Chapter 47 💖 Zereff 💖 The Reasons

125 6 7
                                    

A/N

Hi Dearest!!!
Okay, this is quite messy, I don't know why it is a throwbacks😂😂😂
My mind is in chaos to be honest! Please bear with my chaotic mind huhu 😭😭😭
Iloveyouall!

TramyHeart 💕💕💕



--------

(This chapter is about the reasons why Z married Margarette.)

Year 2009

Pagkababang pagkababa ng eroplano ay dumiretso na ko sa eskwelahang pagtuturuan ko upang wala na kong lakarin pa sa susunod na araw bago ang nakatakdang araw ng pagtatrabaho ko doon.

"Konichiwa. Ohayō gozaimasu. Watashino namaewa Guillermo Zereff Evan desu. Watashiwa O sagashite imasu Mr. Jackson kare han kon shigoto chuu desu ka?
(Hi. Good Morning, I am Zereff Evan Guillermo. I am looking for Mr. Jackson De Guzman, is he working now? )" Pagpapakilala ko ng makarating na sa School na pinagpadalahan sakin ng pinag-apply-an kong ahensya.

"Ohayou gozaimasu Girerumo-san. Watashi wa Tachibana Taiga desu. Jakuson De Guzuman to iu namae no roudousha wa imasen. Hontou ni koko de hataraite iru to hanashitai hito wa imasu ka?
(Good morning Mr. Guillermo. My name is Tachibana Taiga, I am the administrative officer of this School. We don't have a worker here named Jackson De Guzman. Is there anyone you want to talk to that truly working here?)" Taas ang kilay na wika nito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng school staff. Paanong walang Jackson De Guzman na nagtatrabaho doon?

Ang sabi ng agency na ina-applyan ko ay iyon ang hanapin ko kapag dating na pagdating ko sa eskwelahan na iyon.

"Uhmmm. I-I don't know anyone besides that name given by my Employment Agency." Nasabi ko na lamang

"What is the name of your Agency Sir?" May katarayan nitong tanong. Marunong naman pala itong mag-English pinahirapan pa ako. Akala marahil nito ay nagloloko lamang ako.

"Georna Employment Agency. I am from Philippines. Here is my recommendations, contract and other files. They send me here to work as an ESL Teacher."

"I'm sorry to tell you Mr. Guillermo, but we don't know Georna Employment Agency. We do coordinate to some agencies, but Georna Employment Agency is not one of them Sir. And besides, we have enough ESL Teacher now here in Kyoto High."

Kumabog ang puso ko sa kaba.

"Wait... B-But this papers."

"Those papers are fake sir. I'm afraid to tell you this... But I think you were scammed by that Agency in your own country. This cases is quite relevant nowadays. We can't consider your papers Sir."

Nanlulumong umalis na ko sa eskwelahan ng mapagtanto ang mga sinasabi ng school staff na iyon.

Nalamukos ko ang papeles na hawak ko at tangka ng itatapon ng maalalang magagamit ko pa iyon bilang ebidensiya kapag nagsampa ako ng kaso. Wala pa naman akong ibang malalapitan dito sa bansang ito. Mayroon akong ilang kakilala ngunit wala naman akong mga contacts doon. Kung magbabakasakali akong hanapin ang mga ito baka maubos lamang ang pocket money ko at abutin ako sa kalsada ng dilim.

Nagdesisyon akong kumain muna dahil hindi na ko makapag-isip pa ng husto sa pagod sa biyahe at gutom. Idagdag pa ang depresyong nararamdaman ko sa kaalamang naloko ako at maaring bumalik sa Pilipinas na wala man lang dala ni isang kusing.

Napailing na lamang ako sa isiping iyon.

Hindi ako maaring bumalik sa Pilipinas dala ang kahihiyan na naloko ako at wala man lang laman ang bulsa. Nakasangla ang lupa at bahay ng mga magulang ko sa bangko at nakatakda ng ilitin tatlong buwan na lang mula ngayon.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now