Chapter 23: Date (Part 1)

36 1 0
                                    

Kreziah's POV

"Saan ba tayo pupunta Renzo?" Tanong ko kay Renzo na nagmamaneho.

"Basta, maganda don, mahangin tsaka presko, masyadong mainit ngayon eh" sagot nya habang tutok ang atensyon sa daanan.

"Take out muna tayo ng food" sabi nya at hininto ang sasakyan sa may Restaurant para magtake-out 'ata ng pagkain.

"Dito nalang ako, ikaw nalang ang bumili" sabi ko, tinatamad na akong lumabas.

"Sige, 'kaw bahala" sabi nya at lumabas na ng kotse.

Hinimas-himas ko ang ulo ng bago kong aso, or should i say, aso 'namin' ni Renzo kasi sya naman ang gumastos nito eh. Medyo napagod din ako sa 3 oras namin don sa pet shop, actually kanina hindi ko naramdaman na napagod ako kasi, masyado akong na-amaze sa mga cute na mga alaga don. Inip na inip na nga 'yan kanina si Renzo eh, kaso kasalanan nya naman kasi dinala nya ko don, kaya ayun at nahintay sya.

Pero nagtataka ako, bakit naman kaya ako binilhan ng aso ni Renzo? Hindi naman sa nagrereklamo ah, actually matagal ko ng gustong magka-aso ulit eh, simula kasi ng namatay ang former dog ko na si Shooly ay hindi na ko ulit bumili kasi masyado akong nasaktan sa pagkawala nya, pero ngayon ok na kasi naka-move on na ako, pero ngayon nagtataka talaga ko kung bakit nya ko binilhan.

Wala naman akong sinabi sa kanya na paborito ko ang aso ah? Pero 'di bale nalang at least ngayon may aso na ulit ako. Ano kaya ang ipapangalan ko sa asong toh? Lalaki kasi sya, pinili ko talaga ang lalaki kasi simple lang kesa sa babae. Gusto nga sana ni Renzo na babae ang piliin ko kaso ayaw ko talaga, sabi ko bumili nalang sya ng asong babae para sa kanya kaso ayaw nya naman, bahala sya.

Maya maya lang ay dumating na si Renzo na may bitbit na mga pagkain.

"Andami naman nyan Renzo? Mauubos ba natin 'yan?" Tanong ko Kay Renzo ng makapasok sya. Nilagay nya naman ang mga pagkain sa likod.

"Oo naman, hindi ka ba nagugutom? Tatlong oras din tayo don sa pet shop ano. Ikaw kasi eh, antagal mong pumili ng aso, ginutom tuloy ako" Sabi nya at ini-start na ang sasakyan

"Eh di sana pumunta ka muna don sa may coffee shop" sabi ko naman.

"Ayos lang, worth it naman kasi ang cute ng aso na  napili mo" sabi nya at tumingin sa aso na nasa lap ko at umalis na kami.

Napadpad kami sa isang lugar na maraming puno, malapit lang naman toh dito samin. Kasi 30 minutes lang ang naging byahe namin ni Renzo pero hindi pa ko nakakapunta dito.

Bumaba na ko ng sasakyan ng makapasok na kami sa entrance, oo may gate pa kasi. Pagkalabas ko ay sumalubong sakin ang preskong hangin, wow. Ang sarap sa pakiramdam. Nakita kong lumabas na din si Renzo.

"Don tayo pumwesto" turo ni Renzo sa isang puno. May bitbit syang tela.

"Para saan 'yan?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa telang hawak nya.

"Sapin natin syempre" sagot nya. Owkey.

Nilatag naman agad ni Renzo ang dala nyang tela sa paanan ng puno at sabay kaming umupo nilapag nya din ang mga pagkain na binili nya at karga ko parin ang aso.

"Ang ganda dito Renzo" sambit ko at ginala ang mga mata. Bilang lang ang mga taong nandirito. Bakit kaya hindi sya matao gayong ang ganda ng lugar na toh? Ay siguro dahil tago.

"I usually came here, kapag may problema ako" rinig kong sabi ni Renzo na nasa tabi ko lang. Parehas kaming nakasandal sa puno. Ang sarap talaga ng hangin.

"Kaya pala alam mo ang lugar na toh? Pero pano mo ba toh nalaman?" Tanong ko. Sa ilang taon na naninirahan kasi ako sa lugar na toh ay ngayon lang ako nakapunta dito.

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now