Chapter 55 💖 Zereff 💖 Anchor

104 5 0
                                    

Muli ko na naman nasaktan si Karina.
Tuwina na lamang ay ito ang aking napagbubuntungan ng sama ng loob. Alam kong wala naman itong ninanais kundi ang kabutihan ko, lamang ay minsan, nauunahan ako ng mga irasyonal na kaisipan na siyang nagtutulak sa aking gumawa at magsalita ng kung ano ano.

Hanggang saan ko pa ba wawarakin ang kasintahan? Maaari ko pa nga bang patuloy mahalin ito? Nararapat pa nga ba ako para dito?

"Bakit hindi mo habulin?" Anang ng isang tinig hindi kalayuan sa tabi ko. Nakatalungko ako habang nakaupo sa isa sa mga couches na nakapa ng cane ko. Iniisip ang mga katangahang sinabi sa kasintahan.
Hindi ako kumibo dahil lubog din ako sa sariling mga isipin. At isa pa, baka hindi naman ako ang kinakausap nito.

"Ikaw ang kinakausap ko hijo." Tila nabasa ang isipan ko na sunod na wika ng estranghero. Narekognisa kong may edad na ito base sa tila matandang tunog ng boses nito.

"P-Po?" Tanging nasambit ko.

"Alam mo noon, ganyang-ganyan din ako sa asawa ko 'nung nabulag ako. Galit na galit ako sa mundo at wala akong kinakausap halos na kahit sino. Hindi ko kasi maunawaan kung bakit sa dinami-rami ng masasamang tao sa mundo, ako pa na wala namang inagrabyo kahit kailan buong buhay ko ang nabulag. Hindi ba nakakapagdamdam naman?" Anang nito. Dinig na dinig ko sa tinig nito ang natitirang paghihinanakit kung kanino.

"Hindi ko tuloy naiwasang kwestyonin ang Diyos. Ang sabi ko, bakit hindi na lamang ibang tao? 'Yung mga salbahe at walang ginawang matino sa buhay nila. 'Yung mga rapist at magnanakaw na walang habas kung pumatay ng tao." Anito pa.

Napabuga ako ng mabigat na paghinga sa tinuran nito at napaisip. Ganoong-ganoon ang halos araw araw kong naiisip. Hindi ko rin maiwasang mapatanong aa Maykapal kung bakit ko ba ito lahat nararanasan. Anong ginawa kong masama para maparusahan ako ng paulit-ulit? Minsan tuloy naiisipan kong tapusin na ang lahat. Magpakamatay na lang ng hindi na maranasan pa ang masaktan. Kasi, paano pa ba ako magpapatuloy kung wala na akong makitang magandang kinabukasan?

"Pero alam mo Hijo, nakita ko rin ang kasagutan sa lahat ng katanungan ko sa paglipas ng panahon." Biglang anang nito na kinalingon ko sa direksyon nito.

"Noon kasi, hindi ko gaanong nabigyang pansin ang halaga ng asawa ko. Medyo mahabang kwento, pero hindi talaga ang asawa ko ngayon ang unang babaeng minahal ko. Iyong babaeng mahal ko, iniwan ako at pinagpalit sa iba. Dumating ang asawa ko sa buhay ko at sa madaling salita ng mga kabataan ngayon, naging rebound ko lang siya." Wika nitong marahang natawa sa nilitanya. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti sa tinuran nito.

"Eh ano hong nangyari pagkatapos?" Tanong kong hulog na sa interes sa paglalahad nito.

"Ayon, naging kami na nga. Noong kabataan ko kasi, sobrang guwapo ko kaya na in love talaga siya sa akin." Natatawa-tawang saad nito. "Pero hindi ko pa rin siya ganoon kamahal noong mga panahon na iyon. Kahit na nagkaroon na kami ng ilang mga anak." Pagpapatuloy nito. "Hanggang sa nabulag na nga ako." Nahimigan ko ng lungkot na ani nito. "Nang kainin na ng katarata ang mga mata ko, nahiling ko na sana, kahit isang beses lang, makita ko pa ulit ang mukha ng asawa ko. Masabi sa kanya nang nakatingin ng direkta sa magaganda niyang mga mata, kung gaano siya kaganda. Kung gaano ako nagpapasalamat na siya ang napangasawa ko. At magpasalamat na minahal niya ako. Alam mo kasi, napakaganda at walang kahalintulad ang misis ko. Kahit kailan, hindi ako iniwan niyon. Ni hindi ko siya naringgan na nagreklamo sa pag-aalaga sa akin. Kahit na naging bugnutin pa ako. Lagi pa rin niya akong sinasabihan ng mabubuting salita. Binabasahan ng mga kuwento, kinakantahan, nilulutuan ng masasarap. Tapos lagi niyang sinasabi sa akin na ang guwapo ko pa rin. Pero alam ko naman bolera ang misis ko." Saad nitong kahit hindi ko nakikita malamang ay nangingiti na naman.

"Hindi niyo ho ba nasabi sa kanya kahit kailan ang mga salita na iyan?" Tanong ko ritong hindi naiwasang malungkot sa isipin na iyon. Dahil para sa akin, mahahalaga rin ang mga salita.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now