Chapter 4: Going close

86 3 0
                                    

Renzo' s POV

After ng first class namin ay agad kong pinuntahan si Klynie sa likurang bahagi ng room tutal don naman sya nakaupo, gusto ko syang makausap at gusto kong malaman kung bakit hindi man lang nya sinabi saking dito na pala sya mag aaral..

Lalabas na sya ng room ng bigla kong hawakan ang wrist nya..

"Klynie.." tawag ko sa kanya ng mahawakan ko na sya

"Bitawan mo nga ko!" Mahina nyang sabi pero halatang naiinis sya

"Let's talk..!" Seryoso kong sambit pero inirapan nya lang ako, at malakas na hinatak ang kamay nya mula sa pagkakahawak ko

Naglakad sya palabas ng room, sinusundan ko lang sya kung san man sya pupunta..

"Klynie, let me explain of what really happened!" Sigaw ko habang nakasunod parin sa kanya, tumigil sya sa paglalakad nya at humarap sakin

"I don't want to hear your f*cking explanation!" Sigaw nya sakin pabalik

"..and I don't need it!, so please stop following me! Or else I'll gonna kill you!" Dugtong nya sa mga nauna nyang sinabi...

"Why? Is there anything wrong if I explained, I just wanted you to know of what really happened.. nang sa ganon magkaayos na tayo" mahinahon kong sabi

"I said, I don't want to hear it! I don't want to talk to you! I don't want to see you.. so please!" Napapikit pa sya sa gigil, tsaka sya tumakbo palayo, hindi ko nalang sya hinabol dahil feeling ko sariwa pa sa kanya ang mga nakita nya kahapon, di ko naman sya masisisi, napapikit nalang ako sa sobrang pagkainis!

"Dude.." rinig kong sigaw mula don sa likuran ko, hinarap ko nga kung sino man yun, ang dalawa pala, mga tropa ko.. sila Alex at Ron

"Hey dude, zup?" Bati at pangangamusta sakin ni Ron

"Fine dude" sagot ko na parang walang gana

"Are you really ok?" Tanong ni Alex

"Of course.." sagot ko naman, naglakad kami papunta sa rooftop ng building namin, don kaming tatlo palaging nakatambay

"Nga pala dude.. dito na pala nag aaral si Klynie?" Tanong ni Ron sakin ng makarating kami sa rooftop

"Oo, nagulat nga lang din ako eh, di nya man lang sinabi sakin.." sagot ko ng nakatingin sa malayo, maganda ang view sa baba pag nandito ka sa rooftop kaya medyo chill lang, marami ding estudyante ang nakatambay din dito at nag iingay lalo na kapag vacant, tsaka mahangin kasi dito kaya nakakarelax

"Teka eh ayos na na ba kayo ng pinsan ko?" Tanong naman ni Alex sakin, oo pinsan ni Alex si Klynie, at alam nya na hindi kami ok

"Naku naman! Di mo pa kasi kinakausap eh" sabi nya, tss.. para namang may alam sya sa mga ginawa ko na!

"Pinuntahan ko sya kagabi sa bahay nila kaso hindi nya ko nilabas" sabi ko sa kanila

"Ibig sabihin lang non, ayaw na nya sayo, haha" pang aasar naman ni Ron, tsk.. kala naman nito kung sino sya!

"Oy, Ron di naman siguro ganon, baka gusto lang ni pinsan ng space, pag bigyan mo muna sya Renzo" sabi sakin ni Alex, yun naman talaga ang naiisip ko eh, baka gusto nya lang talaga ng space

"But dude, hindi lang pala si Klynie ang bagong salta sa inyo ano?" Tanong ni Ron

"Oo.." tipid kong sagot

"Eh sino yung dalawa?" Tanong ni Alex

"Yung isa, Kreziah ang pangalan pero yung isa di ko kilala" sagot ko sa tanong ni Alex

"Grabe ka naman, kaklase mo tapos di mo kilala? Tsk.." sabi ni Ron, binatukan ko nga sya

