Chapter 2: Mr. Sungit

129 6 0
                                    

Kreziah's POV

Pagkatapos naming kumain sa canteen ay bumalik na uli kami sa room namin para sa next subject..

"Grabe bestfriend, nabusog ako ng sobra.." sabi ni Sasha

"Ikaw ba naman ganon kadami ang kainin mo, sige nga sagutin mo ko sino kayang hindi mabubusog sa ganon?" Tanong ko sa kanya

"Hayy, isang asong matakaw siguro.." sagot nya tsaka kami nagtawanang dalawa...

Maya maya lang ay nag sipasok na ang iba naming mga classmates... kasama na don si Mr. Sungit, naupo na sya sa tabi ko, oo.. Mr. Sungit na ang tawag ko sa kanya ngayon!.. eh sa masungit sya eh!, tinignan nya lang ako ng masama tsaka na umupo.. kita mo kung gano ka sungit?.. tsk

"Oy, bestfriend ayan na sya oh.." bulong ni Sasha sakin na parang kinikilig pa, si Mr. Sungit ang tinutukoy nya

"Pwede ba bestfriend! Manahimik ka dyan!" Bulong ko naman sa kanya

Nakakainis tong babaeng to ah!

Maya maya ay pumasok na ang next teacher namin, nag salita na naman sya sa unahan ng kung ano ano tsaka na nag dismiss

"You may now go" sabi nang teacher namin

Nag silabasan na ang mga classmate namin, at pati na rin kami syempre..habang nag lalakad kami sa hallway ay salita ng salita si Sasha

"Lam mo bestfriend, nami- miss ko na ang mga classmates natin don sa dating school na pinapasukan natin" sabi nya..

Habang naglalakad kami ay nakayuko lang ako... at nakatingin lang sa daang tinatapakan ko

"Ako nga din eh.. feeling ko nga wala tayong magiging kaibigan dito eh" sabi ko naman

Di ko namalayan na may nabangga na pala akong tao.. at grabe ang lakas ng impact ha.. biruin mo tumalbog ako sa sahig? At.. at.. ang sakit ng pwet ko tol..

"Ano ba?! Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Sigaw nya, wow ha.. ang sakit na nga ng pwet ko tapos makasigaw pa sya kala mo wala ng bukas!

Tinaas ko ang ulo ko at... at.. at... at... haha.. ang baliw ko lang.. nakita ko na naman sya.. and guess who? Si Mr. Sungit lang naman po!

"You look like stupid you know?!" Sabi nya, wow, ako pa talaga ang stupid ngayon ah.. bakit tingin nya ba mababangga ko sya kung tumitingin din sya sa kanyang dinadaanan?

Tumayo agad ako.. pero grabe ang sakit talaga ng pwet ko! Tiniis ko nalang to.. inalalayan ako ni Sasha pero hindi naman ako ganon kalampa eh!

"I'm stupid? And what do you think is you huh? FYI hindi ka naman talaga mabubunggo kung tumitingin ka din sa dinadaanan mo! Oo, aaminin kong hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko.. eh ikaw tumitingin ka ba huh?" Sigaw ko sa kanya

Grabe mauubusan ata ako ng hangin sa lalaking to eh!

"Bestfriend tama na yan.. tara uwi na tayo" pag aawat sakin ni Sasha

Nanggagalaiti sya ngayon sa galit... sige Mr. Sungit kala mo natutuwa ako sa inaasal mo ha... wag ako! Umalis na lang sya bakit ano pa nga bang dapat nyang gawin? Grabe ang ka bwesitang dala nya sa lifeu ko ha.. nakaka stress tol..!!

"Halika na Sasha.." yaya ko na kay Sasha

Sumakay na kami sa kotse namin, at sya muna ang pinag drive ko.. yes we have our own car.. bakit bawal ba? Eh sa marunong naman kaming gumamit eh!

Nang makarating na kami sa bahay ay napa upo nalang ako sa sofa.. grabe ang stress tol..

"Oh? Problema mo?" Tanong ni Sasha

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now