka sino ba to? Di ko naman to kilala eh!

"Ako nga pala si Jory" pakilala nya, sabay abot ng kanang kamay para makipag-shake hands, nangunot naman ang noo ko, bakit naman gustong makipag-kilala ng isang to?

"Ahhh.." nasambit ko nalang

"Nasa kabilang section ako, baka kasi naguguluhan ka kung bakit ako nakiki-pagkilala sayo" paliwanag nya, tinanguan ko nalang sya

"Sabay na tayong mag-lunch?" Tanong nya, pero nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko

"May kasama na sya" sabi ni Renzo

"Oo nga!" Sang-ayon ni Sasha

"At nandito rin ako" singit naman ni Clea na kararating lang, tiningnan ko nga sila isa-isa nang nakakunot parin ang noo

"Wag mo sabihing ayaw mo kaming makasama sa lunch?" Mataray na tanong ni Sasha

Tse! Wagas makataray ah! Baka nakakalimutan nyang sya ang may kasalanan dito sa aming dalawa!

"Tara na Kreziah nagugutom na ko" biglang hila ni Renzo sakin, nagulat naman ako dahil sa ginawa nya, pero wala na rin akong ginawa kundi ang mag-pahila nalang

Love You, Never Give Up (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon