Chapter 11: Meant to be?

55 3 2
                                    

Renzo's POV

Napaupo nalang ako dito sa may bench na malapit sa may rest room dahil medyo sumakit ang ulo ko, pagod na rin ako sa kakaikot dito sa buong school san na ba pumunta yung Kreziah na yun, kung hindi ko lang talaga kailangan gawin to hinding hindi ko to gagawin eh! Tinawagan ko si Ron para tanungin kung nakarating na ba sila at kung nandon ba sa bahay nila Sasha si Kreziah

*Ringing*

Ba't hindi nya pa sinasagot! Mga ilang minuto na ang nakaraan bago nya sagutin

[Hello Renzo]

"Ba't ang tagal mo bago sagutin?" Inip kong Tanong sa kanya

[Pasyensya na dude, si Sasha kasi, nawalan ng malay] sabi nya mula sa kabilang linya

"Ano? Malala ba ang kondisyon nya? Kung malala, dalhin mo na sya sa hospital!" Bulalas ko

[Hindi naman ganon kalala dude, ok na naman sya] sabi nya, hayyss.. kala ko kung ano na ang nangyari

"Eh teka, nandyan na ba si Kreziah?" Tanong ko

[Wala pa sya dito, dude.. gawin mo ang lahat mahanap mo lang si Kreziah ah, sobrang nag aalala si Sasha eh] sobrang concern ata sya kay Sasha

"Ghe.." sabi ko tsaka binaba ang phone

Tinignan ko ang relo ko at, 5:30 na! Naku, pag nag- 6 isasarado na ng guards ang buong school, pano na to? Di ko pa nakikita si Kreziah!

Nag isip ako nang lugar dito na maaaring mapuntahan ni Kreziah, sa library kaya? Kaso baka sarado na nito don, pero susubukan ko parin

Aalis na sana ko ng marinig ko na may kumalabog sa pintuan ng rest room. Ano yun? Bakit parang may kumatok? Lumapit ako sa pinto, tsaka nilapit ang tenga ko dito, sumakit ang tenga ko dahil may kumatok ng napakalakas, tas biglang nagsunod sunod na ang katok.

"KREZIAH!" Sambit ko

Dali dali akong pumulot ng malaking bato at sinira ang padlock, agad naman itong nasira, pumasok ako sa loob at nakita ko ang umiiyak na si Kreziah

"Kreziah" sambit ko tsaka ko sya nilapitan at niyakap.

Kreziah's POV

Kakagising ko lang, di ko alam nakatulog na pala ko tumingin ako sa orasan ko, Naku! 5:30 na! Huhu.. nasaan na si Sasha?

"Somebody help me!" Sigaw ko sa loob, mag gagabi na! May mga estudyante pa kaya sa labas? Kinakabahan na ko, malapit ng magdilim, huhu.. na trauma na ko dito, ayoko ng maulit pa to, parang maiyak na ko sa kinalalagyan ko

Nagbalik ang alaala ko nong bata pa ko nang nangyari sakin ang kagaya nito, yung ginabi ako ng walang kasama

_Flashback_

"Sasha, gusto kong puntahan ang mataas na yun, samahan mo ko" yaya ko kay Sasha na umakyat sa may mataas pa na bundok, may camp kasi kami ngayon dito sa bundok ng Agudo

"Hala Kreziah, nakakatakot kaya, baka mawala tayo, buti pa magpasama nalang tayo sa teacher natin" sabi nya

"Napakaduwag mo naman Sasha, tara na kasi" pilit ko sa kanya sabay hila paakyat ng bundok

Nakarating na kami sa taas, grabe nakakapagod! Ang taas

"Yehey! Nakarating na rin ako sa wakas!" Sigaw ko sabay talon talon

"Kreziah, balik na tayo" takot na sabi ni Sasha

"Ano ka ba naman Sasha, nakakapagod kayang umakyat dito, tapos ikaw uuwi nalang ng wala man lang ginawa?" Sabi ko

Love You, Never Give Up (On Going Story)Where stories live. Discover now