Chapter 9 💖Karina💖 Visitors

186 9 0
                                    


"Shocks Kar, ang guwapo talaga ng Kuya mo. Sana hindi mo pinalabas para may magandang tanawin kaming makita dito." Ani ni Serena pagkaalis ng Kuya Neo ko sa hospital room na kinalalagakan ko. Dinalaw ako ng mga ito.

"Oo nga Kar, ang fresh sa mata tignan ng mukha ng Kuya mo." Segunda naman ni Lave na sinangayunan pa ng iba naming kaibigan.

"Tigil tigilan niyo nga yang kalandian niyo.
Kurutin ko mga singit niyo mga petchay kayo. Ako ba yung pinunta niyo dito o yung Kuya ko?" Natatawang kong kastigo sa mga ito.

"Yung Kuya mo." Sagot ng mga ito sa iisang tinig. Parang inasinang mga bulate pang nangisay sa kakiligan ang mga ito. Napailing na lamang ako habang nakasandal sa headboard ng kama ng ospital.

"Nakakaloka ka naman kasing babae ka. Sa dinami-dami ng sakit na makukuha mo, dengue pa talaga. Puwede namang ubo o sipon lang, hindi eh, pinakyaw mo lahat, may ubo't sipon ka na may dengue ka pa." Ani ni Serena sakin ng matapos ang mga ito sa kakairihan.

"Eh bakit, ginusto ko bang magka-dengue? Lukaret ka din eh 'noh." singhal ko kay Serena na kinatawa lang nito.

"Tama na nga kayo diyan. Ano, kamusta ka na. Sensya na ngayon lang kami nakapunta kasi busy kami ni Nanay sa palengke. Alam mo na, sinasamantala niya habang suspended ako. Tapos ito pang mga ito ang hihirap ayain. Puro mga hectic ang sched." Ani ni Lave.

"Yun oh, naalala din akong kamustahin." Ani kong kinahalakhak ng mga ito.
"Okey na ako. Sana hindi mo na sinama tong mga ito. Mga feeling artista naman pala eh, hirap magpa-appointment." Ani ko na pinaningkitan ng mata ang iba kong mga kaibigan. Natampal tuloy ako nila Serena, Francine, Meldy at Rosy ang binti ko sa tinuran ko.

"Mukhang okey ka nga. Lakas mong na ulit mambuska eh." Ani ni Rosy na kinatawa ko naman.

"Oo, okey na ko. Halos pang 1 week ko na din dito. Effective naman yung mga gamot nakakabawi na katawan ko. Normal na din yung platelet ko kaya baka daw by nextweek ma-discharge na din ako." ani ko naman na sinagot ang mga tanong nito.

"Mabuti naman kung ganoon. Ay ito nga pala may dala kami ditong mga pagkain, yung iba diyan galing sa mga classmates natin, at yung iba naman sa mga suitors mong naga-alala sayo." Ani ni Lave.

"And this, is from Morriz." Ani ni naman ni Serena na may kakaibang kislap ang mata habang iniaabot sakin ang kumpol ng bulaklak.

"Wow. May pa-flowers pa ang gago ha." ani kong namimilog ang mga mata habang tinatanggap ang bulaklak. Napakaganda naman kasi niyo, roses pa talaga.

"Oo nga eh, ang effort. Magkano din yan ha. Nanliligaw na ba sayo si Morriz?" Tanong ni Serena pagkuwa'y.

"Ano? Loka friends lang kami noh. Ano ka ba. Parang hindi mo naman alam iyon. Kababata ko lang siya." Sagot ko kagad kay Sere. Ganito naman na kasi talagasi Morriz simula nung mga bata palang kami.

"Oh..." tumatango tangong sagot nito. "True ba yan? Wala ka talagang crush sa kanya kahit na konti?" Sunod naman na tanong nito.

"Ano bang klaseng tanong yan Sere. Wala noh kahit katiting. Hindi naman dalawa ang puso ko para magkagusto sa dalawa nang sabay. Tsaka anong tingin mo sakin, salawahan na tutuhugin ang magkapatid?" Sagot ko na bahagya ng naiirita. Wala namang masama sa tanong ng kaibigan ko, pero nakakainis lang kasi, kasi faithful ako kay Z. Si Z lang ang gusto ko.

"Oh nadinig mo yon Meldy? Walang sila kaya may pag-asa ka." ani ni Sere na hindi sakin nakatingin kundi kay Meldy. Si Meldy naman ay biglang nabilaukan sa gilid habang lumalantak ng orange na nasa side table ng hospital bed. Nangunot ang noo ko sa tinuran nito pero maya maya din ay naunawan ko na din. Napuno ng tuksuhan ang kuwarto habang kuntodo tanggi naman si Meldy. Mukhang madami akong namiss na eksena. Sana makalabas na agad ako talaga.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now