"Eh, sa hindi ko nga kasi kilala eh! Pakealam mo ba?" Inis kong sabi sa kanya

"Pero dude pakilala mo kami don mamaya ah" sabi ni Alex

"Pag may time.." walang gana kung sagot

"Tsk.. sige na kasi!" Pangungulit ni Ron

"Naman eh, oo na sige!" Pag payag ko nalang

Nag kwentuhan pa kaming tatlo ng kung ano ano ng dumaan sa harap namin si Clea kasama si Kreziah at ang isa pang bagong transfer

Kreziah' s POV

Niyaya ako ni Clea na umakyat sa rooftop kasama si Sasha na iritang irita, di ko alam kung anong Problema ng isang toh, ayaw nya siguro kay Clea.. sabi naman ni Clea I to-tour nya daw kami sa buong campus, aba'y syempre pumayag ako

Gusto ko din kasi kabisaduhin ang pasikot sikot dito eh, at ayun nga.. naikot na namin halos don sa baba kaya dito naman daw kami sa may rooftop ng junior high building kasi maganda daw at mahangin dito, ng makarating kami, hindi naman sya nag kamali kasi maganda nga naman talaga, at si Sasha? Halatang nagandahan din

Pumunta kami don sa may gilid at.. waaahhh.. ang taas masyado! Yung tipong pag nahulog ka walang parti ng katawan mo ang hindi bali, ganon sya kataas!

Nakita ko din si Renzo, nandito din pala sya? Well eh sa maganda ba naman dito malay ko ba kung nandito sya lagi, may dalawa syang kausap.. teka eh pakealam ko ba?

Sinundan lang namin si Clea at napadaan kami sa harapan nila Renzo.. nagulat kami ng lapitan kami nila Renzo, o di kaya'y ako lang ang nagulat.. haha, assuming ko masyado

"Ahm.. hi miss excuse me.." sabi sakin nong isang lalaki

"Yes?" Tanong ko

"Ahmm.. h-how are you?" Napakunot naman ang noo ko sa tinanong nya, duh.. are we close?

"Ahh.. hi Kreziah, hi Clea ahmm.. hi.." singit ni Renzo at nag hi saming tatlo, hindi nya kilala si Sasha haha..

"Hello Renzo" bati ko

"Hi din Renzo" singit ni Clea, si Sasha hindi sya binati.. eh hindi naman sila magkakilala eh

"Sorry sa abala ah, gusto lang kasi nitong dalawa makipag- kilala sa inyo" sabi nya sabay turo don sa dalawa nyang kasama

Ah ok, halatang halata naman

"Ahh.. ako nga pala si Ron" pag papakilala nga daw ni Ron, sabay abot ng kamay sakin at kay Sasha..

"Ako si Alex.." singit naman nong isa at nakipag kamay din samin ni Sasha

"Ahh.. ako si Kreziah, at eto naman ang bestfriend ko si Sasha.." pag papakilala ko din

"So anong ginagawa nyo?" Tanong ni Ron

"Iniikot ko lang sila dito sa campus Ron" Singit na sagot ni Clea

Nakita ko namang umirap si Sasha, buti nalang di ito nakita ni Clea

"Ganon ba? Gusto nyo ba samahan namin kayo?" Tanong naman ni Alex

"Sure!" Dire diretsong sagot ni Sasha, mukhang ayaw patalo kay Clea, kumunot naman ang mga noo namin ni Clea dahil don

"I- I mean, d-diba? Pa-ra marami tayo, ganon! hehe.." paliwanag nya na halatang fake ang pagtawa

"So let's go?" Tanong naman ni Renzo, tumango naman ako

Tinuro nila Renzo kung anong year ang room na dinadaanan namin, masyadong malawak ang Campus na to at sabi pa nila kabisaduhin daw namin para hindi daw kami maligaw. Pagkatapos ng pag iikot namin ay bumalik na kami sa mga rooms namin para sa next subject..

                      ~~~Fast forward~~~

After na ng whole day class namin ay agad na umuwi na kami ni Sasha.

Napagpasyahan naming mag take out nalang ng pagkain sa favorite restaurant namin kasi sabi ni Sasha, tinatamad na daw syang mag luto so.. ok

___________________________________________

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now