Chapter 18: What?!

46 3 0
                                    

Kreziah's POV

Hindi ko na naabutang gising si Sasha nang dumating ako ng bahay kagabi, anong oras na din kasi yun, pero dahil nga sa hindi ko na sya naabutan kagabi, ngayon ako mag-su suffer sa sandamakmak nyang tanong

"Anong nangyari sa date nyo? Masaya ba? San kayo nagpunta? Ano ano ang mga ginawa nyo? May na-learn ka ba? Naging mas malapit ba kayo sa isa't isa? Hindi ba kayo nag-away? Ok naman ba ang second date nyong dalawa? Ano? Sagutin mo naman ako!" Yan ang mga tanong nya habang nag-aagahan kami, alam kong marami kaya pinatapos ko nalang sya

"No comment" sabi ko

"Watdapak! Niloloko mo ba ko?"

"What do you think?"

"Come on Kreziah, wala tayong klase ngayon oh"

"So?"

"So, gusto kong ubusin natin ang buong araw natin sa pagkukwento mo, go!"

"What?"

"Yes! Dalian mo na... Naghihintay ako oh"

"Psh... No way!"

"Eto naman... Ayy nga pala, pupunta si Ron dito sa bahay, at aalis kami" kumunot ang noo ko, san naman sila pupunta? At... Close sila?

"Huh?" Yun lang ang natanong ko

"Ayyy...!" Napatakip sya sa bibig nya

"Ah... Wala yun" nadulas ang bruha, haha... Sabi na eh

"San kayo pupunta?" Tanong ko

"Huh? Ah.. w-wala, hehe... Ay teka! Diba ikaw ang tinatanong ko? Ano bang nangyari sa date nyo kagabi ni Renzo?" At binalik nya pa talaga ang topic sakin ah?

"Wala naman, masaya naman... Tsaka hindi date yun noh!" Sabi ko

"Hindi daw"

"Oo nga... Ikaw! San kayo pupunta ni Ron ha?" Pagbabalik ko ng topic ng about sa kanya

"Wala nga..."

"Anong wala, isusumbong kita sa parents mo" pagbabanta ko

"Tumawag kasi sya sakin kagabi--"

"At pano sya nagka-number mo?"

"Hiningi nya sakin a--"

"At binigay mo naman?"

"Oo, syempre kasi--"

"Crush mo sya ganon? Hay naku Sasha al--"

"Peste Kreziah ah... Pede patapusin mo muna ko?!" Inis nyang sigaw sakin

"Sabi ko nga... Patatapusin muna kita" sabi ko nalang

"So ayun nga, hiningi nya yung number ko kahapon, kasi gusto nya dawng makipag-kaibigan, at dahil nga sa crush ko sya... Eh binigay ko na, tsaka tumawag sya kagabi... Wala namang klase ngayon, kaya nagyaya syang lumabas kami, wala naman daw syang gagawin at sakto wala din akong gagawin kaya pumayag na ko, wala namang masama don eh... Diba Kreziah?" Paliwanag nya

"Maglilinis tayo dito sa bahay!" Sabi ko para, hindi sya umalis... Ayaw ko kayang maiwan dito mag-isa sa bahay, ang boring boring at wala pa kong kasama!

"Hala! Ikaw nalang... Ang kj mo talaga porket nakapag-date na kayo ni Renzo, eh hahadlangan mo na ko?" Malungkot sya kuno

"Correction... HINDI YUN DATE!" sabi ko

"Deny mo pa! Natutuwa ka naman!"

"What?! Ang kapal ah... Hindi ako natutuwa noh!"

"Eh ba't pumayag kang mag-date kayo?"

Love You, Never Give Up (On Going Story)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن