Chapter 34 💖 Karina 💖 Wounded

176 5 2
                                    


Kumakabog-kabog ang dibdib na bumaba ako sa sala.

Nakita kong si Zereff na nasa sala, nakangiwi at tila hirap na hirap na nilalagyan ng gaza ang sariling noo. Nakakaawa itong tignan sa totoo lang, ngunit hindi ako nito mapapalambot sa ganoon kung iyon ang pakay nito. Kahit pa halos gusto ng lumapit ng sarili kong katawan dito para tulungan ito.

Tila wala sa sariling napahawak ako sa buhok ko at bahagyang inayon iyon sa puwestong gusto ko. Tapos ay pinlatsa ko gamit ng kamay ang suot kong damit dahil may ilang mga guhit iyon mula sa pagkakatiklop. Tinamad na kasi akong mamlantsa dahil mainitin at pawisin akong tao.

Siyempre hindi para kay Zereff itong pagaayos ko noh, ganito lang talaga ako. Gusto ko lang laging maayos ang itsura ko. Basta, iyon na iyon.

Pinalis ko ang kaba at tensyon na nasa loob ko, saka dire-diretsong pumunta sa kusina ng bahay namin para gumawa ng almusal ko. Wala ngayon ang mga magulang ko dahil araw ng delivery namin sa ibang bayan. Ang mga kuya ko namang matitino ay hindi na sa amin nakatira. Si Kuya Dimitri ay may sarili nang pamilya at bahay, habang si Kuya Neo naman ay pokus sa pagpapalago ng tinayo nitong Pharmacy at nagpapagaling ng sawing puso. Hiwalay na kasi ito at si Ate Phiebiz.

"May you help me in putting these? Hindi ko kasi makita eh." Anang ni Zereff sa tonong nagpapaawa.

"Edi pumunta ka sa CR para makita mo. Ang laki laki ng salamin doon nagpapakahirap ka." Mataray kong sagot dito habang nagbabati ng itlog na iluluto ko. Hindi ito tumugon bagkus ay tumayo para tumalima sa sinabi ko matapos bumuntong hininga.

Sinalang ko ang kawali at nagpasyang gumawa muna ng juice habang pinaiinitan ang nauna. Binuksan ko ang ref at kumuha ng dalawang malaking orange fruit. Matapos ay ginulong-gulong iyon sa palad at mesa para mas kumatas pag piniga. Nang mahiwa iyon ay piniga ko iyon sa basong nilagyan ko ng konting tubig. Pagkapiga ay kinuha ko ang honey sa cabinet at nilagyan ko ng kaunti ang juice ko. Ayoko kasi ng purong orange juice lang.

Uminit na ang kawali kaya isinalang ko na ang itlog na binati. Nang maluto ay sinalang ko naman doon ang apat na loaf bread para uminit din.

Nang makaluto ako ay naghain na ko para kumain ngunit nagulat at napangiwi nang makitang para sa dalawang tao ang nagawa kong pagkain.

Nabatukan ko tuloy at nasita ang sarili sa nagawa.

Sa tuwing kasing umuuwi ng pilipinas si Zereff ay nagpapaluto ito sa akin ng almusal at sabay kaming kakain habang naglalambing akong nagpapasubo dito dahil sa iisang pinggan lamang kami kumakain.

"Old habits hard to die Baby. Thank you for making breakfast. Lika na upo ka na sakin, kain na tayo. Hindi na masarap yan kapag hindi na mainit." Malawak ang ngising wika ni Zereff na may kasama pang muwestra. Nakalabas na ito sa banyo at papalapit na sa mesa.

Nabitin ang hininga ko ng makaupo na ito sa upuan ng mesa namin. Hindi maliit ang kusina ng tahanan namin, pero kapag malapit ito sa akin, kahit anong espasyo ay biglaang lumiliit at sumisikip.

"A-Ano ka chicks? P-Para sa akin ito noh." Pambabara ko dito na alam ko namang hindi kakagatin nito. Hinila ko ang plato ko at lumipat sa kabilang dako ng mesa.

"C'mon Baby. I know you can't eat all of those. Just give me a bite. Para may laman naman ang tiyan ko bago ako uminom ng gamot." Pamimilit nito na nilungkutan pa ang mukha at ngumiwi na animo'y muling nasasaktan ng dahil sa sugat.

Bite bite-in mo muka mo diyan.

Gusto ko sanang maawa dahil ako ang may sala niyon, at mukhang makirot talaga ang nagawa ko ditong sugat, ngunit mas masakit pa din ang sugat na ginawa nito sa akin. At kahit ilang pain reliever pa ang inumin ko, hindi mapapawi niyon ang mga sakit.

"Neknek mo. Gumawa ka kung gusto mo." Matigas na ani ko dito at sinimulan ng kumain. Sinunod sunod ko ang nguya ng sa gayon ay maubos ko kagad ang mga niluto ko at para walang mahingi ito.

"Dahan-dahan lang Baby. Baka mabulunan ka niyan. Though I wish to para magkaroon ako ng dahilang yakapin ka habang tinatanggal natin yung hirin mo." Nakataas ang isang sulok ng labi at mapang-akit na wika nito. Kumagat labi pa ito at tinaas pa ang kilay.

Juice coloured!!!

At may sa dilang demonyo nga ang loko. Nahirinan talaga ako. Ngunit hindi dahil sa pagkain, kundi dahil sa itsura nito ng sabihin nito iyon sa akin. Bago pa ito makalapit sakin ay kinuha ko na ang baso ng Juice ko at ininom iyon ng diretso habang nakasalag ang kamay ko bilang pagputol sa pagkakataong makalapit ito sa akin.

Bumaba agad ang pagkain sa awa ng Diyosa ng mga Juice. Nakahinga agad ako ng maluwang. Ngunit hindi rin nagtagal ng madinig ang tawa ni Zereff.

Petchay na nilagay sa nilaga!
Bakit lalo itong gumaguwapo kapag tumatawa?

Nagsimula na namang tumibok ng di normal ang puso ko. Ganito ang reaksyong ng puso ko kapag nadidinig ko ang halakhak nito, sa screen man ng telepono at laptop o sa personal.

"You never seize to amaze me Baby. Bakit ang ganda mo pa din kahit nabubulanan ka na?" Nagniningning ang mga mata sa pagtawa na wika nito.

Napamaang ako sa iwinika nito at kumabog ng walang humpay ang dibdib ko. Ngunit nahila ko muli ang matino ko pang parte kaya naman inismiran ko ito nagpasyang tarayan.

Kung akala nito ay madadala ako nito sa mga banat nitong korni, na aminado akong kinakikiligan ko naman talaga, ay nagkakamali ito.

Hindi na ako magpapadala pa dito.
Hindi, dahil hindi maaari.
Hindi, dahil hindi na puwede.
At Hindi, dahil hindi.

Muntik ko nang makalimutan ang mga katotohang iyon. Mga katotohanang dahilan bakit nasa ganito kaming sitwasyon at kalagayan ngayon.
.
"Shut up! Ano bang nakakatawa? Bulag ka ba? Nahirinan ako di ba? Tapos tumatawa ka pa?" Iritable kong asik dito ng mahimasmasan na kinagulat nito.

Nakakairita ang kasiyahan sa mukha nito. Ano bang pakay nito at nadito ito? Hihingi ng sorry? Nang closure? O ng pagkakataon at gagawin akong kabit? Ano man sa mga iyon ay wala na kong pake. Dahil pagbalig-baligtarin ko man ang mundo, tapos na kami at kasal na ito. Pareho na kaming may mga buhay ngayon.

Hindi kayo pareho, kasi siya yung buhay mo.
Mapait na wika ng isang parte ng isipan ko.
Masasaktan ko talaga yung isipan na iyan kung naging tao lamang.

Binalik ko muli ang isipan dito. Nakatingin pa din ito sakin at halo halo ang emosyon sa mukha, na tila ba hirap na hirap sa naging sitwasyon namin na ito naman ang may gawa.

"Hindi mo ba alam na masakit at nakakamatay ang mabulunan?
Oh. Hindi malamang. Kasi wala ka namang paki sa sa kalalabasan magkagayunman. Wala kang pake kahit nakasakit ka na. Wala kang pake kahit nakapanloko ka na. Wala kang pake kasi magaling kang magpaasa! Alam mo kung ano ka? Para kang uod sa gulay. Ang lakas mameste at manira ng buhay!" Asik ko dito saka padabog na inilapag ang baso. Napalakas yata ang pagkakalapag ko dahil nabasag iyon sa kamay ko at naging dahilan para masugatan ako.

"O ayan patas na tayo. Sugatan na din ako." Makahulugang turan ko saka agad na tinalikuran ito. Walang kiber sa sakit na nakita dito na bumalatay sa mukha nito sa mga salitang namutawi sa bibig ko.

Tang-ina lang.

Hindi ko pa din pala kaya.

Hindi ko pa din pala kayang tuluyang patayin ang pag-ibig ko dito.

Dahil hanggang ngayon, sinaktan at niloko man ako nito,

hawak pa din nito ang puso ko.

😞😞😞😞😞

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now