Chapter 30 💖 Karina 💖 Two Lonely People

138 7 3
                                    


"Kari..." Nag-aalalang sambit ni Morriz sa pangalan ko.

Pang-ilang beses na yata nito iyong nasambit mula ng matapos itong kumanta sa entablado, habang mabining hinahagod ang likuran ko para patahanin sa hindi matigil na pagluha.

"Morz... Ang sakit pa din kasi. Sobrang sakit. It's been months since Z broke up with me but it still killing me, numbing me. Tearing my whole being..." Lumuluhang wika ko dito habang nauklo sa bote ng alak na pinilit kong kunin dito.

Bumuga ito ng mabigat na hininga bago muling nagsalita.

"I know how you feel Kari. I know." Pag-aalo nito sa akin. Bakas ang pakikisampatya sa akin.

"C-Can you give me an answer why Z did this to me? W-Why? Whyyyy Morz? K-Kasi kahit anong isip ko, kahit ilang beses kong titigan yung mga litrato na iyon, hindi ko parin mahanap ang sagot. Kasi Morz pinaramdam niya sa aking mahal niya ko. Mahal na mahal. Pinaramdam niya saking siya at ako lang. Na kami na hanggang huli. Tapos biglang ganoon na lang? Morz kahit anong gawin ko masakit pa din. Ang sakit sakit pa din..." Muling iyak ko pa dito at tuluyang sumubsob sa lamesa.

"I don't know Kari. I really don't know. Kahit ako ay pinaglihiman niya din. Wala din siya saking nabanggit tungkol doon. I was shocked too. And believe me I am angry with him too. But I am also worried to him. Kasi hindi ko pa din siya makontak hanggang ngayon." Wika nito.

"See? Kahit ikaw binlock niya." Mapait na wika ko at tumungga ulit ng alak.

"Hindi gagawin ni Kuya iyon. Alam kong may dahilan ang lahat ng ito. Ang hindi ko lang maisip ay kung bakit siya nagpakasal. At bakit alam nila Kuya Dimitri iyon samantalang ako ay walang kaide-ideya." anang nito na tila nagdaramdam din.

Kung dito ay masakit at nakakabigla, ano pa kaya sakin? Para niya kong pinatay!

Tumunog ang Cellphone nito tanda na may tumatawag dito. Sinagot naman nito iyon at parang biglang namutla sa tinig ng nakausap. Tila bigla itong nanghina sa natanggap na tawag.

"Hoy Morz! Anong nangyari sayo?!" Bulyaw ko dito dahil para itong napatuod sa kinauupuan habang bahagyang nakanganga pa sa pagkagulat. Sino kaya ang tumawag at ganito na lang ang reaksyon nito? Don't tell me si Meldy iyon? Kasi kung oo, valid naman ang magreact ito ng ganoon.

"Hay bahala ka nga diyan! Back to the topic! Wala akong pake kung ano mang reasons niya! Kapag nagkita talaga kami—"

"M-Mukhang magkikita na nga kayo Kari. 'Cause K-Kuya's back." Anang nitong tila hindi din makapaniwala sa sariling sinasabi.

Napamaang ako dito at hindi napigilang kumabog ng walang humpay ng dibdib ko sa binanggit nito.

Ano ba heart?! Kakabog kabog ka pa diyan! Saksakin kita diyan! Niloko tayo ng gago na yun okay! Hindi ka na dapat tumitibok ng ganiyan sa tukmol na iyon!

"S-S-So ano naman kung umuwi na siya?! Maganda nga yun ng mabugbog ko na siya! Tara na umuwi na tayo?! Susugurin ko ng itak yang kuya mo!" Anang kong agad tumayo at niyakag ito habang pinupunasan ang mga luha ko.

Talaga lang ha?
Susugurin ng itak ha?
Eh bakit parang nakakadama ka ng tuwa diyan ha?
Kastigo ng mahadero parte ng utak ko.

Of course not!!!
Apila ko naman na napukpok pa ang utak. Para na kong baliw talaga.

But I can't help feeling giddy!

"K-Kari... I think he's with somebody. Nakadinig ako ng tinig ng babae sa linya eh." Alanganing wika ni Morris. Pinag-isipan siguro nito kung sasabihin sakin ang bagay na iyon.

Parang pinutok na lobo ang kaisipan at emosyon ko sa biglang sinabi ni Morriz.

How come I forget that part?

Z is married now.
Happily married in fact.

Nanginginig ang pagkatao na napatawa ako ng mapait.

"O-OO nga pala. K-Kaya nga dapat sumugod tayo di ba?" Nagtatapang tapangan na wika ko ngunit hindi naman magawang maihakbang ang mga paa.

Nagsimula na namang manikip ang dibdib ko. Hindi ko napigilang mapahikbi.

"Kari..." Nag-aalalang sambit na naman ni Morriz sa ngalan ko.

"C-Can you please help me erase this pain Morz? Ang sakit. Ang sakit sakit." Daing ko na nayukyok sa dibdib nito.

Niyakap ako nito ng mahigpit at muling bumulong ng mga pang-alo sa tainga ko.

"You can't erase the pain easily Kari kahit anong pilit mo. Lalamunin at lalamunin ka ng kalungkutan at sandamakmak na mga katanungan hanggang sa halos sumabog na ang dibdib mo sa sakit. Kahit ako, hindi ko alam kung paano sosulosyunan ang sariling problema ko. I can't stop thinking of her. Her memories haunting me. Killing me." Paglalabas nito ng sama ng loob.

At nauunawaan ko ito. Magkaiba man ang sitwasyon namin ay pareho kaming nagmamahal sa taong wala na samin ngayon. Sa taong imposible na maging amin muli.

Napaisip akong bigla, kung si Morriz kaya ang minahal ko nung mga panahong may pagtingin pa ito sa akin, mawawasak kaya ako ng ganito katindi?

"Then can you just help me? Help me Morz. Tulungan mo kong ipakita kay Z na buo pa din ako. Tulungan mo kong patayin ang pagmamahal ko sa kanya. At tutulungan din kitang kalimutan siya." Anas ko sa mga salitang kahit kailan ay hindi ko naisip na masasambit ko sa kaibigan kong si Morriz.

I don't know what just hit me.
But I badly needed someone to save me.

Nakita ko ang pagdaan ng hindi pagkapaniwala nito, ngunit saglit lamang iyon dahil bigla na lamang ako nitong niyapos at hinagkan ng buong suyo.

Nagulat man ay tumugin din ako. Hindi ko alam kung dala ba ng alak o sadyang nababaliw na ko sa kasawian ko kaya ko iyon tinugon.

Pero dama kong kailangan.

Kailangan kong tumugon nang sa ganoon pareho kaming makaalis na sa kabiguang nararamdaman.

And while I answered his kisses,
I still wonder how come
Z's lips taste much sweeter?

😣😣😣😣😣

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now